Vampire 14 (October 28, 2015)

972 42 10
                                    

Susme! Ngayon na ung episode ng SEVENTEEN sa WEEKLY IDOL *le dies*

Medyo lame ung dahilan na nasa story sorna po wala akong maisip eh.

I LOVE YOU #NationalILoveYouDay

* * * * *
Elizabeth's POV

"Kuya! Will you stop na? Kanina pa ako nahihilo dahil sa'yo."

Naiinis na sabi ko sa kaniya. Paano ba naman kanina pa ikot ng ikot dahil hindi na nakita si Steffie sa mundo ng mga tao.
Dun pala siya pumunta kanina nung umalis siya sa dorm.

"F*ck nasan na ba siya?" Naiinis na sabi niya kasabay nito ang pagbukas ng pinto. Bumungad samin ang hinihingal na Kent na akala mo ay hinabol ng sampong toro.

"Alam ko na kung nasaan sila Stephanie!" Sigaw ni Kent. Napatingin sa kaniya si kuya dahil sa sinabi niya.

"Nasan?" Tanong ko.

"Sumunod kayo sakin. Nauna na dun sila Jerald at Jessica."

Nagteleport na kami kung saan man naroroon si Steffie at dinala kami nito sa isang abandonadong lugar.

Nadatnan namin si Jessica at si Jerald. At isang bahay na tinutupok ng apoy.

"Bakit hindi pa kayo pumapasok?" tanong ni kuya.

"May magic na sumasagabal para hindi kami makapasok."

Hindi nagtagal ay nawala ang apoy at ang bumabalot na mahika dito. Agad kaming pumasok sa loob at hinanap sila Steffie.

Nakita pa namain ang ilang katawan na nasunog at ang mga katawan na unti-unting nagiging alikabok na humalo sa hangin. Sana lang ang buhay si Steffie.

Parehong mga wizards at vampire ang may kagagawan nito. I looked at kuya and I think we thought of the same thing.

"Steffie!"

"Stephanie"

Sigaw namin

Hindi nagtagal ay nakita na rin namin sila na walang malay at nakahiga sa sahig.

"Unconscious lang sila." Sabi ni Jerald. Malamang naramdaman niya at tibok ng puso nila Steffie.

"C-clyde.." Steffie

Agad namang lumapit si kuya kay Stephanie. Tinulungan na lang namin ang ibang kasama niya.

Stephanie's POV

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin. Parang may gustong lumabas sa loob ko at gusto kong magsunog ng magsunog ng kung ano-ano.

Hanggang sa nasunog ko silang lahat kasabay ng pangihihina ko.

"Stephanie!"
"Steffie!"

May mga naririnig akong sunisigaw ng pangalan ko. Sino sila? Sa sobrang panghihina ay hindi ko na magawa pa silang tignan.

'C-clyde' Sa mga oras na ganito siya lang ang maaasahan ko. siya ang laging tumutulong at sumasagip sakin.

"Stephanie!" May isang lalaki na dumulog sa akin at inalalayan ako.

Hindi ako maaaring magkamali sa amoy pa lang ng pabango niya ay kilalang-kilala ko na siya. Narinig niya ba ang tawag ko?

Sinubukan kong buksan ang aking mga mata at hindi nga ako nagkakamali.

"C-clyde" mahinang sabi ko.

"Shh, magpahinga ka muna." Hindi ko alam kung ginamitan niya ba ako ng mahika o sadyang kailangan ko lang magpahinga kaya unti-unting bumigat ang talukap ng aking mga mata.

Falling Inlove with a Vampire [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon