CHAPTER 31

4.9K 67 5
                                    

CHAPTER 31

CALISTA

Nagising ako sa isang silid na pamilyar sa akin. Inikot ko ang aking paningin at para akong binawian ng lakas nang mapansin kung na saan ako. Kahit may kama na at medyo inayos ang silid ay tandang-tanda ko kung saan ito. Isang silid kung saan ako na trauma tatlong taon na ang nakakalipas. Ang silid kung saan ako ikinulong kasama ni Athena noon.

My tears falls down, alam kong hawak na naman ako ni Scorpio.

Ang bangungot ko three years ago ay bumalik at muling na ulit.

Humikbi ako at napahawak sa aking tiyan. “I’m sorry, baby. I’m sorry kung mararanasan mo ang bangungot ni Mommy.”

Bumukas ang pinto at niluwa nito ang isang lalaking may bruskong katawan. Si Scorpio.

“Gising kana pala, ” aniya at umupo sa upoan na nasa harap ko.

“Why are you doing this to me? Anong kasalanan ko sa ‘yo!?” I shouted. My tears keep streaming. Napapagod na ako sa ganito.  Bakit ba kailangan kong maranasan ‘to!?

“Ikaw wala, pero ang ama mo, meron.” Natigilan ako sa sinabi niya. Mapait lang akong nakatingin sa kaniya.

“Si Papa? Patay na ang ama ko at kasalanan mo!” Nakatingin lang ito sa akin na pawang walang emosyon.

“Nag dusa siya dahil sa ‘yo! Nag dusa siya sa kasalanang hindi niya ginawa! He died innocent.” Napahagulgol ako habang nakayukom ang aking mga kamao.

“Baka nakakalimutan mo na ikaw ang nag diin sa kaniya sa kasalanang ‘yon? You’re the one who convicted your father! Ikaw ang nag bigay ng sentensiya sa kaniya, Calista.”

Lumakas ang aking pag-iyak dahil sa sinabi niya. Ako nga, ako nga ang nag diin sa ama ko sa kasalanang hindi niya ginawa. Ako nga ang nag convict sa kaniya. Iyon ang pinakamalaking kamaliang nagawa ko sa buong buhay ko.

Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. “Bakit mo pa ginagawa sa ‘kin ‘to? P-Patay na siya at wala ka ring makukuha sa ‘kin!” I cried.

Pinalandas niya ang daliri niya sa aking pisngi at hinawi ang hibla ng aking buhok.

“Sabihin na lang natin na ikaw ang magiging kabayaran sa atraso niya sa ‘kin.” Malamig itong ngumisi at pinahid ang luha ko gamit ang kaniyang hinlalaki.

“Hindi pa ba sapat ang buhay at kalayaang pinagkait kay p-papa?” Napahikbi ako.

Umiling ito at bahagyang ngumisi. Lumapit siya sa tenga ko at bumulong. “Hindi sapat, kulang pa ‘yon. ”

Napapikit na lamang ako at humigpit ang pagkuyom ko sa aking kamao.

Narinig ko ang pag bukas ng pinto. “Kuya, kailangan nating mag usap.” Natigilan ako nang makilala ang boses na ‘yon. Unti-unti kong iniangat ang ulo ko para makita ang lalaking pumasok. Umawang ang mga labi ko nang makilala ito. “M-Michael?”

Tinapunan niya ako ng tingin, walang emosyon ang mga mata niya. Agad niya ring nilihis ang kaniyang tingin sa ‘kin at ibinalik kay Scorpio. “K-Kapatid mo si S-Scorpio? ” Hindi ako makapaniwala sa nakikita at narinig ko. Mag kapatid sila?

Tumawa si Scorpio kaya binalik ko ang tingin sa kaniya. “He’s my younger brother.”

“Your half brother.” Pag tatama nito.

Papalit-palit ako ng tingin kay Michael at Scorpio. Hindi… nagugulohan ako. All this time? Ang lalaking minsan kong minahal ay kapatid ng taong nag pahirap sa akin at sa ama ko!?

“M-Michael, a-ano ‘to?” Muli niya akong tinignan gamit ang kaniyang walang emosyong reaksyon.

“Wala akong dapat ipaliwanag sa ‘yo.”

OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon