Vampire 19 (March 24, 2016)

869 24 1
                                        

Ito na!! Unedited as usual. Sorry kung bigla akong nagthird person POV. Tinatry ko lang naman.

Happy Birthday din kay Park Bom ng 2NE1

* * * * *

"Salamat, Clyde, ah. Sa pagpili sakin." Malambing na turan ni Stephanie.

Sa lahat ng babae kanina na sumubok, una palang si Stephanie na talaga ang pipiliin niya.

Nasa kwarto niya sila ngayon at lubhang nagtataka si Clyde dahil hindi naman ganito ka-clingy si Stephanie sa kaniya.

"It's my responsibility." Sagot na lang niya.

"I'll give you my gift I know you'll like it." Saad ni Stephanie

"Stephanie, are you alright? You're so different. Are you sick?"

"Hindi ano ka ba?! Gusto mo pa bang malaman ung regalo ko o hindi na?" Nagtatampong kunwaring maktol ni Stephanie.

"Of course. I would want to but I don't think..."

Binaba ni Stephanie ang kaliwang side ng damit niya.

"Drink my blood." Mapang-akit na sabi nito.

Tinaas ni Clyde ang damit niya. "Maligo ka muna bago matulog." Sabi niya at lumbas ng kwarto.

Nagpapadyak naman si Stephanie paglabas ni Clyde.

"Bakit ayaw na niya sakin?! Ilang daang taon lang naman ako nawala eh." Naiinis na sigaw nito. "Pero makukuha ulit kita mahal kong Clyde. Sasaya na ulit tayo." Napangisi ito sa naisip.

*

Nagising si Stephanie na masakit ang ulo.

"Ano bang nangyari?" Tanong niya agad pagkagising niya.

"Mahal na Prinsesa gising na po ba kayo?" Tawag ng isang katiwala na naatasan sa paggising sa kaniya.

Mahal na Prinsesa? - Nangunot naman ang noo ni Stephanie dahil doon.

"Saglit lang po!" Sagot niya na lang.

"Handa na po ang pagkain. Hinihintay na lang po kayo sa baba."

"Sige po, susunod na lang ako."

Tumayo na siya at agad na naligo at nagbihis. Pumunta na siya sa may hapagkainan at nakita na masayang nag-uusap ang mga tao doon.

"Hey Steffie!! Congrats!" Sigaw ni Elizabeth ng makaupo siya.

Nangunot ang noo niya. "Congrats?"

"Oo, engage na kayo ni kuya eh. Yie!! Excited na akong maging sister-in-law ka!"

"Ha?" Hindi pa rin ma-gets ni Stephanie ang mga pinagsasabi nito.

Napatingin naman si Clyde kay Stephanie dahil parang wala itong alam sa mga nangyari kagabi.

"Nakalimutan mo na agad ung nangyari kagabi? Ikaw ang napili ni kuya. Sabi na eh!!"

"Ah oo." Sabi na lang ni Stephanie kahit sa totoo lang ay hindi niya alam ang nangyari.

Natapos din silang kumain habang nagkukwentuhan pero hindi sila nag-usap ni Clyde dahil medyo naiilang siya dito.

"Clyde, let's talk." Ani ng mahal na Reyna. Sumunod naman si Clyde dito. Nagtungo sila sa office nito sa loob ng Palasyo.

"I feel something strange."

"Naramadaman niyo din 'yon mom?"

"Yes, something that I can't explain." Sumeryoso ang mukha nito, na halatang nag-iisip ng mabuti.

Falling Inlove with a Vampire [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon