CALISTA
"Prosecutor Javier, sa inyo ko ini-atas ang bagong case ngayon. H'wag kayong magkakamali ni Prosecutor Marquez dahil bigating tao ang mababangga ng prosecution pag nagkataon. Puwedeng-puwede tayong guluhin ni Mr. Morrei," ani ng head prosecutor naming si Sir Manuel.
"Sir, papanigan po natin ang katotohanan. Hindi po bias ang prosecution, kung ano po ang magiging resulta ay 'yon na po 'yon," sagot ko.
Mukhang magiging bias ang matandang 'to.
Wala akong pakialam kung gaano man kayaman ang tatay ng biktima o ang akusado. May proseso ang kaso at sa makatotohanan lang ako papanig.
"Pinapaalala ko lang sa 'yo na pag nagkamali ka ay mag kakaproblema tayo."
Umirap ako dahil sa sinabi niya.
"Sir, sa amin po ini-atas ang kaso, bakit parang kayo po ang namomroblema? Sir, dadaan po sa maayos na proseso ang kaso at hindi sa maduming paraan. Gagawin po namin ang trabaho namin bilang isang prosecutor."
Kumunot ang kaniyang noo dahil sa sagot ko. "Prosecutor Javier, I'm warning you," aniya sa tonong nagbabanta.
Nginitian ko lang siya ng payak bago bahagyang yumuko at lumabas ng opisina niya.
Alam ko na ang gusto niya, ang ipanalo agad ang kaso laban kay Berk.
"Oh? Ano ang sabi? Bakit pinatawag kang mag-isa?" tanong ni Ally nang makabalik ako sa opisina namin.
"Mukhang magiging bias si Tanda dahil binantaan niya ako, tayo. Hindi pa tapos ang imbestigasyon ngunit gusto niya na agad ipanalo ang kaso laban kay Berk." Umupo ako at binuksan ang folder kung saan nakasulat ang case ni Berk.
Narinig kong mahinang tumawa si Ally. "Huwag mong pansinin 'yon. Takot lang 'yon kay Mr. Morrei, palibhasa kasi makapangyarihan 'yon."
"Wala akong pakialam kung makapangyarihan man o ano. Kailangan natin malaman ang totoo."
Kinuha ko ang log book at hinanap ang numero ng opisina ni Atty. Sauveterre para tawagan.
"Hello? This is Prosecutor Calista Javier from the prosecutor's office. Nandiyan pa ba si Atty. Naecy Sauveterre?"
"Yes, speaking," sagot sa kabilang linya.
Pagkatapos naming mag-usap ni Attorney ay nagpasama ako kay Ally sa crime scene.
"Nagsagawa na ng imbestigasyon ang mga imbestigador dito kanina. At wala nang ebidensiya na nakita bukod sa baril na ginamit ng suspek sa pagpatay," ani Ally habang tinutulungan ako sa paghahanap.
Napailing ako. "Naniniwala akong hindi niya pinatay ang biktima kaya kailangan nating makahanap pa ng ebidensiya."
Napalingon siya sa gawi ko nang sabihin ko iyon.
"Oh? Paano mo naman nasabi? E, nakita na nga ang fingerprint niya sa baril."
Tinignan ko siya. "Talagang makikita ang fingerprint niya dahil inagaw niya ang baril sa lalaking 'yon."
Nagulat siya sa sinabi ko.
Tanginang bibig 'to.
Kahit ako ay nagulat din sa sinabi ko. Kahit kailan talaga 'tong bibig ko.
"Teka nga lang... bakit ganiyan ka mag salita? Parang sigurado ka namang gano'n nga ang nangyari?" naguguluhan nitong tanong saka pumamewang.
Huminga ako nang malalim at seryoso siyang tinignan. Wala na akong choice kundi sabihin ang nalalaman ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/319055477-288-k444318.jpg)
BINABASA MO ANG
OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)
General FictionSebastian Berk is a mafia boss who is still looking for answers about his younger sister's death. Three years ago, his sister Athena was raped and murdered by an anonymous gang. Until one day, when he witnessed a scene that returned his wrath and la...