CHAPTER 8
SEBASTIAN
"Good morning! " Bati ko kay Cali nang makalabas ng kuwarto.
"Good morning. Dito ka na tulog?" tanong niya. Nag liligpit kasi ako sa pinag higaan ko sa sofa. Dito ako natulog kagabi dahil siya ang na sa kuwarto ko.
"Yeah, comfortable naman. " Ngumuso ito. "Aww... sorry, Seb. Sana ginising mo na lang ako kagabi para ako ang natulog dito. Hindi ko kasi namalayan na nakatulog na pala ako kagabi. Nakakahiya." Yumuko ito na bagya kong ikinangiti.
"Don't worry, ayos naman ang tulog ko. Masarap nga dahil malamig, e," natatawang ani ko.
"Nagugutom ka na? Ililigpit ko lang 'to, mag luluto ako." Kinuha ko ang tinupi kong kumot at dalawa kong unan sa sofa.
"H'wag na, ako na lang ang mag luluto. Ano ba puwedeng lutuin dito?"
Nag lakad ito patungo sa kusina.
"Kahit ano na lang diyan." Nag lakad na rin ako papasok ng kuwarto para dalhin ang kumot at unan ko.
Pag balik ko sa labas ay dumeretso na agad ako sa kusina. Nadatnan ko siyang naghihiwa ng sibuyas.
"Anong lulutuin mo?" Napalingon siya sa 'kin.
"Madami kasing sibuyas sa ref kaya mag luluto ako ng onion rings," sagot nito at kumuha ng paglalagyan ng harina.
"Anong puwede kong maitulong?" Nilingon niya ako at nginitian.
"H'wag na. Gusto kitang pagsilbihan ngayon, pambawi man lang sa lahat ng ginawa mo para sa 'kin, para sa pag liligtas mo sa buhay ng dalawang beses."
"Cali, kahit sino naman ay gagawin ang ginawa ko." Ngumuso ito kaya napalunok ako. Na a-attempt na naman ako sa mga labi niya.
Bigla kong nilihis ang paningin sa kaniyan at nilipat sa ibang direksyon. "Sige na nga," turan ko.
Ngumiti ito at nag salita, " alright! Mabilis lang naman ito," aniya at muling binalik ang tingin sa kaniyang ginagawa.
Lalapit sana ako sa kaniya para tignan ang mga gagawin niya nang tumunog ang cellphone ko.
It's Kishia.
"Sagutin ko lang ito sa labas."
Tumango ito. "Okay, sure!" Nginitian niya ako bago ibinalik ang tingin sa ginagawa niya.
Oh, God! Bakit pakiramdam ko ay ang laki ng tama ng ngiti niya sa 'kin.
Lumabas na muna ako ng kusina at sinagot ang tawag.
"Hey, update?"
"Are you still with her?" bungad niya.
"Who? Calista?"
"Yes."
"Yes, why you asked?" Narinig ko siyang bumuntong hininga sa kabilang linya.
"C'mon, Kish. What about her?" I asked again.
"I discovered something. That prosecutor was also a victim of kidnapping three years ago."
Hindi na ako nagulat dahil alam ko naman 'yon.
"Yes, I already know that," I said.
"But, you didn't know na ang kumidnap kay Athena at sa kaniya ay iisa lang at mag kasama pa silang dalawa."
This time natigilan na ako sa aking narinig.
"Akala ko ba patay na rin ang kasama ni Athena? Yes, alam kong may kasama siya na kinidnap noon pero sabi sa balita patay na 'yon at nakita nga ang bangkay."
BINABASA MO ANG
OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)
Ficción GeneralSebastian Berk is a mafia boss who is still looking for answers about his younger sister's death. Three years ago, his sister Athena was raped and murdered by an anonymous gang. Until one day, when he witnessed a scene that returned his wrath and la...