Chapter 23

769 21 11
                                    

AVELLA FARM

Isang masaganang paligid ang nakikita niya. Luntiang mga puno at huni lang na ibon ang maririnig sa kigar na iyon. May mga ibat-ibat hayop dito na nadadaanan sila at sa gitna may isang malaking bahay na sa palagay niya ito ang tinutumbok nila.

Malayo pa lang natanaw na niya ang isang matandang lalaki sa tingin niya mga nasa sixties na ito. Matikas pa rin kahit may edad na, malawak nag pagkakangiti nito sa kanila.

"Hey, son. Nice to be back here. How our company in Manila?" masiglang yumakap ang matanda. "And she is. . .?" mas malawak ang ngiti nito sa kanya.

"Hi Dad! Ayos naman ang first month ko sa business natin at all employees are good. By the way, this is Emerald but they call Era." kinabig siya palapit ng binata at hinapit ang beywang niya. "Sweetheart, Don Edwardo, my dad."

Siniko niya ito bahagya bago ngumiti at nag-bless sa matanda.

"Nice to meet you,hija. Masaya ako at~"

"Dad, let's go inside. What's the menu?" pinutol ng binata nag sasabihin ng ama nito pero maaliwalas pa rin ang mukha at namiss nila nag isa't isa.

"As usual your favorite," sagot nito."Hija, welcome to our ancestral house, were my son born." ngumiti ito.

Ngumiti siya bilang pagalang.

Pagpasok nila masayang bumati ang mga tauhan doon pati sila Lena at Meme.

Isang masaganang umagahan ang pinagsaluhan nila at masigla ang lahat na pinagtataka niya, mukhang nag-celebrate ang mga ito.

Baka masaya lang ang mga ito dahil andoon ang nag-iisang anak ni Don Edwardo. Sa kwento ni Lena, limang taon nang wala ang ina ng binata dahil sa biglaang pagkakasakit nito na ikinalungkot ng binata kaya umalis sa bayang iyon at naiwan sa ama ang pamamahala ng farm na iyon.

Napalago ni Don Edwardo iyon at nagkaroon ng pinakamalaking share sa isang malaking company sa Manila at iyon ng pinamamahalan ngayon ng anak.

"Ma'am Era, pinapatawag po kayo ni Sir Hunter." si meme iyon.

Nasa may veranda siya at tinatanaw ang nagagandahang puno ng makopa sa paligid. Ang gandang tingnan ng mga iyon parang cherry blossom sa malayuan na kulay rosas at pula. Sa dulo bahagi naman ay puro mangga na kayang kuhanin at pitasin kapag tumapat ka sa puno.

Bigla siyang natakam doon at halos maglaway siya sa bunga na iyon.

"Meme, pwede bang makahingi ng mangga na iyon, tapos tuyo at asukal. Ayaw ko ng hinog." baling niya dito.

Bigla siyang pinawisan ng malapot dahil sa tindi ng pagnanais na makakain ng mangga.

"Sige po at kukuha lang ako ng tuyo at asukal. Tama po ba ako?" natarantang wika nito.

Tumango siya.

"Dala ka na lang din kutsilyo, mukhang mababa naman kaya kung nang pitasin. Pwede ba iyong malapit doon?" turo niya sa puning nasa dulo ng bahagi ng bakuran.

"Sige po,  hindi pa naman na lagyan ng gamot mga iyan. Kaya pwede pa, saglit lang po."

Maya-maya pa ay bumalik  ito dala ang pinapakuha niya at lumapit sa punong hitik sa bunga. Pimitas si Meme ng mangga ayon sa gusto niya at binalatan iyon.

"Baka sumakit tiyan ninyo, Ma'am Era. Masyado pang maaga." nag-aalalang wika nito.

"Hindi naman po siguro." ngumiti siya.

Maya-maya pa ay dumating ang binata at nakakunot ang noo nito.

"Andito lang pala kayo. And, what is this. . .so, early to eat that."

ONE WILD NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon