CHAPTER 23

4.1K 69 1
                                    

CHAPTER 23

CALISTA

“Babe, may pupuntahan lang kami ni Gabriel, balik din ako ka agad. May hinain na ako sa baba, kumain ka na lang. I love you.” Basa ko sa text ni Sebastian.

Bumangon ako sa pagkakahiga at binalik ang cellphone ko sa bedside table. Ang aga naman niyang umalis.

Inayos ko muna ang higaan bago ako tumungo sa banyo at ginawa ang morning routine ko. After ko matapos ay kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Ally. Good thing, linggo ngayon, day off niya.

“Hello, napatawag ka?” ani Ally na parang antok na antok pa.

“Wala kang trabaho ngayon? Samahan mo naman ako, labas tayo.”

Narinig ko itong humikab sa kabilang linya.

“Taena, anong oras na, hindi ka pa rin bumabangon?”

“Girl, nag overtime ako kagabi. Marami akong kaso na hinahawakan ngayong buwan kaya kailangan kong bilisan,” sagot nito.

“So, free ka nga ngayon?” Pag babalik ko sa topic.

“Oo, wala akong trabaho ngayon.  Saan ba tayo?” Napangiti naman ako sa sagot niya.

“Ubusin natin oras natin. Matagal na akong hindi nakakagala.”

“Na miss mo lang ako, e. Hahaha sige, sunduin kita diyan sa inyo. Give me one hour.”

“Yey! Thank you, bye!”

Nang mapatay ko ang tawag ay agad na akong nag ayos ng sarili ko.

Pag baba ko ay nakita ko ang pagkain na hinain si Seb sa dining.

Napangiti na lang ako. He’s the best as always.

Umupo na ako at nilantakan ang niluto niya for me. Hindi niya man lang ako hinintay na magising kanina.  Saan naman kaya sila pupunta ni Gabriel para umalis ng gano’n ka aga.

After kong kumain, hinugasan ko muna ang pinagkainan ko bago umakyat ulit sa k’warto para kunin ang handbag at cellphone ‘tsaka bumaba ulit sa sala.

I dialed Kisha’s number  para tanongin kung may alam siya sa lakad nila Sebastian at Gabriel.

“Hey, Kish! Alam mo ba kung saan ang lakad nila Seb at Gab? Maaga kasi silang umalis,” ani ko nang masagot niya ang tawag.

“Hindi ko alam, wala naman silang nabanggit sa akin,” sagot nito.

“Ah,sige, maraming salamat,” ani ko at pinatay ang tawag. Saan naman kaya sila pumunta? Baka mamaya mapapasabak na naman sila sa away. Basta mag kasama talaga ang dalawang ‘yon, palaging may gulo na magaganap.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng bahay  dahil ilang sandali na lang ay susunduin na ako ni Ally.

Hindi naman ako nagkamali dahil pag labas ko ng gate ay bumusina si Ally  na kakarating lang.

“Hey, Cal! Saan tayo? ” tanong niya habang nakadungaw sa bintana.

“Kahit saan.” Sinara ko muna ang gate bago ako pumasok sa sasakyan ni niya.

“Daan tayo sa prosecutor’s office.”

Nilingon niya ako.

“Girl, sa isang linggo isang beses lang ako mag day off, bakit tayo pupunta ro’n?” nakakunot noong tanong nito.

“Dadalawin ko lang sila. Namimis ko sila Ate Kate at Joshua.”

“Baka mamaya mag away na naman kayo ni tanda.” Mahina iting tumawa bago pinaadar ang sasakyan.

OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon