Happy Birthday Kim Joon Myeon / Suhonnouncer!!
Kung gusto niyo makita yung hot gif ni Suho-oppa click the external link. Di ko malagay ung picture sa taas hindi ko alam kung bakit :(
* * * * *
Stephanie's POV
Nandito na kami sa cafeteria and guess what? Sobrang daming tao. gumising na nga ako ng maaga ehh.
Pumila na ako dun sa pilihan baka hindi pa ako makakain nito.
Nakakuha na ako ng pagkain at kasalukuyang naghahanap ng mauupuan kasama si Lucia kaso wala eh.
Wala naman akong masyadong kilala dito kasi nga kakapasok ko pa lang.
Sa bench na lang kaya sa labas? Kaso nakakahiya naman kumain dun lalo na kung wala akong kasama.
"Stephanie!!" Nagulat pa ako nung may tumawag sa akin. Si Elizabeth lang pala kasama si Jessica.
Lumapit ako sa kanila.
"Wala kang maupuan?" Tanong ni Elizabeth.
Obvious naman teh? Pero syempre hindi ko sinabi yun.
"Oo eh. Sobrang dami na palang tao."
"Oo nga. Dito na lang kayo umupo ni Lucia tutal wala pa namang nakaupo dito ehh. Parang nung nakiupo lang kami sa inyo haha." Sabi ulit ni Elizabeth.
"What's that?" Tanong ni Jessica sabay turo dun sa cake na nasa kahon.
"Cake." Sabi ko.
"Talaga? Saan mo binili?" Tanong ni Elizabeth.
"Binake ko." Nahihiyang sabi ko.
"Really, can we taste it?" Nangingislap na matang tanong ni Jessica. May kaingayan din pala 'to. Nung una naming pagkikita halos si Elizabeth lang ang nagsasalita.
"Ahh.. Ano kasi.."
"Ibibigay niya po yan kay Prince Clyde." Diretso sagot ni Lucia
"Lucia!" Sigaw ko sa kaniya diretsuhin ba naman.
"This is for me?" Tanong ng isang pamilyar na bose oh-oh! Tumingala ako.
"Ahh.. Ano.." Sabi ko ng nakayuko habang nilalaro ang daliri ko.
"Nako! Kuya alam ko namang hindi mo kakainin amin na lang ni Jessica mukha pa namang masarap." Sabi ni Elizabeth.
"I'll eat this. You can get the chocolates and cake above my locker." Sabi ni Clyde
"Damot mo kuya! Samantalang dati kapag hinihingi binibigay mo agad."
Wahh!! Ano ba 'to ang akward. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Hello Stephanie! Ako nga pala si Kent!" Umupo siya sa tabi ko at hinawakan niya ung kamay ko sabay hinalikan. Medyo nagulat pa ako dahil dun sa ginawa niya.
Agad ko namang tinanggal ung kamay ko. "Ahh-ehh, hello." Nahihiyang sabi ko.
Nagulat ako ng nasa tabi na pala namin si Jessica at pinipingot ang tenga ni Kent.
"Ikaw na lalaki ka umalis ka nga diyan. Pinapaandaran mo na naman ng pagkababaero mo yang si Stephanie." Sabi ni Jessica habang dala-dala si Kent sa tabi niya. Natawa na lang ako sa kanila.
Umupo si Clyde sa tabi ko sumunod naman sa kaniya si Jerald bali tigtatalo sa bawat side. Pahaba kasi ung upuan namin hindi hiwa-hiwalay kaya eto magkadikit kami.
"Kuya makikishare ulit kami ah. Alam mo naman madaming tao." Sabi ni Elizabeth. Teka bakit kami ang makikishare ehh kami ang nauna dito?
"Fine." Sabi naman ni Clyde.
Di ko talaga sila maintindihan. Tumingin ako kay Lucia ng nagtatanong.
Itinuro niya ung papel sa gitna ng table. May nakasulat doon. Reserved only for the 3 Prince Clyde, Kent, and Jerald
Ahhh. Kaya pala, sosyal sila may special treatment.
Kumain na lang ako kagaya ng ginagawa nila.
Habang kumakain kami napansin kong si Jerald lang ang hindi kumakain at panay ang inom ng juice.
"Ahmm Jerald bakit hindi ka kumakain?" Tanong ko.
"I'm a vampire." Sagot niya. Oo nga pala. Tumahimik na lang ako.
"Kuya ano bang nangyayari sa'yo? Parang hindi ka mapakali diyan." Tanong ni Elizabeth kay Clyde. Napansin niya rin pala. Kanina pa mukhang natatae 'tong si Clyde ehh.
"Don't mind me." Plain niyang sabi.
"Malapit ng magtime tara na?" Sabi ni Jessica.
"Ahh sige una na kayo kukunin ko pa ung schedule ko sa Principal." Sabi ko
"Kay Ms. Alora Fuentes ba? Wag na masungit yun at tsaka nakuha ka na sched. mo." Sabi ni Elizabeth.
"Ha?" Nakangangang sabi ko. Bakit naman niya kukunin ang sched ko?
"Basta, pareho tayo ng sched at magkasama tayo sa lahat ng klase kaya sama ka na lang sakin." Sabi ni Elizabeth sabay kapit sa braso ko.
Eh? Sumama na lang ako sa kanya. Magkakasama pa rin kaming pumunta sa classroom.
"Halika dito ka sa tabi namin dali!" Sabi naman ni Elizabeth at pinaupo ako sa pagitan nila ni Jessica.
"Nasa royal class ka pala kasama namin Stephanie 'no?" sabi ni Jessica
"Royal Class?" Tanong ko. Anong royal class?
"Royal Class, is a class for vampire and wizards royalties. Like prince and princess." Sagot ni Jessica sa tanong ko.
"Eh? Hindi naman ako prinsesa." Sabi ko.
"Dunno, sabi ni mama nasa special class ka daw eh. Nevermind na nga lang." Sabi ni Elizabeth
"Teka asan yung fairies niyo?" Tanong ko. Kahapon ko pa din napapansin na wala silang fairies sabi ni Lucia lahat daw ng estudyante dito may kanya-kanyang fairies.
"Ah yun ba? Mga freshman lang meron nun." Sagot ni Jessica
Ahh.. kaya pala. Si Lucia kaya mawawala na sakin kapag second year na ako dito? Sana naman hindi.
Pumasok na ung prof ata namin at pumunta sa unahan.
"Okay looks like we have a new student please tell us who and what you are."
Eh? ako ata ung sinasabi nung prof kaya pumunta na ko sa unahan.
"Hello! I'm Stephanie Cloudray it's nice to meet you." Sabi ko ng nakangiti.
"What are you?" Tanong ng prof. Huh? What are you?
"Po?"
"I asked whether you are a vampire or a wizard." Sabi ulit nung prof.
"Ahmm.." Lahat sila nag-aabang sa sagot ko. Ano bang sasabihin ko?
Tao nga ako eh. Deym.
Vampire
Ha? Sino nagsabi nun?
You're a vampire
Sino ka?
"What's your answer Ms?"
"Ahhm.. I'm a vampire." Sabi ko na lang
"Okay you may now take your seat." Sabi sakin nung prof. babae nga pala siya.
Bumalik na ko sa kina-uupuan ko.
"Why did you say that you're a vampire?" Bungad na tanong sakin ni Elizabeth. Alam nga pala niyang tao ako.
"Hindi ko din alam eh. Basta may parang nagsasabi sakin na bampira daw ako." Tumango na lang siya sa sinabi ko.
Speaking of that, sino kaya ang bumulong sakin kanina? Don't tell me may multo dito. Asa naman ako. Wag niyo na sanang dagdagan ang mga kakaibang bagay pa dito bukod sa wizards, vampire, fairies, invisible na nilalang, at cashier na may anim na kamay.
* * * * *
Sabaw alam ko lol
BINABASA MO ANG
Falling Inlove with a Vampire [on-hold]
VampireOK ito yung book 2 ng I am the Princess of Wizards. Please read the Book 1 before this pero hindi naman kayo masyadong malilito kapag hindi niyo binasa ang book 1 at ito ang binasa niyo. Basta bahala kayo. Pero better read the book 1 kahit pangit i...