Vampire 9 (June 28, 2015)

1.1K 44 1
                                    

Warning: Unedited kung may makita man kayong Dylan diyan si Clyde yun. Nalilito kasi ako minsan sa characters ng story ko. lol

Happy birthday sa Maknae ng SNSD na si Seohyun
* * * * *
Stephanie's POV

Pinag-uusapan pa rin sa Academy ung nangyaring sunog at ang pagsasara ng Night Woods. Maraming nag-aalala na baka daw may buhay pa daw na Nights.

"Ms. Cloudray you're spacing out. It's your turn." Sabi nung teacher namin. Ito pa isang pinoproblema ko. Paano ko 'to tatakbuhin. Eh isang oval 'to tapos ang record ng iba kong classmates na bampira ay hindi nalagpas ng 10 secs.

Bumuntong hininga ako at nagready ng tumakbo.

Pi-pito na sana ung teacher namin kaso pinigilan siya ni Clyde. At may sinabi na kung ano.

"Ms. Cloudray you can take your seat. Hindi mo sinabi na may injury ka pala." Sabi nung teacher namin. Kumunot naman ang noo ko at napatingin kay Clyde.

Pumunta na lang ako sa gamit ko at dinala un papunta sa inuupuan ni Clyde at tumabi sa kaniya

"Bakit mo ginawa yun?" Tanong ko.

"What?" Parang wala lang na tanong niya.

"What ka diyan? Ikaw nagsabi nun kay prof. 'no?" Tanong ko

"..."

"Pero salamat ah. Alam mo simula ng dumating ako dito ikaw na ang laging tumutulong sakin. Kahit na ang sungit-sungit mo mabait ka rin pala." Sabi ko habang nakatingin dun sa oval(field).

Tinignan ko siya ng hindi ulit siya magsalita. Nakatingin din siya sa oval pero parang may kakaiba. Teka...

"Teka.. Clyde namumula ka ba?"

Tumingin siya sakin at umiwas ulit.

"I'm not."

"Hindi eh, namumula ka. Anong nangyayari sa'yo? May sakit ka ba?"

Sabi ko at hinipo pa ang noo niya. Tinapik niya ang kamay ko at naglakad paalis.

"Uyy!! May klase pa tayo." Sabi ko habang hinahabol siya.

Hindi siya lumilingon sakin.

"Clyde!! Ano ba!! May nasabi ba ko?" Tanong ko pero hindi pa din siya lumilingon.

"Stephanie!!" Napatingin ako sa tumawag sakin.

Teka.. Eto ung nasa may sunog sa lab na babae eh.

"Paano mo nalaman pangalan ko?" Tanong ko.

"Kilala ka kaya sa school after nung sa sunog thingy tapos sa Night woods pa."

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Tanong ko.

"I'm Marian."

"Nice to meet you Marian pero may kailangan pa ako habulin. Kita na lang tayo mamaya."

"Sama ka muna samin ng friend ko."

Tumingin ako sa direksyon ni Clyde pero wala na siya.

"Sige na nga."

Sumama na ako sa kanila. Sa cafeteria daw kami pupunta since magtatanghalian na daw.

Nakain na kami sa plato alangan namang sa lamesa pero joke lang talaga yun.

"So, wizards kayo?" Tanong ko sa kanila habang kumakain.

"Yes, ako nga pala si April." Sabi nung babae na umiiyak dun sa nangyaring sunog.

"Sabi nila vampire ka? Paano ko nakakakain ng pagkain namin?" Tanong ni Marian.

"I don't know siguro dahil lumaki ako sa mundo ng mga tao."

"Talaga? How is it?" Tanong ni April

"Masaya naman, bakit hindi ba kayo pwede sa mundo namin? este sa mundo ng mga tao"

"Nakakapunta naman kami sa mundo ng mga tao pero madalang." Malungkot na sabi ni April.

"Gusto niyo punta tayo? Kaso di ko alam kung paano makakalabas dito." Sabi ko.

"Alam namin. Punta tayo ah promise yan." Sabi ni April kay tumango ako.

Tumingin ako sa pinto at nandito na sila. Nginitian ako ni Isabela at ganun din ako sa kaniya.

"Kilala mo sila?" Tanong ni Marian.

"Oo."

"Wow buti ka pa. Ang hirap kaya nila makaclose lalo na ung sobrang supladong prinsipe na un." April

"Si Clyde ba? Naku ganyan talaga un pero mabait din un minsan."

"Clyde? You mean Prince Clyde. Napakaswerte mo na talaga Stephanie at pwede mo silang tawagin ng walang Prince o Princess." Sabi ni April

Tinignan ko ang pwesto nila Elizabeth at saktong nakatingin siya sakin. Binigyan ko siya ng apologetic smile. At mukhang naintindihan niya naman dahil tumango siya.

"Fairies niyo nga pala?" Pag-iiba ko sa topic.

"May meeting daw sila na kaekekan ewan ko ba dun." Sagot ni Marian

"Pareho tayo. Yan din ang sinabi sakin ng fairy ko." Napatawa na lang kami.

"Salamat nga pala sa pagligtas sakin. Tsaka halos hindi ko maalala ang nangyari sakin dun sa sunog kasi minsan may sumasapi ata sakin na hindi ko alam. Basta parang nagiging masama daw ako." Sabi ni Marian.

"Ano ka ba ayos lang yun at tsaka okay na naman ang lahat."

"The f*ck b*tch I told you not to see him again. Napakalandi mo talaga."

Napatingin kami dun sa nag-aaway. Sila na naman at dinayo pa ang cafeteria. Remember nung first day ko? Ung hinagis ako nung babae gamit ang kapangyarihan niya. Tumayo ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Marian

"Kahit papaano kailangan din naman nila tumigil sa pag-aaway." Sabi ko

Elizabeth's POV

Tinignan ko si kuya. Alam kong naririnig niya ang pinag-uusapan nila Steffie.

"Clyde. Ano bang nangyayari sa'yo kanina ka pa namumula?" Tanong ni Kent.

"Kinikilig lang yan." Sabi ko.

"Shut up Elizabeth"

Napangiti na lang ako. Kanina pa yan ganiyan eh. Simula nung nakita namin siya namumula na siya.

Tumingin ako kila Steffie. Naka-apologetic smile. Tinanguan ko na lang siya.

Habang nag-uusap kami hindi namin napansin na lumapit na pala siya sa grupo ng mga babae na mukhang may inaaway oh-oh here comes trouble na naman.

[a/n: Kanta lang ng SNSD joke]

Stephanie's POV

"Ano.. Pwede bang wag na kayong mag-away." Tanong ko.

"You again b*tch." Sabi nung leader nila.

"Wag ka ngang mangialam dito." Sabi pa nung isa.

"Ang ganda ng kwintas mo pwedeng akin na lang." Sabi nung isa pa nilang kasama.

Napatingin ako sa kwintas ko. Hahawakan at itatago ko sana ito pero nakuha na niya.

"Ano ba!! Akin na yan!!" Sigaw ko.

"Abutin mo muna." Sabi niya pero huli na ang lahat. Marami na akong nakitang bampira na namumula ang mga mata na para bang handa akong kainin anumang oras.

* * * * *

Bitin I know sana nagustuhan niyo kahit ang tagal ko ng hindi nakakapag-UD

Falling Inlove with a Vampire [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon