Vampire 17 (January 28, 2016)

1K 34 8
                                    

Yay! Nakapag-UD din sa wakas! Kahit kulang ung three comments na hinihingi ko.

* * * * *

Stephanie's POV

Simula nung nangyari yun parang nag-iba na ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung sino ba talaga ako at kung ano ang nakasulat sa librong iyon.

"Magbihis ka na po binibi magsisimula na ang programa." Sabi nung nag-aayos sakin. Ngumiti naman ako at tumango. Pumasok na ako sa walk-in closet. Niloloko lang pala ako ni Clyde nung sinabi niya may iba ng natutulog sa kwarto ko. Hayy..nababaliw na ata ung lalaking un.

Napatingin naman ako sa damit na isusuot ko pero nasindak ako sa nakita ko. Hindi ito ang ibinigay ng Reyna. Ito ung damit na nakita ko sa may library.

[a/n: photo below. Jk nasa media ung damit niya]

FLASHBACK

Nag-iba ang pader at may lumitaw na hagdan. Biglang bumukas ang mga torches kaya naglakas loob akong pumasok. Nakarating ako sa isang kwarto. May bintana din dito na animo'y parte ng Kastilo.

Dumungaw ako sa bintana at nakita ko ang labas. Parte nga siya ng kastilyo. Para siyang tower.

Tinignan ko ang paligid. Maalikabok at madumi na parang ilang daang taon na ang nakalipas ng may huling tumira dito.

Napukaw ng tingin ko ang isang damit kung ikukumpara sa lahat ng gamit dito napakalinis nito at parang bagong-bago. Kulay itim siya at may ruffles sa gilid mukha ngang pang vintage eh.

Binuklat ko ang librong nakita ko sa lamesa pero parang diary siya.

August 03, 1765

Ang saya naman! May napupusuan akong wizard kaso hindi kami pwede pero sobrang bait niya eh. Argh! Kaso tatanda siya ako hindi.

May lumabas na scene sa kwarto. Isang babae at may kausap siyang lalaki.

Siya kaya ung nagsulat ng diary? At ung lalaki naman ung tinutukoy niya na nagugustuhan niya.

"I love you Shana."

"Pero hindi tayo pwede. Wizard ka Vampire ako."

Shana? Un ung tawag sakin nung babae dati ah. Ako lang ba o parang magkamukha kami.

"Pero mahal kita. Nagmamahalan tayo."

"Oo alam ko. At mahal na mahal din kita... Clyde." Napasinghap ako sa pagkadinig ko ng pangalan na iyon. Bakit nga ba ngayon ko lang napansin na kahawig nung lalaki si Clyde. Nawala ang scene na iyon kaya nagbasa pa ako.

January 05, 1766

Nagkakagulo na ang mga vampire at hindi dapat madamay ang mga wizards dito. Papatayin ko ang Volturi at magpapakalayo-layo. Sana lang maging maayos ang lahat. Sana maunawaan ni Clyde ang desisyon ko.

May lumabas na scene pero sa garden ito. Kung di ako nagkakamali sa likod ng Palasyo.

"Shana hindi mo 'to kailangan gawin."

"Kailangan mahal ko. Ipangako mo sakin na papangalagaan mo ang Elemental World at kakalimutan mo na ako. Maraming ibang wizards diyan Clyde at kailangan mo ng tagapagmana."

Pareho na silang umiiyak. Nagyakapan sila at hinalikan ni Clyde si Shana. Naputol na ung scene.

January 30, 1766

Paalam mahal kong Clyde. Pangako babalik ako sa parehong araw ngunit sa ibang panahon at ibang katauhan.

END OF FLASHBACK

Pagkatapos nun nakita ko na lang ang sarili ko dito sa kwarto at ang mga nag-aalalang mukha ng mga kaibigan ko. Nag-alala daw talaga sila sakin.

Sinuot ko na ang damit dahil wala na naman akong magagawa at ito lang ang damit na nababagay sa party na 'to.

Falling Inlove with a Vampire [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon