Hunter Avella, thirty two years old. Kilalang tagapagmana at may-ari ng pinakamalaking shares sa isang malaking company kung saan siya uupong bagong CEO at papalitan ang dating nakapwesto doon. First time niyang hahawak sa kompanya ng ama niya at kailangang kilalanin ang bawat empleyado doon. Kaya inatasan niyang ipadala sa bahay nila ang lahat ng folder kung saan makikita lahat ng credentials ng mga empleyado. At kahit weekend t-trabaho niya ang mga iyon at binasa. Halos nasa two hundred plus lahat mga empleyado at mukhang dito na siya tatanda dahil ang ama niya mismo ang nagtalaga sa kanya.
Nakatapos siya ng pag-aaral bilang isang piloto dahil ito ang pangarap niya noong bata pa siya, namana niya ito sa lolo niya na isa ring piloto noong kabataan nito, ang kaibahan nga lang private plane lang ang hinahawakan nito.
Nakapagtrabaho siya sa iba't-ibang airline company sa bansa at dahil sa tawag ng pangangailangan kailangan niyang bitiwan iyon. Sa kahilingan ng ama na asikasuhin niya ang negosyo nila kapalit ng isang private plane, masaya pa rin siya dahil suportado paa tin siya ng ama sa hilig niya.
Habang nag-train siya bilang isang CEO, inabala niya ang sarili sa pagpalipad ng sasakyang panghimpapawid na iyon para ma relax ang isip niya.
Binangsagan din siyang hottest bachelor in town, sanay siya na sinusuyo ng babae at walang nakakatanggi sa kanyang karesma. May flight attendant, model at iba pa na hindi niya pinalampas. Pero maingat siya at laging may dalang proteksyon. Just one night then go at pumapayag ang mga babae sa ganoon.
"Hey!" Biglang may yumakap sa likuran niya.
"Roxanne! Ano ginagawa mo dito?" Nasa isang golf area sila kung saan may ka-meeting siyang client.
"Hey dear! Dito ako nagtrabaho. Umbrella girl. You want to come with me again. I miss you."
Na-meet niya ito sa isang bar at humantong sa isang mainit na sandali. Pero hindi siya umuulit sa isang babae at hanggang doon lang iyon.
"What do you think, Hunter?" bulong nito sa tainga niya.
"I'm busy, right now. "
Naging malalim lang naging ugnayan nila dahil ito ang ginamit niya para tumigil ang mga babae na humahabol sa kanya. Pero may kapalit ito na isang property at bayad bawat galaw nito. Pero mukhang mahirap paalisin sa buhay niya ito dahil kung nasaan siya andon din ito.
Medyo nag-li-low muna siya sa mga babae sa ngayon dahil seryoso at puspusan ang pag-train sa kanya at gusto rin niyang naka-focus sa ginagawa. Panahon na siguro para pagbigyan ang ama dahil hinayaan siya sa gusto niya.
Muli siyang umiwas kay Roxanne ng humawak ito sa braso niya.
"Para naman akong may sakit sa kakaiwas mo. I miss you." muling hawak nito.
"Sir Hunter, nasa lobby na po ng ka-meeting mo. Andun na din po si Mrs. Jimenez." wika ng isang bodyguard niya.
Mukhang nakatunog ito sa gusto niyang mangyari.
Tinapik niya ito sa braso.
"Just in time. Let's go!" bulong niya dito."Excuse me, Roxanne."
At mabilis siyang umalis sa lugar na iyon. Nakita niya si Mrs. Jeminez na palapit sa kanya.
"Hi, Sir Hunter. Magandang araw po." yukod nito."Our meeting is cancel today as per his secretary. Re-scheduled daw po kapag pumasok ka na sa opisina sa lunes." magalang na wika nito.
"It's okey, yan na ba last meeting ko for today, Mrs. Jimenez?"
"Yes sir,"
"Okey, pwede ka ng umuwi and fix all things for monday."
BINABASA MO ANG
ONE WILD NIGHT
RomanceEmerald Manalo. Mas kilala siya sa pangalang Era. Isang babaeng ang puso ay laging bigo sa pag-ibig. Maganda naman siya. Iyon nga lang, mas gusto niya ang laging nasusunod. Because her boyfriends always wanted to take advantage of her. Iyon ang isa...