SEBASTIAN
Ngayon ang first trial ko at sana naman ay ito na rin ang huli para makalabas na ako rito. Nakita kong pumasok si Calista kasama ang isang prosecutor. Tumayo naman kaming lahat nang pumasok na ang judge.
"Ninety five percent, matatapos na ang kaso mo. Sure ako, " bulong ni Attorney Sauveterre na parang sigurado talaga siyang matatapos na ang kaso ko.
"I'm hoping." Tinignan ko si Calista na nakangiti lang sa akin nang magtama ang mga paningin namin.
"Maupo ang lahat," ani ng judge bago kami tuluyang umupo.
Inikot ko ang aking tingin sa loob ng trial court hanggang sa nakita ko sina Zircon kasama si Primo, Noah at ang kanang kamay kong si Gabriel.
Tumayo si Attorney Sauveterre para simulan ang pang-bukas na argumento niya.
"Ang akusadong si Mr. Sebastian Berk, bente-otso taong gulang ay inakusahan sa salang pagpatay kay Mr. Mark Morrei, bente-nwebe taong gulang, noong Octobre 7, 2020. Aming apila, NOT GUILTY."
Biglang umingay ang loob ng trial court lalo na ang pamilya ni Morrei.
Tumayo ang kasama ni Calista para mag salita.
"Si Mr. Mark Morrei ay natagpuang patay sa loob ng eskinita alas-tres ng madaling araw. Nakita sa crime scene ang isang baril na ginamit sa pagpatay kay Mr. Morrei. May nakitang dalawang fingerprint dito at nakumpirma na ang mga may-ari ng fingerprint na 'yon ay sa akusadong si Mr. Sebastian Berk at sa biktimang si Mr. Mark Morrei."
Tuloy-tuloy lang ang pag argumento ng prosecution at ng abogado ko. Tinignan ko si Calista, kalmado lang siyang nakaupo habang ang isang kasama niya ay nakikipag-debatehan.
Hindi ko alam kung paano ako mapawalang sala, hindi ko alam kung ano ang balak ng attorney ko at ni Calista. Pagkatapos ng interogasyon ko noong isang araw ay sinabihan niya akong h'wag mag alala dahil malilinis ang pangalan ko ngunit hindi ko alam kung paano. Walang akong ideya sa mga plano nila ni Attorney.
"Nakita sa isang dash cam footage ng sasakyan na dumaan doon dakong mag a-alas-dose na ng hating gabi ay lumabas si Mr. Sebastian Berk sa eskinita, at gano'ng oras din narinig ng mga dumaraan doon ang pag putok ng baril.
"Sa nakalap na ebidensya ay sapat ng hatulan ng kasong pagpatay ang akusadong si Mr. Sebastian Berk."
Napapikit ako. Akala ko ba patutunayan nilang inosente ako bakit mas lalo akong dinidiin ng isang prosecutor na 'to.
Tumayo si Attorney at nag punta sa harap.
"Sigurado ba kayong sapat na ang mga nakita niyong ebidensya para kasuhan ng pagpatay si Mr. Sebastian Berk? May nakalap kaming ebidensya na magpapatunay na inosente ang akusado. Isang video na kuha ng isang residente ng nakatira roon. Nakuha sa video na hindi ang akusado ang pumatay sa biktima kundi ay ibang tao. Sinet-up lang ang akusado at ginamit ang oras ng insedenteng 'yon para pagtakpan ang tunay na may sala."
Pinalabas sa isang malaking projector screen ang video. Nagsimula ulit mag-ingay ang mga tao sa korte nang mapanood ang bidyo. Kahit ako ay nagulat din. Isang grupo ng kalalakihan ang dumating ilang minuto ang nakalilipas pagkatapos kong makaalis sa lugar. Ginamit nila ang baril na ginamit kong panakot sa lalaking 'yon. Ginamit nila 'yon para tuloyan ang lalaki. Kaya pala dalawang fingerprint lang ang nakita sa baril dahil gumamit ito ng panyo.
Mautak nga naman.
"Makikita sa video kung paano gumamit ng panyo ang taong totoong pumatay sa biktima kaya dalawang fingerprint lang ang nakita sa baril. Ang video na ito ay sapat na upang sabihin nating inosente ang akusadong si Mr. Sebastian Berk, ngunit may nahanap pa kaming dalawang witness para mas lalong magpapatunay na walang kasalanan ang akusado."
BINABASA MO ANG
OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)
Ficción GeneralSebastian Berk is a mafia boss who is still looking for answers about his younger sister's death. Three years ago, his sister Athena was raped and murdered by an anonymous gang. Until one day, when he witnessed a scene that returned his wrath and la...