CHAPTER 1

9.2K 155 2
                                    

CHAPTER 1

Nagmamadali si Calista na halos liparin na niya ang daan papunta sa korte. Ngayon kasi ang trial niya sa isang mabigat na kaso na hinawakan niya.

"C'mon! I'm already late!" she groaned the moment her car stopped because of the traffic. Bawat segundo na lumilipas ay lalo siyang kinakabahan. Na-late kasi ito ng gising dahil marami siyang tinapos na trabaho kagabi.

Nang maging berde ang ilaw ay agad niyang inapakan ang gasolinador. Ngunit bigla rin itong napahinto nang may biglang lumusot na motor sa gilid nito at muntik nang sumabit sa kaniyang sasakyan.

"Hey!" inis niyang sigaw dito.

Saglit naman itong nilingon ng lalaki at tinignan kung nasagi niya ba ito. At nang masigurado niyang hindi ay agad niyang pinaharurot muli ang kaniyang motorsiklo.

"Jerk!" Calista shouted.

Ngunit mas mabilis naman din ang naging pag-alis ng lalaki dahilan para hindi nito maabutan ang sigaw niya.

Inis niyang pinaandar muli ang sasakyan at nagmadali na itong tumungo sa korte.

Pagdating niya sa kaniyang destinasyon ay agad siyang dumeretso sa loob ng trial court kung saan ay naroon na ang lahat. Pagkapasok niya ay agad siyang umupo sa tabi ng kasama niyang si Ally. Buti na lamang at hindi pa nagsimula ang hearing.

"Why are you late?" Ally asked her.

"Stuck in the traffic," tanging sagot nito bago inayos ang sarili dahil magsisimula na ang paglilitis.

Nagsimula na ang trial at masyadong nag-iinit ang dalawang kampo. Ang prosecution at ang defense attorney ng akusado.

A 25-year-old man was strangled and fell down the stairs. Leading to brain damage and death. And Michael, his ex-boyfriend, was the defendant's defense attorney.

"Defense attorney, you may now start the cross examination," said the judge.

Kalmado lang na nakaupo si Calista habang sinusundan ng tingin si Michael na pumunta sa harap para umpisahan ang cross examination niya sa doctor.

Tinapunan muna ng tingin ni Michael si Calista at bahagyang nginisihan ang dalaga bago siya magsimulang mag tanong sa doctor.

"The victim is Reynan Santos." panimula nito. "When was he diagnosed as brain dead?"

"He was brain dead on August 22, 2021, at 10:30 a.m.," the doctor replied.

"In that case, when would his heartbeat stop?" he asked again.

"Same day. August 22, 2021, but it's already 7:17 in the evening."

Tumango-tango naman si Michael.

"So, there's a 9-hour gap? How did you came up with the conclusion that the victim died at a specific time?" muli nitong tanong.

"That was the time the organ transplant started. When his artery was cut, that's the time we recorded the time of his death."

Ang biktima kasing si Reynan Santos ay nakapirma bilang isang organ donor. At nailigtas naman nito ang apat na buhay ng tao. Pumayag ang Prosecution na pagsabayin ang organ transplant at ang autopsy dahil sa leeg lang naman na parte ng katawan ng biktima ang kakailanganin para sa autopsy.

Tinaas ni Michael ang papel ng autopsy report at hinarap sa doctor.

"In that case, that must have been written in the obituary at the time of his death, right?"

The doctor nodded at him. "Yes, you're right." Michael smiled slightly and faced the judge.

"Iyon lang po, Your Honor," saad nito bago naglakad pabalik sa upuan niya.

OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon