Halos dalawang araw pa nag tinaggal nila sa rest house at halos hindi sila nagkibuan simula ng mangyari ang eksenang iyon at muli silang bumalik ng trabaho.
Hindi na niya naramdaman ang presensya ng boss niya dahil walang report na pinagawa sa kanila si Mrs. Jimenez. Siguro nadala lang ito ng eksena dahil dalawa lang sila s Tagaytay.
Panay hikab siya sa trabaho halos isang linggo na rin naramdaman iyon kahit sapat ang tulog niya.
"Era, parang puyat ka lagi? Ano ba ginagawa ko at mukhang hindi ka natutulog?" Tapik ni Lindsey.
"Ewan ko ba, halika na kain na tayo. Gutom na ako." wala sa loob na sagot at yaya niya sa kaibigan.
Nakatitig lang ito sa kanya.
"Era, Five minutes pa. Hindi ba kumain tayo ng umagahan at snacks kanina, kailan ka pa naging matakaw sa pagkain?" nakangising wika nito.
"Ewan ko saiyo lahat na lang napapansin mo." inayos niya ang mga papeles mesa at kumuha ng pera sa bag. " Twelve na, halika na."
Hinila niya ito.
Pagdating sa canteen wala pang masyadong tao at sila pa lang. Napaaga nga sila. Kumuha siya ng chicken, gulay na repolyo at isang gulaman juice.
Halos nagmamadali niyang kainin iyon pero sumama ang timpla ng sikmura niya ng maubos ang pagkain.
"Lindsey, tapos ka na ba? Sumama sikmura ko." wika niya na halos maduwal na. "Nabigla yata sa.pagkain."
"Sinasabi ko na nga ba, sa dami ng pagkain mo hindi na ako nagtataka. Halika ka na." hinila siya nito at inalalayan.
Mabuti na lang at walang tao ang elevator at mabilis silang nakarating sa table nila. Walang tao sa loob dahil lahat nasa lunch out. Sila pa lang ni Lindsey ang naunang kumain sa canteen at halos takbuhin niya ang comfort room.
Nailabas niya ang lahat ng kinain niya. Hinang+hina siya sa kanyang naramdaman pero hindi pa rin tumitigil ang pagsusuka niya. Pumasok si Lindsey sa loob at inabutan siya ng tubig.
"Ano bang nangyayari saiyo? Dalhin na kita sa clinic?" nag-aalalang wika ng kaibigan.
"Hindi na, Lindsey. Pahinga lang ako kapag hindi pa rin nagbago hanggang mamaya mag-half day na lang ako." nanghihina niyang tugon.
Mga ilang minuto pa naging normal ang lahat pero nanghihina pa rin siya. Inalalayan siya ni Lindsey sa table niya.
Nakasalubong niya si Mrs. Jimenez.
"Anong nangyari at namumutla ka, Era? Hinanap ka ni Sir Hunter kanina, nakababa ka na pala sa canteen." wika nito.
"Naku nagutom po nang maaga tapos ngayon masama po pakiramdam, pwede po bang mag-half day siya?" wika ng kaibigan niya.
"Siya sige, kaya ba niya mag-isa pauwi? Ikuha mo ng taxi sa baba pero dalhin mo muna sa clinic para safe angbpag-uwi niya," nag-alala din ang matanda sa kalagayan niya.
" Sige po, ihatid ko muna siya sa clinic."
Mga ilang minuto pa nasa loob na siya ng clinic.
Isang nakangiing nurse bumati sa kanila at inasikaso siya. Kinuhaan ng blood preasure at temperature.
" Nurse, wait lang po. Iwan ko muna siya, may nalimutan lang ako sa mesa. Report na ipapasa ko sa accounting department." bigla naalala ito ng kaibigan nag report. " Balik ako po agad ako. Era, dito ka muna."
Tumango siya at lumabas na ito.
"Hi Miss Era, normal naman lahat ng test mo. May boyfriend ka na ba? I'm sorry to ask this, kailan ang last menstruation mo?" nakangiting wika nito.
BINABASA MO ANG
ONE WILD NIGHT
RomanceEmerald Manalo. Mas kilala siya sa pangalang Era. Isang babaeng ang puso ay laging bigo sa pag-ibig. Maganda naman siya. Iyon nga lang, mas gusto niya ang laging nasusunod. Because her boyfriends always wanted to take advantage of her. Iyon ang isa...