CHAPTER 10
CALISTA
“Where are you? Isang linggo ka nang hindi pumapasok.”
Humugot ako ng marahas na hininga bago sagutin ang tanong ni Ally.
“My life is in dager, Ally. Hindi pa ako makakapasok ngayon.”
Ilang araw na rin ako ritong nananatili sa rest house ni Sebastian at ngayon ko lang din nakausap si Ally.
“What do you mean that your life is in danger? “ pagtataka niyang tanong, ngunit halata sa boses niya ang pag-aalala.
“’Yung kidnapper ko 3 years ago ay bumalik. Natunton niya ako.”
“Ano‽” Nilayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya.
“Oh, my God! Kailangan mong ireport sa mga pulis, Cali! “
I sighed. “Hindi puwede, Al.”
“At bakit naman hindi‽” Napangiwi ulit ako at nailayo na naman ang phone sa tenga ko.
“Ally, your voice!” Saway ko sa kaniya. Mukhang bibingihin ako nito, e.
“Oh, Im sorry. Ikaw kasi, e. Bakit ba hindi mo puwedeng ireport? Cali naman! Ikaw na nga ang nag sabi na delikado ang buhay mo at na aapektohan din ang trabaho mo dahil diyan. “
I gasped. Hindi ko pa nakakausap si Seb about dito. Alam ko kasing may plano sila laban kay Hunt ngunit hindi ko alam kung ano ‘yon, that’s why hindi ako maka-report sa mga pulis.
“Basta, not now, Al. But don’t worry, na sa safe na lugar ako. Hindi nila ako matutunton dito,” ani ko.
“Eh, anong sasabihin ko kay tanda? Hindi ka naman kasi nag file ng leave. Baka materminate ka.” Napasinghap na lang ako. Bakit pa kasi bumalik-balik pa si Hunt, e. Hindi ako puwedeng matanggal sa trabaho.
“Al, sabihin mo na lang na hindi pa ako puwedeng pumasok. Sabihin mong may sakit ako at hindi ko kayang pumasok.”
“Hindi ko alam kung maniniwala, pero susubukan ko. Kakainis rin kasi ‘yong matanda na ‘yon, e.”
Mahina akong tumawa. Ang pangit kasi ng ugali ng matanda na ‘yon, lahat ng tao sa prosecutor’s office ay hindi siya gusto. Ano nga ba ang magagawa namin, e mas mataas siya kisa sa amin.
“Ipag dasal na lang natin na sapian siya ng kabaitan,” saad ko at muling tumawa.
“Hay! Basta girl, mag-iingat ka kung na saan ka man ha. Pag may kailangan ka sa ‘kin tawagan mo lang ako.”
“Don’t worry, Al. Safe ako kung saan ako ngayon.”
“Sige, sabi mo ‘yan ha. Balik na ako sa trabaho ko, baka mamaya ay mapagalitan ako ni tanda.”
“Okay, mag iingat ka.” Humagikhik muna ito bago pinatay ang tawag.
Tumayo ako sa kama at nag tungo sa veranda ng kuwarto.
Ang lakas ng ulan at ang boring dito. Si Seb ay na sa baba at may kausap na naman sa cellphone. Buong araw na ata akong hihilata rito sa kuwarto.
Napahawak ako sa aking tiyan nang tumunog ito. Alas-kuwatro na rin pala kaya nag rereklamo na itong tiyan ko.
Napag desisyonan ko munang bumaba para mag hanap ng makakain sa kusina. Wala naman akong masiyadong ginagawa pero palagi akong gutom.
Pag baba ko ay nadatnan ko si Sebastian na nakaupo sa couch at kinakalikot ang cellphone niya.
“Hey, nagugutom ka?” tanong niya.
Dahan-dahan akong tumango na parang nahihiya pa. Ayoko naman na um-oo agad ano, hindi ko kaya bahay ‘to. Nakikikain na nga ako at nakikitira rito, e.
BINABASA MO ANG
OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)
Ficción GeneralSebastian Berk is a mafia boss who is still looking for answers about his younger sister's death. Three years ago, his sister Athena was raped and murdered by an anonymous gang. Until one day, when he witnessed a scene that returned his wrath and la...