WARNING: UNEDITED. May mga scenes na maguguluhan kayo. Pagpasensyahan niyo na lang ✌
Kung gusto niyong magpadedic. Pm or comment na lang.* * * * *
Stephanie's POV
"Paano mo nalagpasan ung apoy?" Diretsyahang tanong ng isang matanda na may mahabang balbas.
[a/n: Oo guys buhay pa siya. Kilala niyo na ba? Hulaan niyo dali!]
Andito ako ngayon sa parang council room nila. May round table sa gitna at may mga naka-upo sa palibot nito. At anong ginagawa ni Clyde dito? Kasama niya din si Elizabeth. Pinapunta nila ako pagkatapos nung insidente kanina.
"Ahh.. Ano po.. Apoy po ung kapangyarihan ko." Sagot ko dun sa matanda na may mahabang balbas na sa palagay ko siya ang may pinakamataas na pwesto dito.
Pero totoo ung sinabi ko ah. Yun talaga ang tingin ko.
*FLASHBACK*
Haixst bakit ba nalaglag 'tong kahoy na 'to. Pero nasa loob na ako kaya wala ng atrasan.
Hinakbangan ko ung kahoy at alam kong nadali ng konti yung binti ko pero bakit hindi manlang napaso? Dapat man lang pumula 'to.
*cough**cough*
Hayaan na nga lang. Kumakapal pa lalo ang usok dito sa loob.
"Miss!! Asan ka?!" Sigaw ko.
"Tulong may tao ba diyan!" Sigaw niya. Nakita ko siya dun sa isang sulok kaya lumapit ako.
"Halika miss labas na tayo dito." Sabi ko
"Ayoko, hindi na tayo makakalabas dito."
"Makakalabas pa tayo, kaya wag kang mawalan ng pag-asa." Sabi at inalalayan siya.
Naglakad na kami papuntang hagdan pero biglang may bumagsak na kahoy. Na naman!!
"Sabi ko sa'yo hindi ka na makakalabas dito ehh!!" Iyak tawa niya. Ha?
Lumayo siya sakin.
"Nahulog ka sa patibong ko. Mas masaya sana kung ang prinsipe ang pumasok dito. Pero atleast meron pa din." Sabi niya.
"Sino ka?" tanong ko.
Mukha naman kasi siyang normal na estudyante hindi kagaya dun sa mga ghost stories na napapanood ko.
"Hindi mo na kailangan malaman." Sabi niya.
Nakita kong may pabagsak sa kaniyang kahoy kaya tinulak ko siya. At kung sinuswerte ka nga naman sakin pa bumagsak.
"B-bakit mo ko niligtas?" Tanong niya.
"Kasi hindi ko kayang may makitang tao este ano ka ba? Ah basta ayaw kong makita na may nasasaktan."
[a/n: Turuy!]
Nagulat ako ng inangat niya ung kahoy sa likod ko ng hindi umaalis sa pwesto niya.
"Telekenesis ang kapangyariha mo?" Tanong ko
"Bakit ikaw? Hindi ka nasunog. Kaya mong kumontrol ng apoy?"
"Siguro." Sabi ko.
"Siguro?" Kunot noong tanong niya.
"Halika na nga! Mag-usap na lang tayo sa susunod, okay? Baka masunog tayo ng buhay dito."
"Paano tayo lalabas?" Tanong niya.
"Diba dapat ikaw ang may alam niyan dahil in the first place plano mo 'to?" Tanong ko
"Hindi naman lahat." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Falling Inlove with a Vampire [on-hold]
VampiroOK ito yung book 2 ng I am the Princess of Wizards. Please read the Book 1 before this pero hindi naman kayo masyadong malilito kapag hindi niyo binasa ang book 1 at ito ang binasa niyo. Basta bahala kayo. Pero better read the book 1 kahit pangit i...