"Pakawalan niyo ako" sigaw ni Tammy sabay tulak sa kanya ng cyborg sa Selda
"Hindi ko hahayaang makawala ka diyan, dahil diyan ka nababagay Rae" sabi naman sa kanya ni Hyuna kasama nito si Hyunseung, punit-punit na ngayon ang damit ni Tammy at magulong-magulo pa ang buhok niya
"Hindi niyo makukuha ang kaharian ng Exo Planet" matigas na sabi niya kay hyuna
"Huli ka na. Nakuha na namin"
"Babawiin namin sa inyo ang mga kinuha niyo"
"At sino naman ang babawi nun? Ang mga nakatakda? Hahahahahaha" halakhak ni hyuna, tumawa din ang mga cyborgs
"Wala na ang nakatakda ng kaharian niyo dahil pinatapon na namin sila, dahil sila ay Basura"
"Basurang, babasurahin rin kayo" sagot naman ni rae
Tinignan naman siya ng masama ni Hyuna.
"Ito ang tatandaan mo Rae, minsan niyo nang tinakwil ang cube X sa planetang ito, at hinding-hindi namin hahayaan na gagawin niyo ulit yun sa amin. Naghirap kami dun, na halos wala ng pagkain at tubig na mainom. Pero noon yun, Ngayon kayo naman ang papahirapan namin"
"Baka nakalimutan mo din Hyuna na kasalanan niyo kung bakit itinakwil kayo ng pinuno, inaangkin niyo ang hindi----aaah!" Napasigaw sa sakit si Rae ng bigla siyang sinakal ni hyuna galing sa labas.
"BANTAYAN NIYO YAN AT WAG NIYO HAHAYAANG MAKALABAS ANG BABAENG YAN!" sigaw ni hyuna sa mga cyborgs saka umalis na siya dun.
"Omma!" Tawag ni jungkook kay lyxhien habang naglalaro ito sa cellphone
"Yes baby?" Sagot naman nito at bigla naman tumawa sina shazy at chirae
Inaasar niya si jungkook
"OMMAAAAA!" sigaw sa kanya ni jungkook na parang batang nagtatantrums
"aray! Kookie bakit ba?" Natatawang patanong na sagot ni Lyxhien
"Not the baby thing omma. Tsk! Ang nakatakda po, parang bumalik na ang malay niya" sabi niya, pumunta naman si Lyxhien sa tabi ng nakatakda saka tinignan ito.
Sumunod din sina chirae, shazy at taehyung.
"Oppa!" Yinugyog ni lyxhien ang nakatakda ng mahina
Unti-unting bumukas naman ang mga mata nito, nagtataka itong tinignan sila.
"Tae, tawagin mo ang iba" utos ni shazy kay taehyung at sinunod naman siya kaagad nito.
"Uhm, oppa! kami ang nagligtas sa iyo ng malunod ka sa pool, okay ka na po ba?" Tanong ni Lyxhien
"Paano ako nalunod?" Tanong nito sa kanya
"Unexplainable ang pangyayari, nakita namin na bigla na lang may lumabas na malaking tubig sa pool saka humampas ito sa inyo" sagot naman ni jungkook
Bigla naman bumangon ang nakatakda. Pinigilan naman nila ito
"Oppa! Uminom ka muna ng gamot hindi ka pa magaling" sabi ni chirae sa nakatakda
"Kailangan kong bumalik sa pool na iyon" sagot lang nito.
Nagtataka naman silang tiningnan ang isa't-isa na parang nag-uusap ang mga mata nila
"Kailangan maibalik ko ang kapangyarihan ko"
"Ha?" Bulalas nilang apat.
Hindi nila maintindihan kung bakit sa pool.
BINABASA MO ANG
Finding The Twelve Forces
FantastikSina Lyxhien,Chirae at Shazy ay binigyan ng isang mission ng mommy rae nila, ito ay kailangan nilang hanapin ang labindalawang nakatakda ng Exo Planet sa loob ng isandaang araw. magtatagumpay ba sila sa paghahanap sa mga nakatakda gayong may mga kal...