SEBASTIAN
I guess everyone knows how I hated someone ringing my doorbell early in the morning. Ang ingay! I groaned as I turned over to bury my face and ears on the pillow.
P*ta! Sino na naman ba ang sira-ulong bibisita sa akin ng ganito ka aga?
Inis akong bumangon mula sa pagkakahiga at agad na tinungo ang pintuan. Pagkabukas ko ng pinto ay bumulaga sa akin ang mukha ni Zircon na tila parang galing pa ito sa fun run dahil sa pawisan ito at bahagyang hinihingal.
"What the fuck?! What are you doing here? At anong nangyari sa 'yo?" sunod-sunod kong tanong na hindi naman nasagot nang bigla siyang pumasok nang walang pag-aalinlangan.
"Hey!" Hinatak niya ko papunta sa sala.
"Ano ba ang problema mo?"
Seryoso niya akong tinignan. "Ikaw ngayon ang may malaking problema, bro."
Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Alam mo bang pinaghahanap ka ng mga kapulisan?! Doon ako galing sa bahay mo at nandoon sila kaya dumeretso ako rito sa condo mo! Holy mother fucker! Alam mo bang kalat na kalat na ang mukha mo sa kahit saang social media? Ikaw din ang laman ng balita!" hingal na hingal na saad niya.
Natanga naman ako sa narinig ko.
"What are you talking about? Bro, kung gino-good time mo lang ako ay mas mabuti pang lumayas ka rito dahil inaantok pa ako."
Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niya akong hilahin pabalik at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Bro, nakapatay ka!"
Natigilan ako sa sinabi niya. "H-huh?"
Kinuha niya ang remote sa sofa at binuhay ang TV.
"Ang nag iisang anak ni Mr. Danilo Morrei na si Mark Morrei ay natagpuang patay sa isang eskinita kaninang madaling-araw. Suspect, pinaghahanap na."
"What the fuck is going on?" Nagulat ako nang biglang lumitaw ang litrato ko sa tv at may nakalagay na wanted.
"'Yan din ang itatanong ko. Ano ang ginawa mo? Bro, nagulat na lang ako nang makita kitang wanted na sa tv!"
Natigilan ako nang makita ang litrato ng isang lalaking pinatay sa TV.
Holy shit!
"Bro, hindi ko siya pinatay. " Binalik ko ang tingin ko kay Zircon.
"W-What?"
"Hindi ko siya pinatay. Wala akong pinatay! Fuck! What is happening? Pinagbibintangan ako na pumatay, e hindi ko naman siya pinatay! "
"Teka... kumalma ka. Ano ba ang nangyari?"
"Siya 'yong lalaki kagabi na humahabol sa babae. Gusto niyang patayin ang babae kaya iniligtas ko pero hindi ko siya pinatay!"
***
Paglabas ko ng bar ay sumakay na agad ako sa sasakyan. Bubuhayin ko na sana ang makina nang mahagip ng aking mata ang babaeng nakasagutan ko kanina. Naglalakad ito papasok ng eskinita.
Pipihitin ko na sana ang susi ng sasakyan nang mapansin kong may lalaking sumusunod sa kaniya hanggang sa mawala sila sa paningin ko.
Isiniwalang bahala ko na lang iyon at binuhay ang makina ngunit bigla ko rin itong pinatay.
"Oh, c'mon self! Stop interfering in other people lives. Wala ka namang pakialam kung ano man ang gawin nila, e." bulong ko sa sarili ko bago sinubukang kumalma.
BINABASA MO ANG
OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)
Ficción GeneralSebastian Berk is a mafia boss who is still looking for answers about his younger sister's death. Three years ago, his sister Athena was raped and murdered by an anonymous gang. Until one day, when he witnessed a scene that returned his wrath and la...