Chapter 13: Cheer Up
"And you're here because?" ang pambungad na tanong nito kay Sehun noong naupo siya kaharap nito.
"Your bestfriend asked me to. Mas pinili niya kasing kasama ngayon si Luhan kaysa sayo."
Nagroll eyes ito. "Umorder ka na. Nakaorder na ako," utos nito sa kaniya sabay turo sa tall wintermelon bubble tea nito. Tumayo muna si Sehun at umorder ng tall chocolate mint bubble tea.
Naupo ulit siya at saka nagsimulang magtanong dito. "Sabihin mo. Bakit badtrip ka ngayon?"
"Bukod sa hindi ako sinamahan ng dapat kasama ko ngayon... sa tingin mo?"
Nagshrug siya. "Sinabi kasi ni Anj na mukhang badtrip ka raw nung tinawagan mo siya."
"I consider you as my friend kaya sasabihin ko sayo," pahayag nito habang inaayos ang pagkakalagay ng tissue sa sariling baso.
Ouch. Pero mababago rin 'yan, soon, naisip niya. "Sige. Ano yun?"
"Break na kami. That friend of yours, Do Kyung Soo, has the nerve to accuse me as an accomplice of the cloaked figures."
Buti naman, naisip niya. Pero pilit niyang ginawang seryoso ang mukha dahil baka magtaka ito kung bakit masayang-masaya siya ngayon. "May ebidensya ba siya?"
Uminom muna ito bago sumagot. "Yun na nga. Wala naman. Inatake raw kasi ng nakacloak yung papa niya kagabi. Porket ba pinsan ko si Chan Lien eh kasabwat na niya ako sa mga gawain niya? Eh simula nga nung mahuli siya, wala na akong communication sa kaniya."
"Wait..." Naibaba niya ang bubble tea na iinumin sana. Isang bagay lang ang tumatak sa kaniya sa mga sinabi nito. "Inatake sila kagabi?"
Tini-trace nito ang rim ng baso gamit ang hintuturo at saka sumagot. "Oo. Tapos nagulo daw yung bahay nila."
"Tch. Alam mo, 'wag muna nating isipin ang mga problema ngayon. Sa palasyo nga yun nalang palagi ang topic, hanggang dito yun parin ba?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Gusto mong mambugbog?" tanong niya pabalik.
Tinabi nito ang baso ng ubos nang bubble tea. "Bakit, magvovolunteer ka bilang punching bag?"
"Syempre hindi ako. Ayokong pumasok bukas ng maga ang mukha," tanggi niya at hinawakan ang mukha. "Arcade tayo."
Nang maubos nga nila ang kani-kaniyang bubble tea ay nagpateleport sila sa mall. Tumungo sila sa third floor kung nasaan ang arcade.
Bumili si Sehun ng unlimited card para sa kanilang dalawa. Agad na nagsimula si Nana doon sa parang angry-o-meter. Hinampas niya ng malakas yung hammer at nakuha niya ang pinakamataas na score. "Whoa," manghang sabi ni Sehun.
"Kaya mong higitan yan?" panghahamon nito sa kaniya.
"Tignan natin." Kinuha niya ang hammer kay Nana at siya naman ang humampas nito. Pero nadisappoint siya noong lamang parin sa kaniya si Nana ng three points.
"Okay lang yan, Sehun," pang-aalo nito habang tinatapik ang balikat niya.
"Sige na nga. Dito naman tayo." Nilapitan ni Sehun ang basketball at tumabi naman sa kaniya si Nana.
"Go!" Sabay silang tumira at gaya kanina ay pataasan rin sila ng points sa loob ng two minutes. Parehong walang palya ang dalawa sa pagshoot at halos tie lang ang score nila.
"Nana..."
"O?" tanong nito habang nakafocus parin ang tingin sa ring.
"Nana..." ulit na tawag niya.
BINABASA MO ANG
Coveted (EfEP #2)
Mystery / ThrillerNew life, new job, new duties. Adjusting to new responsibilities may be easy but the cloaked figure is back and he ensures them that life won't be easy with him added in the picture. Love over friendship and family? Yeah, these things can be messy...