Vampire 24 (April 27, 2016)

734 20 3
                                    

Elizabeth's POV

"Hey kuya what happened?" Tanong ko kay kuya na palabas din ng classroom. Nakasalubong ko kasi si Steffie na tumatakbo at parang naiiyak so I thought na baka nag-away na naman sila ni kuya.

"Where did she go?" He asked not minding my question. Tinuro ko na lang sa kaniya ang pinuntahan ni Steffie maybe they had a fight again.

Napailing na lang ako. Magpapakasal na at lahat-lahat tsaka pa nag-away.

"Saan pupunta si Clyde?"

Tinignan ko ang babaeng nasa harap ko. Tinaasan ko siya ng kilay. I know that I have a good personality but I can't help to let out my bitch side to her. She's Sheena, the transferee. Akala mo kung makalingkis sa kuya ko dinaig pa ang linta. Kararating niya lang kahapon at ayaw ko na sa kaniya unang kita ko pa lang sa kaniya.

Hindi niya ba alam na engaged na si kuya? Well then, I'll let her know.

"If you have a thing for my brother, better stop coz he's already engaged and getting married soon. So back off!" Inirapan ko siya at itinuloy na ang naudlot kong pagpasok ng classroom. A bitch has come, I should warn Steffie later but I hope they'll fix their problem first.

"Hi, Jerald." I greeted him only to receive - nothing. He didn't even budge to look at me see or to say hello.

"You're always quiet, sige ka baka mapanis laway mo niyan." And again wala na naman akong napala. Why am I talking to him anyway?

We've been friend since childhood at sobrang tahimik talaga niyan. Once in a lifetime nga lang ata magsalita yan. Kung hindi importante ay hindi magsasalita. I've been asking myself hindi ba nabaho ang hininga niya? You know, typical type of people na kapag di nagsalita at naka-stay still lang nabaho ang laway.

But still, I'm secretly in love with him since childhood. Kuya doesn't seem to know and everyone too. I'm good at hiding my feelings.

Hindi ko na lang pinansin ang lalaking nasa tabi ko. Maya-maya ay dumating na ang magtuturo sa amin. Nilibot ko ang paningin ko dahil hindi ko makita si Jessicah at Kurt. Isa pa 'yong dalawang 'yon. Si Kurt ayaw pang umamin na may gusto kay Jessicah eh halata naman sa kinikilos niya.

Sheena introduced herself in front of the class and received a warm welcome. They shouldn't be, kasi yang ngiting pinapakita niya ay punong-puno ng ka'plastic'an.

Habang nagtuturo ang prof. namin sakto namang dating ng dalawa.

"Ah-ah, Jessicah tama na masakit." Angal ni Kurt kay Jessicah na ngayon ay hawak-hawak ang tenga niya.

I'm thinking kung ano na naman kaya ang ginawa ng lalaking 'to?

Jessicah's POV

"Maybe you want to shut up and take a sit, Ms. Stone and Mister Evans."

[a/n: Di ko maalala ang apelyido ng tatay ni Kent or wala akong binigay basta inimbento ko na lang ng biglaan kaya pagpasensiyahan niyo na. ulyanin na ako]

Iniripan ko ang professor namin. Kalalaking tao kung dumaldal at magalit daig pa ang babae konti na lang iisiping kong bakla ito but duh baklang wizard? It's gross!

Familiar with my attitude? Namana ko lang 'to sa nanay ko but sometimes mabait naman ako dahil naman ko din ang kabaitan ng tatay mas malakas nga lang ang pagkabitch at masungit ng nanay ko.

"Upo na daw tayo Jessicah. Bitawan mo na rin ang tenga ko please." Piningot ko sa huling beses ang tenga niya bago ito bitawan. Sobrang pula na nito ngayon, mas mapula pa nga ata sa dugo. It's his fault after all kung hindi niya sinabi kay Yaze na may gusto ako dito, sana walang problema.

Bakit ko ba kasi finlames ang pangalan namin sa likod ng notebook ko? Nakita tuloy ng sira-ulong 'to. I know it's childish but I cant help it. Crush na crush ko talaga siya. Ang lumabas lang naman ay Soulmates! I can't help smiling kapag naaalala ko 'yun atleast hindi Friends or anger ang lumabas.

[a/n: Yaze will be active in Vampires x Vampire Hunters]

"Lagi ka na lang galit sakin." Nagtatampong sabi ni Kent habang umuupo sa tabi ko.

Tinignan ko siya ng masama, "Why wouldn't I? Epal ka kasi and you even revealed me having a crush on Yaze in front of him?!" Hindi ko napigilingang mapasigaw at napatingin naman ang mga kaklase ko sa gawi ko. Konti lang kami but still, it's embarrassing. Buti nag-skip ulit ng klase ngayon si Yaze baka doble-doble na ang kahihiyang inabot ko.

"Could you please get out of my class if you don't want to study Ms. Stone!" I get my bag and fix myself.

"I hate you! No, I loathe you!" Sigaw ko kay Kent bago lumabas ng room.

Stephanie's POV

I thought I was Shana, the vampire goddess but no I'm not. I'm the fire god herself. With Suzaku's explanation it was all cleared.

"But why did I want to be a human, I mean a vampire. Anyway, I don't know my real identity."

'You're a human your highness. You're not a vampire nor a wizard.'

"What? Pero ang alam ko ay isa akong bampira at 'yun din ang tingin ng iba."

'Hindi pa ito ang tamang panahon para diyan aking reyna. Dadating din ang panahon na maaalala mo na ang lahat at kung bakit ka bumaba sa lupa.'

"Ha? Pero last na, sino si Shana? I mean nasan siya?"

Nginitian niya lang ako, "Ikaw ay siya." Bago pa man ako makapagsalita ay lumipad na siya paalis. What's with him? Lalo niya lang pinagulo ang utak ko.

Anyway, I have to go back. Kinakabahan ako dito sa Night Woods.

* * * * *

Isang mahabang author's note ulit.

Ine-edit ko kasi ung book 1 and then nabasa ko na ang Night Woods pala ay nasa Wizards World kaya nagulat ako. haha. Hayaan na natin kunyari nasa school na siya pinalipat ko na. I wanted to be honest kasi sa inyo guys :)

I'm planning to make a side story na lang nila Jessicah at Elizabeth kasi pa rang mahihirapan ako kung isisingit ko sila sa magulong plot ng story na 'to. Kahit mga 10 Chapters lang each siguro kapag natapos ko na ang story na 'to :)

Gabi ko 'to in-update kasi gusto kong i-try mag-update ng madaling araw haha parang ang saya kasi. :) Time Check 11:51 pm haha

Falling Inlove with a Vampire [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon