CHAPTER 22

4.3K 64 0
                                    

CHAPTER 22

SEBASTIAN

Babe!!” sigaw niya at tumakbo papunta sa kinaroroonan ko.

Ibinuka ko ang mga braso ko para salubongin siya ng yakap.

“Hey, pretty! I miss you, “ saad ko at hinalikan siya sa mga labi.

“Ahh! Parang ang tagal mong nawala.” Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin na parang sabik na sabik.

“Miss me?” tinango-tango niya ang kaniyang ulo. “So much, babe.” Napangiti ako at hinalikan siya sa noo.

Dalawang buwan na rin ang nakakaraan ng maratay si Calista sa hospital dahil sa insedenteng nangyari sa amin nila Hunt noon. Salamat naman sa Diyos at nagising ka agad si Calista noon matapos ang operation niya.

“So, kumusta naman ang Espanya?” tanong niya at kumalas sa pagkayayakap ko.

“Espanya parin naman, hindi naman p’wedeng mabago pangalan ng bansang ‘yon,” sagot ko na ikinatawa niya.

Kararating ko lang kasi galing Spain ng dalawang linggo. My dad wants me to run his business, kaya biglaan niya akong pinapunta ro’n. He owned a commercial real estate in spain at gusto niya ako ang mag take over no’n. Actually, wala akong balak na saluhin sa kaniya ‘yon, napilitan lang ako na pumunta ro’n dahil sa pangungulit ni Ate. Saka na ako mag dedecide para ro’n pag na settle ko na ang lahat.

“Siraulo! Alam ko naman ‘yon no!” Mahina akong tumawa at muli siyang hinalikan sa mga labi.

“Tara na nga, ipag luto mo ako then ikaw sunod ang kakainin ko.” Nanlaki ang mga mata niya at hinampas ako.

“Napaka manyak mo talaga Mr. Berk!” Singhal niya na ikinatawa ko.

Inakbayan ko siya at nag simula na kaming mag lakad palabas ng airport.

“Dalawang linggo kaya akong diet.” Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa ‘kin.

“Diet? Kailan ka pa nag d-diet?” taka niyang tanong.

“Dalawang linggo na. Dalawang linggo na akong diet sa kam—aww!”

Bigla niyang hinampas ang dibdib ko. “Puro kamanyakan ang laman ng utak mo!” Humalakhak ako at pinisil ang ilong niya.

“Sa ‘yo lang naman,” natatawang saad ko. Inirapan niya lang ako at inalis ang braso ko sa balikat niya at naunang sumakay sa sa kotse.

Inilagay ko muna ang luggage ko compartment ng sasakyan bago ako umikot sa driver’s seat.

“Bakit ako ang mag mamaneho? Dapat ikaw, kakarating ko lang e,” ani ko at inistart ang makina.

“Syempre ikaw, dalawang linggo mo rin akong hindi ipinag drive,” nakangusong aniya.

Napailing na lang ako at napangisi. Ang hirap magkaroon ng moody na girlfriend. Nilingon ko siya at matiim na tinignan. “What?” mataray na tanong nito. Aba, nag susungit.

“Sige lang, mamaya ka sa ‘kin.”

“Heh! Tigilan mo ‘ko!” Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Ang cute niya pag na aasar.

After ng ilang oras na byahe ay nakarating na rin kami sa bahay. Pakiramdam ko ay matagal akong nawala.

Nauna na siyang bumaba sa sasakyan at pumasok sa sa bahay.

Kinuha ko muna ang luggage ko sa compartment bago sumunod sa kaniya sa loob.

“Babe?” tawag ko nang makitang wala siya sa sala.

OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon