3rd Person's POV
"Bakit hinayaan niyo silang makatakas?" Galit na sigaw ni Hongbin sa kanila ni Ravi at Hyuk, silang dalawa ni Ravi at Hyuk ang sumunod sa nakatakdang si Xiumin ang may kapangyarihan na Frost
"Nahuli namin ang isa sa mga tumutulong sa kanila" sagot ni Ravi, nasa hideout sila nila ngayon sa Berlin
"Saan na ngayon?"
"Nakatakas, atleast diba may nahuli kami hehehe" nakangising sagot naman ni hyuk kay Hongbin
"Wala talaga kayong kwenta, pag malaman ito ni pinunong Hyunseung, lagot nanaman tayo" naiinis na sabi ni Hongbin
****
Sinusundan naman nila ngayon ni N at nang dalawang kasamahan niyang si leo at ken ang nakatakdang nasa Edinburgh. Si Oh Sehun ang may kapangyarihang Wind.
"N hindi ba natin siya huhulihin?" Tanong ni Leo habang nakatago sila sa pader
"Wag muna, kailangan nating iligaw ang BTS" sagot naman nito, may paranormal silang gagawin sa oras na papasok sa bahay nito ang nakatakda kasi alam nilang dun magteteleport ang Bts sa bahay ng nakatakda.
******
Tahimik lang silang lahat ngayon kumakain, lahat seryoso maliban kay Taehyung na inaasar ngayon si Lyxhien.
"Ma..mommy...mama...omma.." tawag niya kay Lyxhien sa iba't-ibang boses.
Pinalo naman ni Lyxhien ang braso niya dahil naiingayan ito.
"Ommaaaaawts" Sigaw niya habang hinihimas niya ang brasong pinaluan ni lyxhien
"Shut up taetae" saway din sa kanya ni jungkook na nasa left side ni lyxhien
"Bakit ba kasi ang tahimik?" Tanong ni taehyung
"Shazy, Chirae may problema ba kayo?" Tanong ni Lyxhien nahahalata niya kasi na parang ang odd ng atmosphere ng dalawa, kanina pa sila di nag-iimikan.
Medyo matagal naman siya nakakuha ng sagot.
"Hmmm? Ah wala naman" sagot naman ni Shazy sa kanya, pero alam ni lyxhien na nagsisinungaling ito.
"Nag-aalala kami kay mommy" sagot din ni Chirae
Nag-aalala naman talaga ang lahat sa Mommy rae nila, pero parang hindi ganun ang tamang rason sa nakikita niya kaya tumahimik na lang din siya.
Pagkatapos nilang kumain nag-insist si Lyxhien na siya na lang ang maghuhugas pero di siya pinayagan ni Gabby
"Eonnie ako na lang kasi" sabi niya dito habang nasa lababo sila
"Wag na oi, magpahinga ka na lang muna, may sugat ka pa oh" sagot naman nito sa kanya, kaya walang magawa si lyxhien at pumunta na lang siya sa sala
"Sigurado ka eonnie?"
"Oo sige na, para makapag teleport na kayo sa saan ba yun ang susunod na pupuntahan niyo?" Tanong nito habang linilisan niya ang pinagkainan nila
"Edinburgh" sagot naman ni Lyxhien
"Ah hmm, sige magpahinga kana dun, inaantok ka oh. Gamitin mo na lang ang kwarto ko dun" sabi ni gabby sa kanya saka tinuro nito ang hagdan na nasa sala
"Umakyat ka tapos merong dalawang pintuan dun yung kulay green akin yun pumasok kana lang"
"Hehehe, eonnie talaga eh paano mo naman nalaman na inaantok ako?" Tanong niya
BINABASA MO ANG
Finding The Twelve Forces
FantasySina Lyxhien,Chirae at Shazy ay binigyan ng isang mission ng mommy rae nila, ito ay kailangan nilang hanapin ang labindalawang nakatakda ng Exo Planet sa loob ng isandaang araw. magtatagumpay ba sila sa paghahanap sa mga nakatakda gayong may mga kal...