Vampire 1 (April 23, 2015)

2.9K 78 16
                                    

Clyde's POV

"Mommy tumakas na naman si kuya at wala siya sa kaharian." Rinig kong sigaw ng kapatid ko pagdating ko. Nasa may bulwagan sila ngayon.

Mabilis akong tumakbo sa harap nila.

"Hey mom! Wag kayong maniwala diyan sa baby sister ko. Andito lang kaya ko sa Kaharian all the time." I said and wink at my baby sister pero umirap lang siya.

"Wag mo siyang paniwalaan mommy. Umalis siya nakita ko."

Kahit kailan talaga sumbongera 'to eh.

"It's okay Elizabeth."

Dinilian ko siya.

"At ikaw naman Clyde. Next time magpaalam ka kung saan ka pupunta." Paalala sakin ni mommy. This time si Elizabeth naman ang dumila sakin

"Yes mom, si daddy?" I asked

"May inaasikaso, magsusumbong ka na naman?"

"Hindi po. Namimiss ko lang siya. Bye mom! Akyat na ko." At tumakbo na ko pabalik sa kwarto.

Sayang, close kasi kami ni daddy kaya lagi niyang kinokonsinti ang gusto ko unlike my mom.

I'm Clyde Collins, son of King Aiden and Queen Zafira. Siguro nagtataka kayo kung bakit Collins na ang apelyido ko. Since my father was converted into a vampire his surename was changed into Collins. I have my little sister, her name is Elizabeth Collins. How old am I? Don't worry I'm still 18 years old. My mom is still young yet my dad. My sister is only 16 years old.

We haven't reach 100 years old.

Okay na ang buong kaharian. Wizards and other creatures are close now. They don't fight anymore. But sometimes yes, I guess. You know it happens in a normal community. I'm not too talkative so I guess my POV ends here.

Stephanie's POV

I'm Stephanie Cloudray. 17 years old and I'm in first year college.

On the way na ako papunta sa bago kong school. Hindi ko nga lang alam kung saan. Pinahatid lang ako doon ni mommy. Eto ng aoh, nasa school bus ako. May konting kasama naman ako dito kaso mukhang hindi sila madaldal kaya tahimik na lang din ako.

Sabi nila mommy dun daw ako titira sa buong school year. May dorm naman daw kasi.

"We're here!" Sigaw nung bus driver.

Huh? Parang abandonadong school na 'to ahh. Sobrang dumi ng pader pati na rin nung mismong gate pero sobrang laki. Sa sobrang laki hindi mo kita ung loob.

"Kuya, sure po ba kayong dito yun?"

"......"Tinitigan niya lang ako.

O-kay, parang panatag naman ung mga kasama ko kaya nakipila na lang ako sa kanila sa labas ng gate.

Biglang bumukas ung gate at hindi ko mapigilang hindi humanga.

"WoW!" Ibang-iba siya kung tignan sa labas.

Pagpasok ko sa loob may malaking sign na nakasulat ay Cross Academy.

Hmmm.. Cross Academy pala ang pangalan ng school na 'to.

May mga nabibigay ng fliers malapit sa gate.

"Hello! New student? Ito map ng school para makita mo ang dorm mo." Tanong sakin nung babae tapos my binigay na card.

"Thank You."

Tinanggap ko na lang kahit di ko alam kung ano yun.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong school. So this is college. Mga taong may kaniya-kaniyang tropa at may kanya-kanya ding ginagawa. Ung iba nagbabasa, nagpapatugtog, mga nagsasayaw. Nag-iintroduce ng bagong fashion, nagbabasketball, mga booths siguro para sa mga club.

Falling Inlove with a Vampire [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon