CHAPTER 5

5.9K 111 12
                                    

CALISTA

I'm in the middle of walking when my phone vibrated. Kinapa ko naman agad ang telepono sa loob ng sling bag. Patay na ang screen nang matingnan ko kaya binuhay ko agad ito at nagtipo ng password para mabuksan ito.

Ngunit ganoon na lang din ang pagkunot ng noo ko nang makitang nakatanggap ako ng isang teks mula sa hindi ko kilalang numero. Agad ko na lang din itong binasa upang tingnan kung kanino at ano ang laman ng teks.

"Are you free tonight? It's Sebastian."

Napatanga naman ako nang nakita ko ang pangalan ni Berk sa teks. Where and how did he get my phone number?

Ngunit naalala ko bigla ang sinabi niya sa 'kin noong isang araw na ililibre niya raw ako matapos ang trial niya. Bumaba na kasi ang kaso niyang murder sa assault at nagbayad lang siya ng multa at tuloyan nang napawalang-sala.

Tinigil ko ang paglalakad ko para replyan siya. "Sige, saan ba?"

Ilang segundo lang ay nag reply na agad ito. "Sa G Zircon bar."

Ito 'yong bar kung saan kami unang nag kita at saan kami galing bago ang insidenteng kinasangkutan niya.

"Okay, wait for me in 15 minutes."

Sendinggggg..

Sent.

Paglabas ko ng prosecutor's office ay hindi ko inaasahan na may nag-aabang pala sa akin na mga supporter ni Morrei.

"Prosecutor na kampi sa kriminal!"

Napadaing ako nang may bumatong kamatis sa akin.

"Isa ka na ring kriminal!"

"Kasabwat ng kriminal!"

Samu't-sari ang sigaw nila at binabato nila ako ng kung ano-ano.

"Tumigil kayo!" sigaw ko ngunit parang wala silang naririnig.

"Prosecutor na kasabwat! Dapat ka ring makulong!" Muli akong binato at ngayon... literal na bato na ang tumama sa akin.

"Ahh!!" Napahawak ako sa noo ko nang matamaan ito. Naramdaman ko na lang na may mainit na likidong dumadaloy mula rito.

Nahagip ng mata ko ang isang lalaking babatuhin ako ng isa pang bato ngunit biglang may taong humarang sa harap ko.

"Ah, fuck!" mura nito dahil sa kanya tumama ang bato na dapat ay sa akin tumama.

Ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang makitang si Sebastian ang humarang para protektahan ako.

"Sebastian?" ani ko ngunit parang wala naman din siyang narinig at bigla na lang hinila ang kamay ko bago namin patakbong tinungo ang kotse niya.

Agad niya akong pinasakay bago siya umikot sa driver seat at kaagad minaneho ang sasakyan palayo sa prosecutor's office

Muli akong napahawak sa noo ko nang maramdamang kumikirot ito.

"Are you okay?" Itinabi niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at tinignan ako.

"Oh, shit!" Nakita ko ang bahagyang pagka-praning nang makitang patuloy pa rin sa pagtulo ang dugo mula sa noo ko.

"Are you okay? Dadalhin kita sa hospital," he asked.

Bubuhayin niya na sana ulit ang makina ng sasakyan, ngunit mabilis ko naman ding hinawakan ang braso niya para pigilan siya.

I shook my head before showing him a smile. "No need. It's just a scratch."

Kumunot naman ang noo nito dahil sa sinabi ko.

OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon