CHAPTER 9
CALISTA
"Okay ka na rito?" Tumango ako ngunit hindi ako makatingin sa kaniya.
"Cali, hindi ka naman dapat matakot sa 'kin, sa 'min," aniya sa malambot na boses.
Nang tanongin ko siya kung sino siya, sino sila at anong klaseng tao sila ay sinagot niya naman ako agad. Hindi siya nag alinlangan na sabihin sa akin na isa siyang Mafia boss. Isa silang malaking grupo na hindi takot pumatay at gumawa ng krimen. Kaya pala palagi siyang may dalang baril.
"Cali..." tawag niya.
Inangat ko ang tingin sa kaniya at nginitian siya.
"Hindi ako takot sa 'yo. Ilang beses mo nga akong niligtas kaya alam kong hindi mo ako magagawang saktan."
Hindi mababago ang paningin ko sa taong 'to kahit nalaman ko pang isa siyang leader ng mafia organization. Kung masamang tao siya ay hindi na niya ako iniligtas. Hindi lang isang beses kundi tatlong beses pa.
Malamlam itong ngumiti at pinalandas ang kamay sa buhok ko dahilan upang bumilis ng tibok ng puso ko.
"Thank you for trusting me."
Napalunok ako at matiim siyang tinitigan.
"Hindi mo naman kailangan gawin 'to, Seb. Why are you doing these things? Why are you protecting me? Hindi mo ako kargo, Seb. Kung ang rason mo lang ay dahil tinulongan kita sa kaso mo, bawing-bawi ka na dahil ilang beses mo na akong nailigtas sa kamatayan ko."
"I don't have any reason why I am doing this. Ang gusto ko lang ay maging ligtas ka." Nilipat niya ang kamay niyang na sa ulo ko sa aking pisngi.
"P-Pero bakit?"
Malumanay itong ngumiti. "Dahil merong isang babaeng napakaimportante sa buhay ko na nawala dahil hindi ko nailigtas. Ayoko na ulit mag sisi. Kung may pagkakataon akong iligtas ang tao at alam kong kaya ko ay gagawin ko ang lahat para mailigtas ito," sagot niya.
Kung gano'n ay nakikita niya lang pala sa akin ang babaeng tinutukoy niyang nawala sa kaniya noon. Girlfriend niya kaya 'yon?
"I don't want to lose you." Natigilan ako sa sinabi niya ngunit hindi ako nag salita. Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko. He don't want to lose me kagaya sa nangyari sa girlfriend niya. Oh, God! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako affected, e hindi naman namin ka ano-ano ang isa't-isa.
"Mag pahinga ka na muna rito. Ibibilin kita sa mga tao ko. H'wag ka na munang lumabas. Kung aalis ka man ay mag pasama ka sa kanila," aniya at tinapik ang balikat ko.
"Okay." Iyon na lamang ang na sagot ko.
Muli niya akong nginitian bago siya lumabas ng kuwarto.
Binagsak ko ang aking katawan sa kama. "Oh, God. Bakit na naman ba ako napasok sa ganitong sitwasyon? Kutang-kuta na ako last three years ago. Diyos ko naman, palayain mo na ako sa ganitong sitwasyon.
Mukhang nanganganib na rin ako sa trabaho ko. Hindi na ako makakapasok dahil sa pisteng Hunt na 'yon! Bakit ba palagi na lang nagiging caused ng ganitong problema ang trabaho ko? Ginawa ko lang naman ang trabaho ko. Ginawa ko lang naman ang tama at pinalaya ko lang naman si Sebastian dahil inosente siya pero bakit bumabalik na naman sa akin 'yong resback na hindi naman dapat sa akin?
Itinakip ko ang braso ko sa aking mata para takpan ang mga mata kong unti-unting nanunubig. Kailan ba ako magiging malaya sa ganito? Napapagod na rin ako.
Ipinikit ko ang mga mata ko para pag pahingahin ang utak ko. I want to clear my mind first. Masiyado na akong frustrated.
"Cali!" Napalingon siya sa akin nang matumba ako.
BINABASA MO ANG
OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)
General FictionSebastian Berk is a mafia boss who is still looking for answers about his younger sister's death. Three years ago, his sister Athena was raped and murdered by an anonymous gang. Until one day, when he witnessed a scene that returned his wrath and la...