UNEDITED + sabaw.
Sorry sa matagal na update busy talaga eh.
* * * * *
Stephanie's POV
Papunta na ako sa may canteen ng may mahagip ang paningin ko. Si Clyde natutulog sa ilalim ng puno sa likod ng school.
Kita kasi un dito sa hallway since glass yung hallway. Puntahan ko nga.
"Pstt!!" Sigaw ko habang nakayuko at nakatingin sa kaniya.
"Pstt!! Gising!!" Aba hindi ako pinapansin.
"Hoy Clyde! Di mo na naman ba ako papansinin?" Napamulat naman siya dahil dun.
"Stephanie?" Nakakunot noong tanong niya.
"Shh" sabi ko at nilagay ung daliri ko sa labi niya dahil parang may nakatingin samin.
Tumingin ako sa paligid at may nakita akong anino sa may puno. Kumurap ako saglit at nawala na ito. Umayos na ako ng tao.
"Pink." Narinig kong sabi niya.
"Ha?" Tanong ko. Ano bang pinagsasabi nito.
"Pink." Sabi niya at dun ko lang naalala na kulay pink pala ang underwear ko. At maiksi lang ang palda namin
Inayos ko agad ang palda ko.
Nagsmirk naman siya dahil sa ginawa ko.
Pakiramdaman ko mukha na akong kamatis ngayon.
"Wahh!!May sapak ka ba!! Tumayo ka nga diyan!" Sigaw ko at sinipa siya pero naiwasan niya yun at tumayo.
"Ang sama mo." Sabi ko.
"Why stand when a guy is laying next to you?"
"Che!! Yayakagin sana kitang maglunch kaso wag na!!"
"Are you asking me on a date?" Nakasmirk na sabi niya.
Aba, ako magtatanong ng date?? Asa siya.
"Feelingero mo! Hoy! Lunch po at hindi date."
"It's the same."
"Aba! Kelan pa nag--"
He...he...he.. Kissed me?
Pakiramdam ko ung mukha ko kasing pula na ng dugo.
"Psh!! You're too noisy." Sabi niya at hinila na ako.
Wahh!! First kiss ko!! Ngayon lang pumapasok sa isipan ko ang ginawa niya. Tumigil ako sa lakad-takbo na ginagawa namin kaya tumigil din siya.
"What?" Kunot noong tanong niya.
"Ikaw?! bakit mo ginawa yun?!" Sabi ko na tinuturo pa siya.
"What did I do?" Balewalang sabi ko.
"YOU KISSED ME!!" I shouted at the the top of my lungs.
Ngayon ko lang din napansin na nasa malapit pala kami sa fountain at napakaraming tao ang nandito.
Nagsimula na silang magbulungan.
"Did she say kiss?"
"Impossible, our prince would never do that."
"Nantitrip ba siya?"
"Ilusyunada."
Yan lang naman ang sabi nila sakin.
Ako pa ang ilusyunada ngayon. Tumingin ako kay Clyde pero nakasmirk lang siya. Padabog akong umalis doon at dumiretso sa Cafeteria.
Nakita ko sila Elizabeth doon at may pagkain na sa lamesa.
BINABASA MO ANG
Falling Inlove with a Vampire [on-hold]
VampiroOK ito yung book 2 ng I am the Princess of Wizards. Please read the Book 1 before this pero hindi naman kayo masyadong malilito kapag hindi niyo binasa ang book 1 at ito ang binasa niyo. Basta bahala kayo. Pero better read the book 1 kahit pangit i...