CHAPTER 20

4.3K 72 0
                                    

CHAPTER 20

Third Person’s POV

“Gising! Huy gising!” Minulat ni Calista ang mga mata niya ng maramdaman niyang may palad na tumatapik-tapik sa kaniyang pisngi.

Inikot niya ang kaniyang tingin sa paligid ng silid. Maraming kalalakihan ang nandoon kasama si Hunt na nasa kaniyang harapan at matiim siyang tinitignan.

Kinalagan siya sa kaniyang upuan ng isang lalaki at itinayo. Halos hindi siya makalagaw dahil sobra siyang nanghihina. Maraming dugo ang nawala sa kaniya at at wala rin siyang kain kaya nangangatog ang mga tuhod nito.

Inilabas siya sa silid ng mga lalaki habang si Hunt ay nakasunod lang sa kanila. Isang warehouse pala ang pinagdalhan sa kaniya, ngayon niya lang napansin dahil wala naman siyang malay noong dinala siya sa lugar na ‘yon.

“S-Saan niyo ako d-dadalhin?” nanghihinang tanong niya. Wala na siyang lakas pang sumigaw at mag pumiglas dahil sobrang sama ng kaniyang lagay, namumutla na rin ito.

Hindi siya sinagot sa kaniyang tanong, bagkus ay sininakay siya sa isang sasakyan.

Pumasok si Hunt sa passenger seat habang ‘yong lalaking kumuha sa kaniya ay siyang driver  nito.

Tinapunan siya ni Hunt ng tingin sa rear-view mirror. “Handa ka na bang makitang mamatay si Berk sa harap mo?” He grinned. Parang nabuhayan si Calista sa kaniyang narinig.

“A-Anong sabi mo?” Tumawa lang si Hunt at nilihis ang tingin kay Calista.

“H’wag kang mag alala, bibigyan naman kita ng pagkakataon na kausapin siya bago ko siya patayin.” Nakita ni Calista ang pag ngisi nito sa rear-view mirror ng sasakyan.

“Hayop ka,” madiin at matigas na sabi ni Calista at maitim siyang tinignan. Tumawa lang si Hunt na parang inaasar  lalo ito.

Bumilog ang mga kamao nito habang ang kaniyang masamang tingin ay nanatili lang kay Hunt.

Huminto ang sasakyan at lumabas sila Hunt. Binuksan ng driver ang pinto ng sasakyan at hinila si Calista pababa.

Sinipat ni Calista ang buong paligid. Hindi niya alam kung saan ito, hindi pamilyar sa kaniya ang lugar na ito. Ang tanging nakikita niya lamang ay ang isang lumang building na may limang palapag at abandona na.

Hinawakan siya ng lalaki sa braso at hinila-hila papasok sa loob. Gustohin niya mang mag pupumiglas ay wala na siyang sapat na lakas.

Sumakay sila sa isang elevator at huminto ito sa roof top ng gusali.

“Ano bang gagawin niyo!?” sigaw nito nang hatakin siya ng lalaki paupo sa isang silya at muling tinalian.

“Pakawalan niyo ako!!” sigaw niya ngunit parang walang narinig ang lalaking nagtatali sa kaniya.

Matalim niyang tinignan si Hunt na naglalakad papapunta sa direksyon nila at huminto sa tapat niya.

“Relax ka lang dahil ilang minuto na lang ay mag kikita na kayo ni Berk.” Hinawi nito ang ang buhok niyang nakatakip sa kaniyang mata at pinalandas nito ang kamay niya rito.

Matalim ang titig niya rito na para bang kaya nitong patayin ang binata sa titig nito.

“Naiinip ka na ba sa mangyayari?” bulong nito sa kaniya na nag pakuyom ng kaniyang mga kamao.

“Hinihiling ko na mamamatay ka bago mag umaga sa lugar na ‘to,” saad ni Calista sa kaniya ngunit tingnan niya lang ang dalaga na parang minamaliit ang sinasabi nito.

“Naku! Nakakatakot naman ‘yan. Ayoko pang mamatay.” Umarte ito na parang takot na takot. Sukdulan na ang inis ni Calista sa mga inaasta ni Hunt. Kung may lakas lang ito ay kanina niya pa ito nasigawan.

OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon