Chapter 4

897 27 0
                                    

Sa tapat mismo ng boarding house nila ni Lindsey pumarada ang sasakyan nagmadali siyang bumaba para makaalis na ito.

"Thank you sir," wika na lang niya.

"Thank you Kuya Bert, tama po ba?"
wika niya sa driver.

Ngumiti ito at tumango.

"Ingat po kayo pauwi," dugtong niya.

Pagbaba niya nakita niya si Greg ang ex-boyfriend niya at hinawakan siya agad sa braso.

"Love, sorry noong nakaraang linggo," wika nito.

Inalis niya ang kamay nito na nangdidiri siyang bigla.

"Greg tapos na tayo di ba? At tuluyan mong tinapos nang hindi ka magpakita sa akin ng  isang linggo!" tulak niya dito.

" Love,sorry marami kase ako ginawa sa bahay at..." naputol ang sinabi nito.

Naramdaman niya ang isang malakas na pwersa na humapit sa beywang niya.

"Who's that guy Babe?" seryosong wika ng lalaki.

Napatingin siya sa mukha ng boss niya at nanatiling sersyoso ang mukha nito. Halos magkapalit na amg mukha nila ng lalaki kaya lumayo siya. Ngunit mas hinapit ang beywang niya.

"Go inside! And I will talk this guy. Good night, babe." mabilis siyang hinalikan sa labi.

Nabigla siya handang sisitahin at medyo naitulak ito sa bilis ng pangyayari pero nakita niyang sumadsad ang mukha ni Greg sa lupa hindi niya alam kung si Greg o ang paghalik ng lalaki ang uunahin.

Sa taranda niyakap niya ang boss niya at hinarang ang katawan para pigilan ito sa ginagawa.

"Anong ginagawa mo?" mariing wika niya sa Boss niya.

"I'll talk to him but my fist can behave," bulong na sagot ng lalaki.

Nakita niya ang nagbabaga nitong paningin kay Greg.

Nakita niyang tumayo si Greg at susugod pero nahawakan ng driver ng Boss niya.

"Umalis ka na lang kung gusto mo pa mabuhay!" bulong ni Kuya Bert pero dinig niya iyon.

Kinabahan siya  sa sinabi ng matanda. Saka niya nakita si Greg na pumiglas at inayos ang polo shirt saka sumakay ng motor at pinaharurot ng mabilis.

Lumingon siya sa boss niya at handang pagsabihan ito pero nanatiling naka-hang ang labi niya sa sinabi nito.

"Go inside...See you tomorrow," bulong nito at tumalikod sa kanya.

Mga lalaki talaga! Pero mabuti na yun na kunwaring boyfriend para hindi na manggulo si Greg pero nag hindi okey ang halikan siya ng kanyang boss.

May humila sa buhok niya isang hakbang mula sa hagdan ng pumasok siya sa boarding house.

"Hoy Bruha ka! Sino naghatid sa'yo? Bagong mangliligaw? Haba ng hair hindi man lang natakot magharap ng dalawa sa labas at gumawa pa nang eksena." Malakas na wika ni Lindsey.

"Aray  ko! Wala lang yun hayaan mo lang ng hindi na iyon manggulo,pahinga na muna ako at pagod ko saka na ako magkwento," wika niyang kinurot ito sa pisngi.

"Mukhang malungkot ka?" tanong niya dito.

"Mukhang may babae si Daniel,"  wika nito.

Nagtinginan sa knila ng iba nilang ka boardmate, lahat sila babae at parang magkapatid na sila doon.

"Ano resbakan na natin?" wika niya.

"Alamin muna natin," wika nito.

"Sabi ko na sayo break mo na walang kwenta ang lalaking yan hindi makuntento sa isa." ingos niya dito.

"Oo nga!" chorus ng mga kasama niya .

"Sige ito na lang nagpaalam siya sa akin na may attend na birthday sa Saturday night sa isang bar hindi ako sumama pero pupunta tayo at huhulihin natin siya kapag napatunayan ko ang tsismis, Break ko na siya," Mahabang wika nito

"Game kami!" sabayang bigkas na naman.

Siya lang hindi sumagot kase baka magkayayaan walang na siyang extrang pera. Mahilig talaga ang mga ito sa gala kung gabi iya lang minsan nag naiiwan sa boarding house nila.

"Ikaw hindi ka pwede mawala," wika ni Lindsey sa kanya.

" Pag-isipan ko pa, mauna na akong magpahinga sa inyo," wika niya.

"Sige, nga pala bukas ipakilala ni Miss Jiminez ang bagong CEO natin sana naman for life na siya diyan nakakasawang mag-adjust alam mo ba yun," irap nito.

Tumango lang siya at dumiritso sa kwarto niya. Malaki ang boarding house nila at may sarili sila kwarto kaya may privacy pa din sila.

Napahiga siyang bigla sa kama niya.
Binalikan ang nangyari maghapon. Ano ba nag nangyayari. Nggrrrrr...bakit nanakawan siya ng halik nito. Erase..erase..! Kinabahan siya sa naramdaman niya. Bakit may spark! Hindi maari ayokong ma-involve sa ganitong uri ng tao. Pero thanks at na-save nito ang tahimik niyang mundo.

Pero bakit humantong sa sapak ang lahat,Pwede naman tumulong pero bakit ganun?

Kinabukasan nakarating siya ng opisina ng mas maaga sa nakaugalian niya dahil may pinaayos na naman si Mrs. Jiminez ayaw na niyang pumalpak. Bago magdatingan ang mga kayrabaho niya naipasa na niyang lahat ito. Nang maging kompleto na ang lahat pinapasok sila ng conference.

"Era, halika ka na baka maunahan tayo ng chair sa bandang unahan tayo umupo. Gwapo daw at bata pa ang bago nting boss!" parang kinikiliti ito.

Umiling na lang siya pagpasok nila isa n lang upuan sa unahan.

"Linsdey ikaw na umupo," turo niya sa upuan.

"Ikaw Era saan ka uupo?" tugon nito.

"Okey lang ako sa giid, Sge na maunahan ka pa," ngumiti siya.

Biglang tumahimik ng mga tao sa paligid yung kaninang parang palengke sa ingay biglang takong n lang ni Mrs . Jiminez narinig niya. Nakita siya ng upuan sa likod at pinuntahan niya.

Mga ilang minuto ang lumipas nakita niya ang pamilyar na mukha ng lalaki, He has a good face features and muscular body with a sexy face expression. Ang lahat ay tumayo at nagbigay galang dito.Umikot ito sa may pwesto niya saka tumigil sa harap niya. Kinabahan siya sa uri nang tingin nito.

"Help Mrs. Jiminez to present our discussion today." Bulong nito at lumakad sa unahan.

Nagdalawang isip siya kung susunod siya nakita niyang kumaway si Mrs. Jiminez sa kanya. Nakita niya ang mga mata ng mga kababaihan na natuon sa kanya.

Lumapit na siya at nagsimulang mag-salita ang matanda.

"Good Morning to all, I will formal to announce you that Mr. Hunter Avella is our new CEO of Avella Contructions Inc.," umpisa nang ipakilala ito.

Isa ang company sa top list of high income sa time magazine. Kahit kinakabahan siya nakisabay siyang nakipalakpak sa lahat.

"Thank you Mrs. Jiminez! Today we continue all  posponed project and continue the legacy in terms of services and I have so many  plan to grow you better and also the company." wika nito.

Halos nakanganga na lang ng mga babae na katrabaho niya sa lalaki.

"...and thank you  for all the support and we will make our best to give it back to you." dugtong nito.

Mabait pala naman ito pero kaiba lang kapag nagalit. Pero hindi pa rin niya palampsin ginawa sa kanya. Oo tinulungan siya nito siguro gustong bumawi sa ginawa nito.

Marami pang sinabi ito pero walang nag-sink in sa kanya. Pilit niyang iniwas ang mga mata at blankong ekspresyon muli kaniyang pinakita.

Ayaw niyang isipin na katulad siya ng mga kasama niyang halos tumutulo na laway habang nagsasalita ito.

Ngumiti ito habang nakatitig sa kanya pero mabilis lang at muling nagsalita. Muling bumilis ang tibok ng kanyang puso. Gusto na niyang umalis sa pwesto dahil sa nararamdaman. Itinuon na lang niya ang paningin kanyang hawak na mga notes.

ONE WILD NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon