Isang haplos sa mukha niya ang naramdaman niya. Pakiramdam niya safe siya sa mga palad na iyon, niyakap ang unan at pinagpatuloy ang pagtulog para damhin ang magandang panaginip na iyon. Isang ungol ang lumabas sa labi niya ng pakiramdam niyang lumapat ang daliri sa labi niya.
"Sleepyhead, wake up," masuyong bulong sa tainga niya.
Bakit parang totoo iyon dahil sa nadarama niya ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg. Nakiramdam siya, alam niya nasa bahay na siya. Hanggang unti-unting inimulat ang kanyang mga mata.
Napakurap siya. Isang napaka-gwapong mukha ang sumalubong sa kanya, kilala niya iyon. Pero, bakit nandito ito. Muli siyang pumikit dahil sa antok, alam niya panaginip ito.
"Hmmm. . . inaantok pa ako," at muling bumalik sa pagkakidlip.
Hanggang biglang nag-sink in ang lahat. Bigla siyang napabangon at sa katarantahan nagkabanggaan ang noo nila.
"Ouch!" wika ng boss niya na halos panabay sila.
"Aray!" Hawak sa noo niya. "S-sir! Sorry, nakatulog po ako, uuwi na ba tayo?" inayos ang damit niya na halos tumaas hnggang hita niya.
"Tsss...bumangon ka na diyan at kakain na tayo." tumayo ito at saka lumabas na seryoso ang mukha.
Natapik niya ang noo niya.
Pasaway na panaginip iyon! Teka panaginip nga ba? Baka nga, mukhang galit na naman ang boss niya.
Mabilis na sumunod sa labas at natigilan siya na nakahain na ang mga pagkain sa mesa.
Ginawa ng binata lahat ng iyon?
Natakam siyang bigla sa mga pagkain at biglang tumunog ang tiyan niya.
"Let's eat."
Hinila ang isang upuan at binigay sa kanya.
Hindi siya sanay sa kinikilos ng binata at hindi maganda ang simula ng pagkikita nila at dahil dito muntik na siyang umalis sa trabaho. Pero ngayon kahit seryoso ang mukha ay parang mabait sa kanya.
"Kumain ka ng madami, kanina ka pa tulala. May masakit ba saiyo? Any problem?" natigilan ito sa pag-abot ng pagkain sa kanya.
Napaangat ang mukha niya.
"Wala po, ayos lang po ako."
"Kung gusto mo magsampa kaso sa lover mo nasa presinto siya." seryosong tumingin sa kanya at makikita doon ang galit sa mga mata.
"No need na po, basta huwag na siyang lalapit sa akin." napayuko siya.
Narinig niya buntong hininga ng binata saka tahimik silang kumain.
"Mukhang malakas nag ulan sa labas, magpatila na muna tayo. Mag-stay ka muna sa kwarto or seat beside me until the rain is gone." basag nito sa katahimikan.
"Sa kwarto na lang po, may maiitulong po ba ako sa ginagawa mo?" wika niya.
Tumitig ito sa kanya at ngumiti bigla ito ng may kapilyuhan.
"We are in the same roof and one room~"
Napanganga siya ng biglnag may nag-blink sa isip niya ang nangyari sa bar, ang hotel kung saan niya natagpuan ang sarili niya na nasa ibang kwarto. Bigla siyang napatayo at marahang tumalikod sa binata.
"Era! I'm sorry. What I mean is~"
Hinawakan ng binata ang braso niya at tila kuryente na muling gumapang sa buong katawan niya.
Kusang tumulo ang luha niya niya. Ni hindi nga niya kilala ang lalaking iyon tapos kanina lang ang ex niya, na alam niya na iyon din ang pakay sa kanya. Tapos ngayon ang boss niya na nagpapahiwatig sa kanya.
Bakit lahat sila ganoon sa kanya. Pakawala ba akong babae?
Naramdaman niya ang yakap ng binata sa kanya at hinagod ang likod niya.
"Hush, I'm sorry. I'm just kidding."
Bulong nito at halos hindi siya makahinga sa lakas ng tibok ng puso niya. Pero ayaw niyang pakinggan iyon.
Mali! Hindi na siya malinis at sa dami ng babae sa mundong ginagalawan ng boss niya imposibleng sa kanya ito magkagusto.
Oo! Nagkaktaon na laging nililigtas siya nito pero hindi ito kwento sa fairy tale.
"Busog na po ako and excuse me. . ."
Marahan niyang itinulak at nagmadaling pumasok sa kwarto saka iyon ni-lock.
Hindi siya galit, ayaw lang niya na magkaroon ng malisya ang mga bagay-bagay.
Muli siyang nahiga sa kama at pinilit na matulog at sa pag-gising niya wala na ang ulan para makauwi na sila.
******
Nakagising siya na malakas ang hampas ng hangin sa bintana, malakas ang kulog at kidlat. Mabilis na kinuha ang cellphone niya, pasado alas dose ng gabi. Bumangon siya at lumabas ng kwarto.
Tumingin siya sa salas naka-open ang laptop ng binata at nakahiga ito sa sofa na nakayap sa unan. Hindi halos magkasya angb katawan nito.
Tumingin siya sa paligid at mukhang iisa lang ang kwarto. Nakaramdam siya ng awa sa binata at nilapitan ito. Mukhang tapos na sa ginagawa at nakatulog sa pagod, ni-log out ang laptop saka nilapita ang binata. Sa sinag ng ilaw sa labas nasilayan niya ng malapitan ang gwapong mukha nito. Yakap ang throw pillow at nakatakip ang isang braso nito sa mukha at mahimbing na natutulog. Ito pa rin ang suot ng binata kanina pa.
Parang may naalala siya pero parang pamilyar ang senaryo nila ngayon. Hindi niya alam kung saan, basta parang nangyari na ito.
Deja vu! Pero binaliwala n alang niya iyon at marahang ginising ito.
"S-sir," mahinang taoik niya.
Ayaw niyang ilapat nag mga kamay niya sa balat ng binata dahil tila lgi siyang napapaso dito.
"S-sir, gising."
Nagmulat ang mata nito at tumitig sa kanya.
"Babe? What happened?"
Mukhang naalimpungatan ito at ang kita na yata sa kanya ay ang kasintahan nito. Medyo kumirot ang puso niya sa iniisip niya.
"Sir, gising na po ba kayo?" tinapik niya ng bahagya ang mukha ng binata. "Mukhang lalong lumakas ang ulan at malamig dito, doon na po kayo matukog sa kwarto para makapahibga kayo ng maayos."
"Are you sure? Kung dito ka matutulog huwag na lang. Bumalik ka na sa kwarto, okey lang ako dito.." muling niyakap ang throw pillow at muling pumikit.
"Malawak naman po ang kama pwedeng apat nag natulog doon kaya kasya tayo, I mean. . .pwede nating hatiin," kinakabahan man sa offer pero nasa witwasyon sila na kailangan mag-give and take.
Pagod ito at pakiramdam niya gustong nitong makapahinga ng maayos.
"Sure? Hindi ka na natatakot sa akin?" nag-aalalang tanong nito.
Ngumiti siya ng bahagya.
"Sorry po kanina, may naalala lang ho ako," napatungo siya.
" Then, let's go,"
Sumunod siya sa binata papasok.
Inayos niya ang kama at nilagyan ng unan sa gitna. Saka inabot ang isang kumot sa binata at humiga ng patalikod. Narinig niya ang mahinang halakhak ng binata.
Pinakoramdaman niya ito. Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo, mukhang naligo pa ito. Maya-maya pa ay lumabas ito, nanatili siya nakatagilid sa pagtulog at umusod sa kabilang dulo.
"Baka naan mahulog ka na diyan?"
Hindi na siya kumibo.
"Good night, Era."
Naramdaman niya ang paghiga nito sa kabilang gilid ng kama. Pero umabot ang preskong amoy nito at nanunuot sa ilong niya.
Maya-maya pa hinila na muli siya ng antok saka yumakap sa isang unan.
BINABASA MO ANG
ONE WILD NIGHT
RomanceEmerald Manalo. Mas kilala siya sa pangalang Era. Isang babaeng ang puso ay laging bigo sa pag-ibig. Maganda naman siya. Iyon nga lang, mas gusto niya ang laging nasusunod. Because her boyfriends always wanted to take advantage of her. Iyon ang isa...