EPILOGUE

9.1K 129 27
                                    

EPILOGUE

SEBASTIAN

“What the fuck! Are you okay? Na saan si Scorpio?” Nilapitan ko si Michael na nasa sahig. Putok ang labi nito at may tama ng baril sa kaliwang braso. Dahan-dahan ko siyang itinayo at pinaupo sa sofa.

Pinunit ko ang laylayan ng damit niya at tinali sa dumudugong sugat nito.

“N-Nasaan sila Calista? Nakalabas na ba?” tanong niya habang halatang iniinda ang pinsala niya.

“Palabas na sila ni Tina. Don’t worry. “ Natigilan ito at hinawakan ang balikat ko.

“Hindi pa sila nakakalabas?”

“Don’t worry, they’re safe. Na saan ba si Scorpio? Siya ba ang may gawa nito sa ‘yo!?” Tumayo ako nilibot ang aking paningin sa silid. Kung hindi ako nag kakamali, office ito ni Scorpio.

“Fuck! Hindi mo pala sila sinigurado kung nakalabas!?” sigaw nito kaya napatingin ako sa kaniya at napakunot ang noo.

“Hindi ko na sila nasundan dahil dumeretso ako rito para hanapin ka! But I’m sure nasa labas na sila ngayon at kasama ang mga tao ko. You don’t need to raised your voice asshole!”

Napahilamos ito ng palad niya sa mukha at tumayo. “Tumakas si Scorpio kanina at alam kong sa tunnel siya dadaan dahil alam niyang may mga tao ka sa main gate!”

“W-What?”

“Dude, C’mon! Nasa tunnel ngayon si Scorpio at sabi mo papunta roon sila Calista! Naiintindihan mo na ba ako!?”

Umawang ang mga labi ko at napasabunot sa buhok ng ma realized ang ibig niyang sabihin.

“Fuck it!!” Agad akong tumakbo palabas ng silid na ‘yon at nag madaling tumungo sa underground tunnel. I swear, if something bad happens to Cali and Tina, I will burry you alive, Scorpio.

Pag baba ko ng tunnel ay masiyadong madilim. Tanging repleksyon lang ng ilaw na nanggagaling sa itaas ang nag bibigay ng kaunting liwanag “Cali! Tina!” Dumagungdong ang boses ko sa paligid dahil sa echo.

“Calista! Tina!” Muling tawag ko ngunit walang sumasagot.

“Calista! Tina! Where are you!?”

“Nandito na pala ang ulirang kapatid at jowa.” Natigilan ako at biglang lumiwanag dahil sa ilaw na nanggagaling sa dalawang lamparang naka sindi sa gilid ng tunnel. My jaw tightened nang makita ko si Scorpio na nakatayo sa ‘di kalayuan sa aking harapan habang hawak-hawak si Calista at nakatutok ang baril sa ulo nito.

Bigla kong itinaas ang baril ko at tinututok ito sa kaniya.

“Seb ” Nakatingin sa akin si Calista habang bakas ang takot sa kaniyang mga mata.

“Hindi ka pa ba napapagod sa ganiyan? Nakakawa ka.” I smirked.

“Sino ang gusto mong unahin ko? Ang babaeng ‘to o ang kapatid mo?” Hinila niya si Tina mula sa kaniyang likod at pinaluhod sa kaniyang harapan. Nakatali ang katawan nito gayon din ang kamay niya.

“H’wag kang makinig sa hayop na ‘yan. Gawin mo ang sa tingin mo ang tama,” aniya. Kalmado ito ngunit halata naman sa kaniyang mukha ang pangamba.

“Subukohan mo lang saktan ang dalawang ‘yan, ililibing kita ng buhay, hayop ka.” Humalakhak ito kaya napahigpit ang hawak ko sa baril.

“Ibaba mo ang baril mo kung ayaw mong masaktan ang dalawang babaeng ‘to. “ Sumeryoso ang mukha niya at hinawakan ang buhok ni Calista.

Papalit-palit ang tingin ko kay Athena at Calista.

“Pag bilang ko ng tatlo at hindi mo pa naibaba, tatagos ‘tong bala sa ulo ng mahal mo.” Umigting ang panga ko habang maiitim ko itong tinitignan.

OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon