CHAPTER 18

3.9K 64 2
                                    

CHAPTER 18

CALISTA

Umalis na naman si Sebastian, may inaasikaso sila ni Gabriel. Naiwan ako sa bahay kasama si Kisha, Terron, 'yong lalaking kasama ni Kishia kahapon na nag babantay kay Luei, at ang tatlo pang gwardiya.

Nang hindi makapanta ni Seb si Luie kahapon ay ginawa nila ang plano nila. Pinabugbog ni Sebastian si Luie sa mga tauhan niya habang kinukunan ng video at pinadala iyon kay Hunt. Hindi ko lang alam kung paano nila iyon ginawa. Gustong-gusto na ni Sebastian na palitawin si Hunt sa pinagtataguan nito para matapos na ang paghihiganti niya rito at para na rin makuha na niya ang hustisya sa pagkamatay ng nakakabata niyang kapatid na si Athena.

"Saan ba sila nag punta?" tanong ko sa kanila. Nasa sala kaming tatlo habang ang dalawang gwardiya ay nasa labas nag babantay.

Nanonood ako ng TV habang si Kishia at Terron naman ay nag lalaro ng chess.

"Hindi rin namin alam. Wala namang sinabi si Seb," ani Kishia.

"Better luck next time, Kish. Checkmate!" sigaw ni Terron at tumawa.

Napakamot na lang ng ulo si Kishia at ginulo ang ang chessboard. "Ayoko na! Ang daya mo!" na iirita niyang saad. Humalakhak naman si Terron at mas lalong inasar si Kishia.

"Weak! Asar talo pa. Hahaha." Sinamaan siya ng tingin ni Kishia at binato ng poon na dinampot niya sa mesa.

"Ang pangit mo kalaro, madaya ka!" Tinawanan lang ito ni Terron.

Natawa ako sa kanilang dalawa. They're look good together if maging couple.

Tumayo ako sa sofa at inabot ang remote sa mesa. Pinalitan ko muna ang palabas bago binalik ang remote at nag paalam sa kanila na aakyat lang ng kuwarto.

Pag akyat ko sa kuwarto ay nahagip ng mata ko ang hair clip na nakapatong sa bedside table. Ito 'yong hair clip na binigay no'ng lalaki sa starbucks kahapon.

Kinuha ko iyon at tinignan. Hindi naman akin. 'to bakit ko naman tinanggap? Baka mamaya ay mangkukulam ang may-ari nito at kulamin ako.

"Hays! Nandito na naman tayo sa imahinasyon mong walang kwenta, Cali," bulong ko sa sarili ko.

Tumunog ang cellphone ko sa taas ng kama kaya ibinalik ko muna 'yong hair clip sa mesa at inabot ang phone ko.

Sino naman ang mag e-email sa akin? Uso naman ang messenger, ah? Binuksan ko ang email ng isang hindi pamilyar na pangalan. Pag bukas ko ay tumambad sa akin ang isang GIF, black envelope ito na may black na Ribbon.

Pinindot ko iyon, pag bukas ay may naka attached na sulat.

"Did the black hair clip suit you? That's a gift I am giving you. What if I told you that the symbolic of that hair clip is death? You might be curious."

Napaawang ang mga labi ko sa nabasa ko sa email. Dahan-dahan kong tinapunan ng tingin ang hair clip na nasa table at kinuha iyon.

"Fuck!" Napamura ako nang mapansin na ang ribbon na design nito, ang ribbon sa regalong natanggap namin noong isang araw at ang black envelope na may black ribbon sa Email ko ay iisa.

Ibaback ko na sana ang phone ko para tawagan si Sebastian nang biglang tumunog ang cellphone ko. Isang hindi rehistradong numero ang tumatawag.

Nag-uunahan ang kabog ng puso ko habang habang tinitignan ang screen ng phone ko.

Nanginginig ang kamay kong sinagot ang tawag. "Did you like my gift?" Isang baritong boses ng lalaki ang aking narinig.

"W-Who are you?" nanginginig na tanong ko.

OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon