Vampire 10 (July 04,2015)

1K 50 3
                                    

Warning: Unedited

May kukwento ko saglit lang 'to basahin niyo kwento din naman. Kasunod nito ung updated kung tinatamad kayo ung update na basahin niyo.

Nung thursday sa school election ng STUDENT COUNCIL ng high school tapos nagbibilangan na ng votes ehh walang magawa ung iba kasi nga nagbibilang kaya naghanap ng kakanta at sasayaw.

Pinipilit ako ng mga classmate ko na sumayaw daw ng GROWL by EXO sabi ko ayoko. May sumayaw na grade 9 KPOPPER din. Grade 10 po ako. Sinayaw niya MR.CHU by Apink. Tapos sinasigawan ako ng mga classmates ko SASAYAW NA YAN! x infinity.ayoko pa rin tapos niyakag ako ng grade 9 I GOT A BOY daw ng SNSD nung una nagdadalawang isip pa ako pero ayun nagsayaw din kami. Sabi ko chorus lang sasayawin ko pero alam ko naman ung steps simula sa simula. Inaasar niya pa akong sumayaw na dun sa unang part pero ayoko talaga.

Naninigas na kaya kamay ko nun sa sobrang kaba... Ahahahhhaha un lang corny noh?? Basta chorus lang sinayaw ko simula dun sa CHENCHEMCHENCHENCHENCHEN
* * * * *

Stephanie's POV

Nagulat na lang ako ng may nakayakap na sakin at hindi ko alam pero parang nasa ibang lugar na kami.

"C--clyde" Mahinang bulong ko.

"I told you to take care of yourself look what happened."

Tama nga ang hinala ko. Nasa gubat na kami. Alam kong hindi ito ang Night Woods dahil hindi naman kami pwedeng pumasok doon.

"Sorry" sabi ko. Naiiyak na ako. Hindi ko naman kasi sinasadya.

"Andito sila!" Sigaw ng isang lalaki.

Itinago ako ni Clyde sa likod niya.

Andami nila. Nakakatakot ang mga mata nila. Napakapula ng mga mata nito.

"Back off." Sabi ni Clyde.

"Mahal na prinsipe. Alam mo naman kung gaano kasarap ang dugo ng tao mahal na prinsipe." Sabi ulit nung lalaki. Mukhang siya ang namumuno sa kanila.

"We're giving enough supply for you to not bite other creatures." Sabi ni Clyde.

"Isang kagat lang naman eh." Sabi niya ulit.

Sumugod na sila. Nakaka-awa si Dylan. Wala man lang ako magawa sa kaniya. Kapag may lumalapit sakin biglang nasa harap ko na siya at siya ang makikipaglaban. Puro sugat na rin ang katawan. Marami na siyang napatay pero marami pa din  ang nadating.

Naiinis ako sa sarili ko. Kung hindi kasi ako nagpadalos-dalos edi sana hindi na mangyayari 'to.

Nasa harap ko na ulit si Clyde at alam kong hinang-hina na siya.

"Clyde" Tumingin siya sakin ng may mapupungay na mga mata.

"R-run, I'll get their attention as much as I can."

"Hindi, Hindi kita iiwan dito." sabi ko.

"Kuya! Umalis na kayo. Kami nang bahala dito." Sigaw ni Elizabeth kasama niya sila Kent, Jerald, at Jessica.

"Tara na Clyde."

Inakay ko siya dahil mukhang hindi siya makalakad ng ayos.

*

Tumakbo kami papuntang gubat at naghanap ng matataguan.

"Clyde ok ka lang ba?" Naiiyak na sabi ko eh paano duguan na siya. Naawa ako sa kaniya.

"O-okay lang ako." sabi niya.

"S-sorry kung hindi sana natanggal ung kwintas kung hindi sana sa kapabayaan ko hindi mangyayari 'to. Ano bang pwede kong itulong sa'yo? Sige na." Sabi ko

"B-blood." Sabi niya.

Blood? Wala namang pack ng dugo dito. Saan ko siya kukuhaan.

May dugo ka diba? sabi ng peste kong utak.

Oo nga pero masakit yun at tsaka nakakamatay yun hindi ba? At tsaka baka maging vampire din ako kagaya nung new born sa twilight na magiging aggressive bigla.

Tinignan ko si Clyde at hinang-hina na siya.

"I can still smell your blood missy." Rinig kong sabi nung isa.

"Kahit saan ka pa magtago maamoy ka pa rin namin." sabi pa nung isa.

Kaya ko 'to ipipikit ko na lang ang mata ko. Tinanggal ko na ung isang butones ng damit ko at ibinaba ung collar ng uniform ko sa may bandang kaliwa ng leeg ko.

"C-clyde" Nilapit ko ung ulo niya sa leeg ko.

"N-no, I was joking. C'mon Stephanie I won't do this." Sabi niya kahit nanghihina na siya pero mas lalo ko lang inilapit ang mukha niya sa leeg ko.

Unti-unti kong naramadaman ang pangil niya sa leeg ko. Sh*t masakit. Unti-unti itong bumabaon at unti-unti ko ring nararamdaman ang sakit.

Iniinom na niya ang dugo ko, feeling ko nanghihina ako. Napakapit ako sa leeg niya. Nanghihina ako sobrang dami na ata niyang nainom pero ayos lang kahit mamatay ako. Ako naman ang dahilan ng lahat ng 'to kung hindi lang ako magaslaw hindi sana mangyayari 'to.

"C-clyde." Yan lang ang tanging nasambit ko.

Tumigil na siya sa pag-inom ng dugo ko. Inihiga niya ako sa damuhan. Pupungay-pungay ko siyang tinignan.

"Don't worry hindi masasayang and dugo mo." Sabi niya at umalis. Hula ko kakalabanin niya ung ibang mga bampira na humabol sa amin. I closed my eyes and let him do the rest.

Clyde's POV

"Don't worry hindi masasayang ang dugo mo."Sabi ko at umalis na para kalabanin ung ibang bampira.

Hindi ko alam na ganun pala kasarap ang dugo ng tao. Halos hindi ko na napigilan ang sarili ko at muntik ko ng maubos ang dugo niya.

Hindi ko rin alam kung sobra ang lakas na naibigay sakin ng dugo niya dahil sa tao siya o sadyang kakaiba siya. I've never tasted any human blood before, only animals. Kahit na may stock man silang ibinibigay sa amin hindi ko iyon iniinom.

Nakita kong papalapit na ung ibang bampira sa pwesto namin.

Kinalaban ko silang lahat. Naramdaman ko na biglang dumoble ang kapangyarihan ko. Na parang gusto kong pumatay. Until I defeated all of them.

*

"Kuya! What did you do?! You know you can't kill them. Paano na lang pag may nagsimula na namang gulo?" Elizabeth.

"I don't know either Elizabeth. There's something within me, urging me to kill them."

"Sana pinigilan mo na lang. At saan ka nakakuha ng lakas?"

"Nakakita ako ng hayop kaya kinagat ko." Plain kong sabi.

"You'e not good at lying. Oh no! Did you bite her?!"

"*sigh* yes"

"Kuya!! You marked her?! Siguro alam mo na ang consequences nito."

"I know, I marked her and I need to marry her."

* * * * *

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa utak ko at bigla ko na lang 'to naisip. lol. Kayo na ang bahalang humusga. Gege

Falling Inlove with a Vampire [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon