Chapter 17: Order

30 6 8
                                        

Chapter 17: Order

"Kris..." untag ni Luhan noong makarating siya sa office nito. Tinaasan siya nito ng kilay at binaba ang panulat. "I have found something."

"Ano yun?"

"Well, naghanap kaming tatlo nina Suho at Xiumin sa Earth section, at sa Earth languages ako na-assign noong naghati-hati kami ng topics. And Dau, Chwe, Tair is a way of counting numbers in Welsh, a language on Earth."

Kumunot ang noo ni Kris. "And it means?"

"Dau means one, usually used by a male. Tair means three, used by a female, that's Nami. And Chwe is used by a female, it means six."

"So totoo nga na kasama nila si Nami," komento nito. "By the way, do you know what Chan Lien's codename mean?"

"I think I do. I looked it up and there is no War in the numbers. However, there is the number Pedwar which means four, and is used by a male. So I guess... War is short for Pedwar."

"At least now we have a clue. Thank you."

**

"Hi, Anj!" bati niya dito noong sinagot nito ang tawag niya.

[Luhan? Napatawag ka?]

"Sabay tayong maglunch. Hintayin kita sa labas ng office niyo." Hindi na niya ito hinintay pang sumagot at binaba na ang tawag.

Napangiti siya. May nadiscover kasi siyang bagong restaurant at gusto niyang isama ito. Naging foodtrip buddy niya na rin kasi ito.

Naglakad na rin siya papuntang office ng Sorcerers dahil tapos naman na ang importanteng trabaho niya ngayong araw. Mamaya nalang niya babalikan ang mga iba pang gagawin.

Makalipas ang ilang minuto ng paglalakad ay nakarating na rin siya sa labas ng office ng Sorcerers. Kumatok lang siya at binuksan ang pinto. Tumambad sa kaniya ang mga kaibigan na prenteng nakaupo sa kani-kanilang swivel chair at nag-aasaran. Limang minuto nalang kasi at sasapit na ang lunch time.

"O, Luhan, anong ginagawa mo dito?" usisa ni Lay na pinakamalapit sa pinto at unang nakapansin sa kaniya.

"Si Anj?"

"Nasa dulo ang desk niya."

Tinungo niya ang dulo ng office habang binabati parin ng mga kaibigan niya. "Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito, Luhan?" pabirong tanong ni Chen.

"Wala naman, Chen. Susunduin ko lang ang kasama kong maglunch ngayon."

"Oy!" sigaw ng malalim na boses ni Chanyeol na rinig sa buong office. "Ilabas niyo na si Anj. Nandito na yung date niya."

Naiiling na lumakad nalang ulit si Luhan pero nakasalubong niya ang nagmamadaling si Anj. Dala nito ang isang clutch habang mabilis na naglalakad ng nakayuko kaya hindi nito napansin si Luhan. Agad namang hinawakan ni Luhan ang braso nito para mapahinto ito. "Luhan."

Nginitian niya ito at saka ito inayang lumabas. "Enjoy sa date!" pahabol naman ni Baekhyun.

Nakarinig pa sila ng tawanan bago tuluyang nakalabas ng office. "Saan tayo pupunta?" tanong agad nito nang malapit na sila sa teleport station."

"Sa bagong restaurant na nadiscover ko."

Sinabi lang ni Luhan ang lugar at sabay silang hinatid doon ng teleporter. Dumating sila sa lugar na maraming kilalang restaurants at medyo naglakad pa sila ng konti. Mabuti nalang at pareho silang nakatrench coat at gloves dahil hanggang ngayon ay malamig parin.

"Malapit na tayo. Pwede rin tayong umorder ng soup mamaya kung nilalamig ka na talaga," sabi niya dito.

"Paano mo nadiscover ang restaurant na pupuntahan natin?"

Coveted (EfEP #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon