Third Person's Pov
Nasa planeta na ngayon sila ng Bts.
MATO PLANET,planeta kung saan ang pinuno rito ay kapatid ng pinuno ng Exo Kingdom
"Wow ang ganda naman pala ng Mato Planet" sabi ni chirae ng makarating sila gamit ang teleportation
"Oo nga! Ang Hi-tech no? Parang nasa future ka lang" sabi naman ni shazy sa kanya
Manghang-mangha sila sa nakikita nilang mga sasakyan na lumilipad.
Maya-maya lang nakarating na sila sa castle,mas lalo pa silang namangha dahil sa sobrang laki at linis nito.
May sumalubong naman sa kanilang dalawang babae
"Magandang araw,kanina pa po kayo hinihintay ng pinuno"
"Pupunta na kami dun" sagot naman ni namjoon sa kanila at saka naman sila umalis.
Pumunta naman silang lahat sa pinuno.
"Magandang araw pinuno" bati ng Bts atsaka nag-bow,nag-bow rin sina chirae at ang Exo
"Magsisimula na ngayon ang panibagong mission niyo,at kailangan paghandaan niyo ito dahil malalakas na pwersa ang kakalabanin niyo" sabi nito sa kanila tumango naman sila
Nalalapit na ang labanan ng Cube X at ng mga taga MATO Planet,kailangan matulungan nila ang mga Exotic.
"Kaya para sa paghahanda niyo,itra-train ko kayo,kasama ang dalawang babaeng kasama niyo,okay lang ba sa inyo?" tanong nito
"opo" sabay na sagot nina chirae at shazy
"Namjoon sabihan mo sina Zelo na magpapatawag ako ng pagtitipon para sa mga lider,ngayon din" utos ng pinuno nila sa kanya
Tumango naman si namjoon saka sinunod yun.
Nang dumating na ang mga lider ng mga grupo ng Mato planet ay nagsimula agad ang pinuno nila ang pagtitipon.
"Pinatawag ko kayo para pag-usapan ang nalalapit na labanan,GD ayusin mo ang mga weapons na gagamitin niyo"
"Masusunod pinuno" sagot ni Jiyong ang leader ng bigbang
"Ikaw naman CL,train this girls" saka tinuro ng pinuno nila sina Chirae at Shazy
Tinignan naman sila ni CL,at sabay-sabay silang dalawa napalunok ng mga laway nila.
"Opo" cold na sagot nito
"Makakaalis na kayo" sabi ng pinuno at tumayo naman sila saka lumabas
"Jin,dalhin mo ang dalawang binibini sa kuwarto na inihanda ko sa kanila,bukas na magsisimula ang training kaya kailangan nilang magpahinga,ipapatawag ko na lang kayo kapag maghahapunan na" utos nito kay Jin at sinunod niya naman ito
Tinawag na ni Jin sina chirae at shazy at sumunod naman ito sa kanya,sumama din sa kanila sina Jhope,jimin taehyung at jungkook
"Nakakatakot si CL" sabi ni chirae habang naglalakad sila
"I know right"
"Akala niyo lang yan,mabait kaya siya,kung hindi matigas yang ulo niyo hahaha" sagot naman ni Taehyung
"Hala! Anong ibig mong sabihin?" Shazy
"Dapat niyo makuha kaagad ang tinuturo niya kasi madaling maubos ang pasensya niya,kaya isang tip lang ang masasabi ko sa inyo Pay Attention habang nagsasalita siya" sabi naman sa kanila ni Jungkook
BINABASA MO ANG
Finding The Twelve Forces
FantasíaSina Lyxhien,Chirae at Shazy ay binigyan ng isang mission ng mommy rae nila, ito ay kailangan nilang hanapin ang labindalawang nakatakda ng Exo Planet sa loob ng isandaang araw. magtatagumpay ba sila sa paghahanap sa mga nakatakda gayong may mga kal...