Ito na hohohoho.. Ang sipag ko ngayon ahh lolololololol Di pala ko nakaupdate nung isang araw kasi badtrip ako. Walang pumapasok sa utak ko. Tapos kahapon nag-aral ako ng bagong sayaw lol. Sorna po.
Mahaba ang note magsipag kayong magbasa.
Nagdedicate nga pala ako sa mga previous chapter dun sa mga laging nagcocomment ng thoughts and reaction nila dun sa update. May mga nakalista pa. 5 na lang ata.. Baka gusto niyo din.
Dedicated sa kaniya kasi nagcomment siya na sana magkagusto si Stephanie ay Clyde. Nagkagusto na siya LQ nga lang sila lol. Pero magkakabati na ulit sila.
Belated Happy Birthday sa bae ko Irene(RV) Di kasi ako nakapag-UD agad sorry.
* * * * *
"Stephanie!" Napatingin ako sa sumisigaw ng pangalan ko na kasalukuyang tumatakbo ngayon sa hallway. Inaayos ko kasi ang laman ng locker ko.
Humihingal ito at napakapit sa tuhod niya.
"Wooh! Nakakapagod yun ah!"
"Bakit ka ba kasi tumatakbo Marcus?"
"I just want to invite you. Mamayang gabi sa plaza. May festival kasi marami namang pupunta. Baka gusto mong sumama? Kasama sila April don't worry." Napapakamot pa sa ulo si Marcus.
"Sige pupunta ako. Haha. Wala din naman akong gagawin."
"Thank you! Thank you! Kita tayo mamaya?" Kumindat ito at saka umalis.
Napapailing na lang ako at pinagpatuloy ang pag-aayos ng locker ko.
"How long do you plan to keep yourself away from me?" Bahagya akong nagulat ng marinig ang baritonong boses ng taong (tao nga ba?) basta iniiwasan ko.
Sinara ko ang locker ko, nagsimula akong maglakad ng hindi siya pinapansin.
Maya-maya pa'y nasa harap ko na siya. Magtataka pa bà ako eh bampira nga pala 'to.
"Why are you avoiding me?" Parang nalulungkot ang boses nito.
"I'm not." Nagsimula ulit ang maglakad pero bigla niya akong niyakap.
"Ayiee!!" Sigaw ng mga nakakita samin sa corridor.
Nagtago naman ako sa dibdib niya dahil paniguradong namumunla ako dahil sa hiya.
"I miss you." Bulong niya kasabay ng pagdaloy ng milyon-milyong boltahe ng kuryente sa katawan ko.
"Clyde, ano ba nakakahiya." Bulong ko na medyo naiinis.
Unti-unting nawala ang ingay sa paligid namin. Humiwalay ako sa kaniya."Bakit mo ko dinala dito?"
'"Because you said, you're embarassed so I thought I should bring you here." Paliwanag niya.
"I have to go Clyde. May mga gagawin pa ako."
Hinila niya ako at sabay kaming bumagsak sa kama niya. Hindi kayo nagkakamali; nasa dorm niya kami, sa kwarto pa nga eh.
"Stay, I want to cuddle you. Can we talk about us, first? Let me explain." Malumanay na sabi niya sa nangungusap na boses
Hindi ko alam kung bakit napatango ako sa sinabi niya.
"I was just joking that time when I said that I mistakenly chose you. I know it was you from the start. Even though I was blindfolded that time I can still smell. So it's my choice to choose you."
"It's not a good joke." Seryosong sabi ko at tiningala siya.
"I know." Sabi niya sabay halik sa noo ko.

BINABASA MO ANG
Falling Inlove with a Vampire [on-hold]
VampierOK ito yung book 2 ng I am the Princess of Wizards. Please read the Book 1 before this pero hindi naman kayo masyadong malilito kapag hindi niyo binasa ang book 1 at ito ang binasa niyo. Basta bahala kayo. Pero better read the book 1 kahit pangit i...