CHAPTER 26
SEBASTIAN
"Bigyan mo pa ako ng isa!" Binagsak ko ang baso sa harap ni Zircon.
"Bro, ang dami mo nang nainom." Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. Wala na akong ibang nararamdaman ngayon, kundi sakit at galit.
"Bro, kaya ako nandito dahil gusto ko magpakalunod sa alak!" Umiling na lamang ito at muli akong sinalinan ng alak sa baso.
Gusto kong malimutan ang nararamdaman kong 'to. Payak akong napangisi habang tinitignan ang baso ko.
"Ang taong matagal ko nang hinahanap ay kasama ko lang pala. Ilang beses ko pa siyang niligtas, at ang malala pa, minahal ko siya at mahal na mahal ko siya."
Hindi ko napansin na ang luhang pumatak sa kamay ko galing sa mga mata ko. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong feeling. Parang unti-unti akong pinapatay ng nararamdaman ko. Ang babaeng pinakamamahal ko ay siya palang pumatay sa kapatid ko.
"Hindi ko alam ang sasabihin ko, wala ako sa katayuan mo kaya hindi ko alam kung anong hirap para sa 'yo 'to," aniya habang nag hahalo-halo ng alak.
"Galit na galit ako, pero hindi ko siya kayang saktan, hindi ko siya kayang kamuhian." Napayuko ako habang tuloy-tuloy na ang pag bagsak ng mga luha ko.
"Kasi mahal mo. Ikaw na mismo ang nag sabi na mahal na mahal mo ang babaeng 'yon. Minahal mo ang taong pumatay sa kapatid mo."
Oh, God! Bakit sa dinami-daming tao, bakit naging si Cali pa?
'Yung taong inakala kong mag bubuo sa akin, ay siya rin pala ang dahilan kung bakit ako nawasak.
"A-Ako... ang p-pumatay kay A-Athena."
Umawang ang mga labi ko dahil sa aking narinig. Napailing ako habang nakatingin sa kaniya.
"W-What are you s-saying?" Bumibigat ang aking paghinga habang hinhintay ko ang sagot niya.
Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Nagugulohan ako, nalilito ako.
She's sobbing really hard. "Cali... "
I saw the pain on her eyes, as she step back again.
"Ako ang killer ng kapatid mo at hindi si Hunt! Ako ang pumatay kay Athena!"
Parang binawian ako ng lakas nang marinig ko ang mga salitang 'yon. Unti-unting nanlabo ang paningin ko hindi dahil sa ulan, kundi dahil sa mga luhang nag nagbabadya.
"S-Sabihin mong hindi totoo 'yan." Seryoso ko siyang tinignan. My fist clenched.
Umiling lang ito habang humahagulgol.
Tumawa ako na parang wala sa sarili, hangang ang tawa ko ay naging iyak.
"C'mon! You're lying!! " I shouted. I'm hoping na hindi totoo ang sinabi niya, I'm hoping na babawiin niya ang mga salitang 'yon. I'm hoping, dahil hindi ko kakayanin.
"P-Pinatay ko siya p-para maligtas ako S-Seb. I-I'm sorry." She cried out of her lungs.
Parang nabingi ako sa mga narinig ko. I can't explain what I'm feeling right now. Parang hindi na p-process ng utak ko ang mga sinabi niya.
Nilapitan ko siya, at sa pagkakataong ito ay nahawakan ko na siya sa mga balikat niya.
"W-Why? All this time? Sabik na sabik ako na mukuha ang hustisya para sa kapatid ko pero potangina!"
Tinignan ko siya sa mga mata. "All this time, kasama ko lang pala ang pumatay sa kaniya!"
Mas lalong lumakas ang kaniyang paghahagulgol habang nakayuko, hindi siya makatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)
Ficción GeneralSebastian Berk is a mafia boss who is still looking for answers about his younger sister's death. Three years ago, his sister Athena was raped and murdered by an anonymous gang. Until one day, when he witnessed a scene that returned his wrath and la...