Chapter 1

2.4K 40 6
                                    

Isang malakas na tapik sa mukha ang naramdaman ni Era at nagising siya mula sa pagkakatulog sa office table niya.

Nakita niya ang kaibigang si Lindsey na nakasimangot.

"Aray ko naman Lindsey ang sakit ah!" wika niya dito.

"Mas lalong masakit yan kapag nakita ka ng Supervisor mo kung siya ang makahuli sayo na tulog ka na naman diyan siguradong papatalsikin ka na niya sa pwesto mo," sagot nito na nakahalukipkip.

Tumingin siya sa orasan 5 minutes bago mag lunch break.

"Sorry na, ano ba yun?" wika niya na nagpunas ng mukha parang may tumulo pang laway sa table niya.

Walong taon na siyang regular at nagtatrabaho bilang isang office staff sa isang malaking kompanya sa Maynila. Sa walong taon na iyon puro trabaho ang ginawa niya hindi siya mahilig magpapasyal kung saan saan. Mas gusto niyang matulog na lang kesya gumastos ng pera sa labas.

May gusto siyang bilhin na pinag-iipunan niya kaya hanggat maari sa boarding house lang siya.

Masaya siya sa walong taong paninirahan sa Manila. Minsan lang siya sa isang taon bago umuwi sa lugar nila. Mahal ang pamasahe at ilang oras din ang biyahe mula Manila papunta sa probinsya nila kaya kung hindi pasko ay bagong taon siya umuuwi.

Na enjoy niya ng buhay sa Manila yin nga lang ang hindi niya ma-enjoy ang magkaroon ng boyfriend, lahat yata ng mga lalaki iisa ang hinihingi bilang kapalit ng pagiging girlfriend nila. Katulad kagabi napuyat siya dahil sa pakikipag-away sa boyfriend niya na pinipilit siyang mag-celebrate ng monthsary nila sa hotel pagkatapos nilang kumain sa labas sa inis nakipag-break na lang siya dito. Sayang mukhang ito na sana ang seryusuhin niya kaso akala lang pala niya iyon kapareho lang din pala ito ng naging ex-boyfriend niya masyadong nag-disadvantage sa kanya.

"Pinadala ni Mrs. Jimenez itong data gawan mo daw ng report before 2 pm ibigay mo sa kanya ito. Era," wika ng kaibigan niya.

Isa si Lindsey na nakagaanan niya ng loob halos kasabay niya ito sa kompanya. Mukhang mataray ito pero kapag nakagaanan mo ng loob ay mabait pala. Prangka lang magsalita at madaldal.

Kinuha niya ang hawak na folder at tiningnan ito.

"Wow Friend akala mo madaling gawin ito at bago mag-2 pm nasa kanya na agad!" sagot niya at tumayo siya.

"Alam kung kaya mo yan, galingan mo hindi si Mrs. Jimenez ang mag-check niyan kundi ang bago nating CEO," wika ng kaibigan niya.

"May bago na naman tayong CEO? Parang every year iba-iba ang tumatayong CEO sa kompanyang ito. Ilan ba talaga may-ari nito?" wika niya sa kaibigan.

"Last na yata yan baka siya na talaga ang hahawak friend, yun ang sabi ni Mrs. Jimenez," wika ng kaibigan niya.

"Okey friend! Wala bang bata na papalit halos lahat matanda na?" wika niya na inayos ang folder sa ibabaw ng table niya.

"Hayaan mo na sila basta sumasahod ka at nagtatrabaho ka nang maayos, Halika na lunch break na din naman, kumain na tayo at kanina pa ako nagugutom," hila nito sa kanya.

Kinuha niya ang wallet niya at binuksan nakita niyang three hundred pesos na lang ang budget niya sa isang araw pa ang sahod. Napailing siya sa laman ng wallet niya.

Sa mahal ng bilihin paano kaya niya mapaskasya ang pera niya hanggang sahod. Hirap ng maliit nag sahod kailangan mong pagkasyahin hanggang sa susunod na cut off.

"Tagal mo naman Era baka maubos ang paborito kung laing sa Canteen,"wika ng dalaga.

"Mauubusan nga ba o si Daniel lang ang sinusundan mo?" sagot niyang nakangiti dito.

Si Daniel ay boyfriend nito lang nakaraang linggo, isa sa IT Department na matagal na crush ni Lindsey pero hindi siya boto dito mukhang hindi nawawalan ng babae kapag nakipag-break meron agad kapalit.

"Baka kase umaaligid pa rin ang ex-girlfriend niyang malandi," ingos sa kanya nito.

"Dapat dinaanan ka niya bago pumunta sa Canteen friend," irap niya dito.

"Dumaan naman kaso may inutos nga si Mrs. Jimenez di ba?" siko sa kanya nito.

"So, kasalanan ko pa talaga! Sabihin mo, abnormal yang Daniel na yan friend, break mo na nga yan!" irap niya sa kaibigan.

"Ito naman wala pa kaming isang buwan break agad, Yan kase lagi kang nakikipagbreak sa boyfriend mo kaya pati sa akin gusto mong gawin ko din,Asan na ba boyfriend mo?" wika nito sa kanya.

"Wala break na kami, gago kase alam niyang hindi pa ako handa pipilitin niya ako ayon nakipaghiwalay na ako!" walang gatol na sagot niya.

Natawa ang kaibigan niya at umiling lang.

Pagpasok nila sa canteen wala ang boyfriend ng kaibigan kaya humanap sila ng bakanteng mesa at kumain na sila ng magkasabay.

Pagkatapos kumain inabala niya ang sarili sa report na pinapagawa sa kanya ni Mrs. Jiminez kahit break time pa.

Inayos niya ang pagka-file nito halos ala una medya siya natapos may kalahating oras pa para e-check niya ang ginawa. Nang wala na siyang makitang mali nilagay sa folder at itunabi niya iyon sa tray maya na lang abot sa supervisor nila. Nag-check muna siya ng email at sumagot sa mga tanong ng client. Nalibang siya sa pagsagot sa mga ito hindi niya namalayan ang oras.

"Miss Manalo 2:30 pm na asan ng report hindi ba at sinabi ko bago mag-2 pm nasa table na ni Boss iyon!" mataray na tanong ni Mrs. Jiminez.

"Ay sorry mam tapos na naman po kaso sumagot ako ng mga email," sagot niya at kinuha ang folder at ibinigay dito.

"Naku palpak na naman unang araw ng CEO mapapagalitan tayo dalhin mo sa kanya yan!" inis na ibinalik sa kanya.

"Pero mam hindi ko po alam ang sasabihin," wika niya dito.

"Abot mo lang at inaayos ko lang ang mga pinapgawa niya!" sagot nito at tumalikod n sa kanya.

Nataranta naman siya sa sinabi nito. Ayaw pa naman niya sa lahat na haharap sa matataas na tao ng kompanya niya na mag-isa siya. Unang pagkakataon na siya ang mag-aabot ng report na ginawa niya.

Bahala na,bulong sa sarili na inayos ang damit. Kinuha ang blazer at shoes para naman presentable saka lumakad papunta sa loob ng opisina ng bago nilang Boss.

ONE WILD NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon