Chapter 16: Oh Sehun

40 1 0
                                    

"Wind Manipulator ka diba?" Tanong sa kanya ni Shazy

Nasa kwarto sila ngayon na kinaroroonan ni Lyxhien.

"Yeah"

"Sample nga" sabi naman ni taehyung sa kanya kaya nakakuha siya ng batok kay lyxhien

"V they can't use their powers, alam mo naman na kinuha ang mga powers nila" paos na sagot sa kanya ni Lyxhien

"By the way, ngayong lima na kayo maaari bang ikwento niyo sa amin ang nangyari kung paano kayo napunta rito sa earth? Di kasi namin alam ang buong kwento" sabi sa kanila ni Lyxhien

Nasa sofa ngayon ang nakatakda na nakaharap ito sa kama, yung iba naman nasa sa sahig at isang couch na nasa left side ng kama.

"Okay, pero si Xiumin hyung ang magkwekwento sa inyo. Siya kasi ang pinakamatanda rito" sagot naman ni Chanyeol

Sasapakin na sana siya ni xiumin buti lang naka-ilag siya.

"Sorna hyung, sige na kwento kana"

"Okay sisimulan ko sa una" panimula ni xiumin, tumawa naman silang lahat

"Hahahaha, malamang hyung, syempre sa una mo talaga sisimulan" sabat naman ni V sa kanya at tumawa ulit sila

"Esh. Seryoso na okay, makinig kayo"

"Makinig kayo kay lolo" sagot ulit ni Chanyeol at tumawa sinabayan naman din siya ni V

"Gague! Si suho yun, aish! Chanyeol seryoso na kasi"

"Okay-okay kwento kana"

Huminga naman ng malalim si xiumin

"Nang linusob ng mga Cube X ang Exo planet, maraming Exotican ang namatay, meron namang mga nakatakas at napunta rito sa earth pero kaunti lang yun. Bata pa kami ng nangyari yun siguro si Sehun nasa 17 pa ang edad niya at nasa dalawampu't isang taong gulang naman ako nun, kaarawan yun ng prinsipe ng biglang lumusob ang cube x at gumawa ng kaguluhan lahat ng mga makapangyarihang tauhan, kabilang na ang hari at reyna ng exo planet ay hinuli at ikinulong nila. Kabilang din ang mga magulang namin sa mga nahuli, at pati kami ipinadampot nila at ikinulong kami nila dito sa earth lalong-lalo na ang prinsipe, pero hindi namin nakasama ang prinsipe siguro itinago nila, sampu kaming nakatakda ang nakakulong"

"Sabi ni mommy Rae labindalawa kayong nakatakda" sabi naman ni chirae

"Tama, iwan ko nga kung bakit sampu lang kami nun, kabilang ang prinsipe sa nakatakda, at siguro si kris hyung tinago din nila" sagot ni Xiumin

"Paano pala kayo napunta sa iba't ibang lugar?" Tanong naman ni Shazy

"Ilang taon nila kaming ikinulong sa Korea, hanggang isang araw pag gising ko nasa ibang lugar na ako, at nag-iisa lamang ako dun. Iwan ko kung paano nangyari yun sa akin at sa iba kong kasama, I remembered na naging Ice pa yung baso na nahawakan ko, parang hindi ko ma-control ang kapangyarihan ko, pero ilang minuto I black out then ng magising ako nakita ko si Gabby, which is my noona"

"Sino sa palagay niyo ang gumawa niyan sa inyo?" Tanong ni jhope

"Hindi namin alam, pero sigurado akong hindi cyborgs or cube X ang gumawa sa amin nun" sagot ni Kai

"I agree" sagot naman ni namjoon, napatingin naman sa kanya silang lahat

"Think, ipinatapon kayo ng pinuno nila sa korea diba saka kinulong ng ilang taon dun bantay sarado kayo ng mga cyborgs, and then suddenly nagising na lang kayo sa isang unfamiliar na lugar. I remembered a day, when I spy the Exo kingdom galit na galit ang Reyna ng Cube X sa anim na cyborgs dahil sa kapalpakan nila, well I guess it's because what happened sa mga nakatakda, so I agree na hindi Cube X ang may gawa ng pagpunta niyo sa iba't-ibang lugar, but someone who is a master of teleportation" sabi ni namjoon

Tinignan naman nila si kai

"Is it you Kai?" Tanong ni sehun

"Hindi ko alam lahat ng tricks, I'm not definitely a master in teleportation" sagot niya

"Kung hindi si Kai, then who?" Tanong ni chirae

"Pwede, yung Master Teacher ni Kai sa teleportation" hula naman ni Lyxhien

"Possible" sagot ni namjoon at tumango-tango naman silang lahat

Matapos maikwento ni xiumin lahat-lahat napagpasyahan nilang mag movie marathon wala naman kasi silang ibang gawin, at hindi rin sila magteteleport. Delikado daw pag padalos-dalos at baka mahuli sila ng mga cyborgs, ngayong nalaman nito kung ano ang ginagawa nila, kaya bago sila magteleport sa isang lugar kailangan nilang mag-plano.

Finding The Twelve ForcesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon