CHAPTER 19

3.8K 66 0
                                    

CHAPTER 19

SEBASTIAN

“Babe? Babe! Fuck! Wala na bang ibibilis ang sasakyan na ‘to!? ” bulyaw ko.

Isang sigaw lang ang narinig ko mula sa cellphone at putok ng baril. Damn! If something bad happened to Cali, lahat sila ay mapapatay ko!

“Babe!? Fuck answer me!!” Bigla siyang nawala ngunit naka on call parin.

Sunod-sunod na ang pag mura ko. Halos liparin na na rin namin ang daan sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Gabriel.

Nang makarating kami sa sinasbing kakahoyan ni Calista ay agad akong lumabas ng kotse at tumakbo papasok doon.

“CALISTA!! ” sigaw ko.

Tinignan ko ang cellphone at sinundan ang location na nakalagay sa gps.

“BABE! NA SAAN KA!?” Nag e-echo lang boses ko sa buong lugar ngunit walang Calista na sumasagot. Huminto ako sa pag takbo at tinignan ang paligad nang makita kong malapit lang sa kinatatayuan ko ang location na nasa GPS kung saan si Calista.

Humakbang ako ngunit natigilan rin ako nang may masagi ang aking paa.

Parang nanghina ako nang makita ang cellphone at isang baril. Tumama rin ang aking tingin sa dugo na kumalat sa damo. “Fuck!” Pinulot ko ang cellphone na naka on call pa rin at ang baril na hindi kalayuan kung saan ko napulot ang cellphone.

“CALISTA!!!” muli kong sigaw habang sinisipat ang buong paligid.

Bigla akong napalingon sa likuran nang may marinig akong putok ng baril.

“Muntikan ka na ro’n hindi mo man lang siya naramdaman,” ani Gabriel habang nakataas ang baril na hawak nito. Tinapunan ko ng tingin ang lalaking nakahadusay na sa lupa, hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya sa aking likuran kanina.

“Na saan si Calista?” tanong nito at lumapit ito sa katawan ng lalaking nakahandusay. Bahagya niya itong sinipa upang siguraduhin kung patay na nga.

Hindi ko pa man nasasagot ang tanong ni Gabriel ay tumunog ang cellphone ko. Isang hindi nakarehistrong numero ang ang lumilitaw sa screen ko.

May pakiramdam ako na ito na ang tawag na hinihintay ko.

“Sebastian, my friend,” ani sa kabilang linya nang masagot ko ang  tawag. My fist clenched at umigting ang panga ko dahil sa galit. Ang hayop na si Hunt.

“Where is Calista?” malamig ngunit matigas kong tanong.

Narinig kong itong humalakhak. I swear, once na may nangyaring masama kay Cali ay hindi ako mag dadalawang isip na patayin ang kapatid niya.

“Don’t worry, she’s fine. May kaunting sugat lang naman siya sa binti na kailangang tahiin para hindi siya maubusan ng dugo,” aniya at muling tumawa.

My jaw clenches. “I swear to Satan that I will use my own hands to kill your brother if anything bad happens to my woman at isusunod kita sa kaniya sa impyerno!” I swear, hindi na ako mag dadalawang isip na kitilin din ang buhay ni Luie.

“Relax ” tumawa ito. “Hindi ko gagalawin ang girlfriend mo basta sumunod ka sa mga utos ko.”

Bahagya akong tumawa sa sinasabi mo. “Do you think, mapapasunod mo ako? Hindi mo ako mahahawakan sa leeg,” ani ko.

“Ah, sige. Madali lang naman ako kausap,” aniya. Ilang sandali lang ay narinig ko ang boses ni Calista na sumisigaw.  I can hear the pain in her voice as she begs mercy.

“FUCK YOU HUNT! I PROMISE I’LL KILL YOU! I WILL FUCKING KILL YOU!!” I shouted out my anger.

Humalakhak lang ito sa kabilang linya. Nangagati na ang mga kamay kong pumatay. Hindi ako mapapalagay hanggat hindi ko nasisiguradong ligtas si Calista.

OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon