Chapter 19:Marseillie

27 0 0
                                    

SEHUN and KAI on the multimedia

~~~~~~~

Isa, dalawa, tatlo....sampung silver na marbles ang nakalatag sa sahig nasa iba't-ibang posisyon ito, samantala ang dalawa ay nasa malayong posisyon.

Nakaupo ang isang lalaki habang tinitignan ang mga holen, maya-maya lang tumayo siya para pumunta sa bintana, tumingin siya sa langit, parang uulan. Tumawag naman siya ng isang kalapating ibon at binigay niya dito ang mga sanga na pinagagawan niya ng mga letra, kinuha ito ng kalapati gamit ang mga paa nito atsaka lumipad.

"That will help you" sabi niya at umakyat siya sa taas, para pumunta sa kwarto niya. Habang ang mga holen ay nasa sahig pa rin at nakalatag


Kinwento ni lyxhien sa mga kasama niya kung paano niya nalaman ang pangalan ng susunod na lugar na pupuntahan nila. Nagtataka naman ang bts kung paano nangyari, at wala silang makuhang sagot, maski si namjoon wala.

Nasa Marseillie na sila ngayon, nakatayo sila sa isang gubat.

"Tsk. Unexpected talaga ang lugar na dinadalhan ng teleporter na yan sa atin, sa dami-daming lugar dito pa talaga sa gubat" reklamo ni Jhope habang hinahanap nila ang daan palabas ng gubat

"Ang arte mo ha, bilisan mo nga ang paglalakad mo" saway sa kanya ni Shazy na kasalukuyang nasa likod niya.

Maya-maya lang natisod sa isang ugat ng puno si shazy kaya napatigil sila sa paglalakad.

"Shazy okay ka lang?" Tanong ni sehun habang nakaupo si shazy sa lupa, tinulungan naman siya ni sehun tumayo.

"Okay lang ako, kaya ko na" sagot niya saka tinanggihan niya ang kamay ni sehun.

Tumayo naman si shazy habang yung mukha niya ay hindi maipinta dahil sa sakit sa paa na nararamdaman niya.

Napansin naman yun ng dalawa niyang kaibigan

"Hoy! Sure ka bang okay ka lang?" Tanong sa kanya ni chirae habang naglalakad pa rin sila, nasa gubat pa rin sila at parang nahihirapan sila sa paghahanap ng labasan.

Pinapangunahan ito ng mga nakatakda.

Tumango naman si shazy.

"Sira ka talagang babae ka, piggy back na lang kita. Look your foot is swollen" sabi ni lyxhien, saka tumigil naman siya para umupo

"Wag na xhien, ang bigat ko kaya ipi-piggy back mo pa ako, okay lang ako promise"

"Tsk. Hindi okay yung paa mo oh"

"Wag na xhien please" pagmamakaawa niya kay lyxhien, ayaw niya kasing maging burden.

"I can do a piggy back ride for you shazy, whether you like or not" sabi naman ni sehun, tumayo naman si lyxhien

"Oh see, mabuti pa sehun. shazy wag ka nang tumanggi si sehun na ang nag insist sayo" sabi sa kanya ni Lyxhien

Kaya walang nagawa si shazy kundi sumakay sa likod ni sehun kahit nakakahiya, mas sumakit kasi ang paa niya kaya wala na siyang choice, nakita niya rin na parang nag swollen ito. Kaya kagat labi niyang tinitignan ang paa niya.

Sa tagal ng paglalakad nila, sa wakas nakalabas na rin sila ng gubat.

Nakakita naman sila ng isang pool sa hindi kalayuan, pumunta naman sila dun at nakita nilang walang tubig ang malaking pool na ito.

Maya-maya lang merong lalaking hindi kataasan ang lumabas sa isang bahay, maputi siya at merong maitim na buhok bigla naman din sila nagtago.

"Nakatakda" ika ni lyxhien, ng umilaw ang kwintas niya.

Lumakad naman ito papunta sa malapit sa kagubatan

"Sundan niyo" sabi ni Chirae habang siniko niya ng mahina si Sehun, para pagsabihan

"Bakit kami?" Tanong naman nito

"Kasi nakatakda kayo, wag kayong magpakita magtago lang kayo, alamin niyo kung ano ang gagawin niya" sagot naman ni chirae

"Kami talagang lima ang susunod sa kanya?"

"Hindi, ganito na lang. Kayo dalawa ni Kai tapos isama niyo si jungkook" suggest ni lyxhien na nasa kanang tabi niya

"Grabe kayo,puro maknae line talaga. Kung isama na lang din kaya si V at Tao ano?" Sabi naman ni Kai

"Kai, okay lang talaga pag isama niyo si tao wag lang si V" sabi naman ni Lyxhien

Bigla naman sumagot si V

"Concern talaga si omma sa akin" sabi niya kay jungkook na nasa tabi niya

"Sira. Hindi kita isasama sa kanila kasi parang alien ka, kaya dito ka na lang. Sige na alis na kayo Sehun" utos ni lyxhien at agad naman nila sinundan ni Sehun ang di pa nakakalayong nakatakda.




Kagubatan, hindi niya alam kung bakit siya pumunta rito, walang mga dahon ang puno at tanging sanga lang ang meron ito.

Tumingin naman siya sa langit, ilang araw nang hindi umuulan sa lugar, binuksan naman niya ang kamay niya at nagbabasakaling merong papatak na tubig sa kamay niya, nagbabasakaling gagana ang kapangyarihan niya, pero ni kahit isang patak ng tubig wala siyang nakita.

"Bakit hindi na gumagana ang kapangyarihan ko?" Tanong niya sa isip niya

Lumabas siya sa gubat at pumunta sa walang laman na pool merong itong 5 ft. deep, umupo siya dun sa loob at linagay niya ang dalawang kamay niya sa ulo niya saka yumuko, ilang taon na siya sa lugar na kinaroroonan niya at gusto niya nang umalis rito.

Pero paano?

Wala siyang ibang mapupuntahan.

Maya-maya lang nakaramdam siya ng kakaiba, tinaas niya naman ang ulo niya at bigla na lang sumalampak sa kanya ang maraming tubig.

Finding The Twelve ForcesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon