Nang makarating sila sa bahay ni Tao, humiga agad silang tatlo sa iisang sofa na akala mo naman pagmamay-ari nila ang bahay, tumawa lang si Tao sa kanilang tatlo atsaka pumasok sa kwarto nito.
LYXHIEN'S POV
Nagising ako nang may naamoy akong strawberry, kaya tumayo ako at sinundan ang amoy habang nakapikit ang dalawang mata ko.
"Araaaaay!" Sigaw ko nang mauntog yung ulo ko sa *di ko alam kung ano yun* basta ang sakit nun kasabay nun ang pagtawa ni Shazy.
Pagdilat ko kaharap ko ang malaking refrigerator. Aigoo! Nauntog ang ulo ko sa handle ng ref., hinimas-himas ko naman ang noo ko.
Amfufu* ansaket talaga.
"HAHAHAHAHAHA LOL *UBO* *UBO" malakas na tawa ni Shazy sa akin ng nasa mesa na ako, dahilan para mabilaukan siya.
Buti nga.
Binatukan naman siya ni Chirae
"Aray! Bakit mo ako binatukan?" Tanong niya kay chirae at seriously? Kailangan pa bang itanong kung bakit?
"GG! Ka kasi, nauntog na nga si Xhien unni nakuha mo pang tumawa ng malakas. Ayan buti nga sayo at nabilaukan ka ng strawberry cake" sermon ni chirae sa kanya.
Tama yan chirae ipagtanggol mo ako. Kaya love na love ko talaga ang batang ito.
"At ano naman ang drama mo ngayon Xhien unnie ha? At may papikit-pikit ka pang nalalaman, mukha kang timang na lumalakad habang nakapikit" sermon niya naman sa akin habang himas-himas ko pa rin ang noo ko, binabawi ko na pala ang sinabi ko kanina na love na love ko siya, wrong send yun hahahaha xD
Tumawa naman ulit si Shazy, srsly? anong nakakatawa?
"Hahaha, sana may *I just wanna feel this moment* ka pang background music na dinagdag, para feel na feel mo talaga ang pagkauntog mo hahaha" tawang-tawa sabi niya sa akin na pati ang kinakain niyang cake ay nag sho-shower na kasabay ang laway niya.
Ewwww*
"Ha-ha-ha grabe tatlong tawa sa nakakatawang joke mo shazy" sarcasm na sabi ko sa kanya at ang loka nagawa pang I-flip ang bagsak na buhok niya sa akin
"Yas! Magaling talaga akong mag joke harharhar" Sagot niya and I just rolled my eyes to her.
Maya-maya lang dumating naman si Tao.
"Tao oppa, saan ang lakad mo? Kumain ka muna, pasensya kana ang feel at home namin" Tanong namin sa kanya, nakabihis siya kasi.
"Okay lang, kahit ubusin niyo pa diyan ang pagkain haha, Sa trabaho ako pupunta"
"Haha, salamat kung ganun, ano naman ang trabaho mo?" Tanong ni chirae, saka sinubo niya ang cake.
"I'm a Wushu Trainor"
"Wow! Talaga tao oppa? Pwedeng paturo ng wushu? Nang mabali ko ang buto ni Shazy" biro ko naman
"Hahaha naku Lyxhien pasensya kana, pero hindi kita tuturuan pag gagamitin mo sa kapwa mo" sagot niya sa akin at benelatan naman ako ni shazy.
Umaksyon naman akong sapakin siya ng biglang
.............
TAO'S POV
Nang makita kong sasapakin na sana ni Lyxhien si Shazy, aawatin ko sana siya ng di ko sinadya at alam kung bakit tumigil ang oras.
Hindi sila gumagalaw at kinabahan naman ako dun kasi hindi ko alam kong paano pagalawin ulit ang oras buti na lang at naalala ko yung panaginip ko.
BINABASA MO ANG
Finding The Twelve Forces
FantasiaSina Lyxhien,Chirae at Shazy ay binigyan ng isang mission ng mommy rae nila, ito ay kailangan nilang hanapin ang labindalawang nakatakda ng Exo Planet sa loob ng isandaang araw. magtatagumpay ba sila sa paghahanap sa mga nakatakda gayong may mga kal...