Unedited surii .. Maikli lang 'to sa next chap medyo hahabaan ko na.
Happy Birthday nga pala kay Myoui Mina ng Twice!! <3 <3
* * * * *
Third Person POV"Sa mga nakapilang mga kandidato hindi kayo pwedeng magsalita. Once na turn niyo na, lalapit lang kayo sa ating mahal na prinsipe na nakaupo sa stage siya na ang bahala kung anong gagawin nila sa inyo. It's either aamuyin niya kayo or hahawakan pero pwede rin namang both. So let's start!"
Nagsigawan kapwa ang nga bampira at wizards sa loob ng bulwagan pagkasabi noon ng emcee. Ngunit iba ang nararamdaman ni Stephanie parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang bilis ng tibok ng kaniyang puso.
"What is this kind of $h*t? Picking my wife with this game. My mom is really insane." Isip-isip ni Clyde dahil una pa lang ay hindi na siya sangayon sa ideyang ito ng kaniyang ina ngunit nagpumilit ito at sinabing para naman daw magkaroon ng 'trill' ang pagpili niya ng mapapangasawa.
Kinakabahang lumapit si Stephanie kay Clyde ngunit wala siyang magagawa baka makagawa pa siya ng iskandalo kapag umayaw siya. Punong-puno pa naman ng bampira at wizards ang bulwagan natatakot siya na baka anumang oras ay may kumagat na lang sa kaniya o kaya gamitan siya ng dark spell.
Tumayo siya sa harapan nito na nangangatal pa ang tuhod at nanlalamig ang kamay. Hindi naman siya umaasa na siya ang pipiliin ni Clyde.
Dalawang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa ring ginagawa si Clyde. Parang sumikip ang dibdib nito dahil sa naisip.
"I know she's in front of me. I can already smell her scent. It's heavenly as ever." Isip ni Clyde habang nagpipigil na hawakan si Stephanie dahil baka hindi niya matapos ang palabas na ito at itakbo na lang si Stephanie paalis dito.
"Okay you may now go down. Next please!"
Nakayukong bumaba si Stephanie sa stage. Nagsimulang magbulungan ang mga tao dahil sa nangyari.
"Nawalan siguro ng gana ang prinsipe sa kaniya."
"Ang pangit niya naman kasi."
"Akala mo kung sino. Buti nga."
Naikuyom na lang ni Clyde ang kaniyang kamao ng marinig ang mga komentong iyon. Habang si Stephanie naman tumakbo palabas ng Palasyo dahil sa nagbabadyang luha sa kaniyang mata.
Oo, mahal niya si Clyde. Mahal na mahal ngunit anong magagawa niya kung sila ay nagmula sa magkaibang uri.
Sa kakatakbo niya ay hindi na niya alam kung saan siya napunta.
"Nasaan ako?" Naguguluhang tanong niya ng makita na puro puno ang paligid, pinanlamigan siya ng may marinig na nagsalita.
"Kamusta, ate?"
Napalingon siya at nakita na naman niya ang babae sa Night Woods.
"Ika-tatlumpu ng Enero. Maligayang pagbabalik ate." Ngumiti ito sa kaniya at sa hindi malamang dahilan ay biglang sumakit ang ulo niya. Iba't-ibang litrato ang kaniyang nakikita.
"Sheena" pabulong na sabi niya. Ang buhok niya ngayon ay naglalaro sa kulay itim at pula na parang nag-aapoy.
"Ate Shana."
* * * * *
Lame? Lagi naman haha.. Sa totoo lang di ko alam gagawin sa story na 'to. Kung anong pumasok sa isip ko un ang nilalagay ko.
BINABASA MO ANG
Falling Inlove with a Vampire [on-hold]
VampireOK ito yung book 2 ng I am the Princess of Wizards. Please read the Book 1 before this pero hindi naman kayo masyadong malilito kapag hindi niyo binasa ang book 1 at ito ang binasa niyo. Basta bahala kayo. Pero better read the book 1 kahit pangit i...