Chapter 28: Shadow

28 0 0
                                    

Shazy's POV

Nakapalibot kaming lahat ngayon dito sa malaking mesa na nasa dining room ng bahay ni chen well maliban kay lyxhien kasi tulog pa siya,hindi ko na siya ginising kasi alas 4:00 na siya ng madaling araw nakatulog.

Kaya heto ako ngayon nagso-solve ng pathcode hints kasama si Kai at Jhope,yeah! Nakakatanga nga kasi ang dami na nilang lugar na nasabi pero ako miski isa wala.

Jeeeez! Potato brain,be a french fries sometimes.

"Walang ganyan sa Amsterdam tanga!" Sigaw ni Kai kay jhope saka inagaw niya ang pathcode card

napatakip naman ako sa tenga ko sumigaw ba naman malapit sa tenga ko,aish! Ang hirap talaga pag nasa gitna ka.

"Meron kayang gate na ganyan sa Amsterdam" medyo pasigaw na sagot ni Jhope

Amfufu,hindi ba sila titigil kanina pa sila ah.

Nakita ko naman si Sehun na tumatawa habang nag la-laptop,alam ko naman na ako ang pinagtatawanan niya kaya tinapon ko sa kanya ang wallet ni kai na nasapo ng mukha niya.

Pfft buti nga.

"Hoy!bakit mo yun tinapon?" Pasigaw na tanong ni Kai

Putspa! Nauubos na talaga ang dumi ng tenga ko sa kanya.

"Sige Kai sumigaw ka pa,sumigaw ka pa hanggang sa pumutok yang lalamunan at hindi ka na makakapagsalita" naiinis na sagot ko sa kanya

"Si Jhope kaya ang una"

"Ako na naman?" Sabi ni jhope in disbelief

"Oo ikaw,ikaw,ikaw" sagot naman ni kai

Ugh! Please. I'm so done with this two

"Shuuuuuut uuuuuup!!!" Naiiiritang sigaw ko sa kanila at napatigil naman sila. Sina chirae,bts at nakatakda napatakip naman sa tenga

"Oh I'm so done with you" sabi ko sa kanilang dalawa saka umalis ako doon, dala yung pathcode hints at pumunta sa kwarto namin.

Pagpasok ko doon,mahimbing pa ring natutulog si lyxhien habang nakadapa,alas 10:00 na ng umaga tulog pa rin siya.

Pinabayaan ko na lang siya saka umupo ako sa kama ko at tinignan ang pathcode card, merong mga ilaw tapos hallway at naka-lock na malaking itim na Gate,madilim ang vision ang nakikita ko kaya siguradong gabi ito.

"Ganito lang?" Sambit ko nang makita ko ang mga hints.

Napakahirap naman nito,kaya pala hindi agad nila ito ma-solve kasi hindi detalyado,oh well hint nga eh diba?

Maya-maya lang nakita ko sa peripheral view ko na uminat si lyxhien kaya tinignan ko siya.

Alam ko na!

magpapatulong na lang ako sa kanya.

"Lyxhiiieeeen" tawag ko sa kanya habang kinukusot niya ang mata niya

Lumapit naman ako sa kama niya.

"Lyxhien,patulong nito" sabay pakita ko ng pathcode card

Tinignan niya ito,saka nagsalita

"Hindi pa ba yan nila alam ang sagot?"

"Hindi pa,kaya nga magpapatulong ako sayo,ang ingay kasi nila ni kai at Jhope kapag kasama ko sila,kaya ikaw na lang" sagot ko

"Okay,maghihilamos muna ako at mag tootbrush" sagot niya at natuwa naman daw ako dun

Matapos niya gawin ang morning routines niya,natabig niya naman ang flower vase na nasa ibabaw ng drawer dahilan ng pagkahulog nito at nabasag.

Finding The Twelve ForcesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon