Chapter 20

648 20 7
                                    

Dahil sa nangyari nadagdagan ng isang buwan ang kanyang leave at halos tatlong araw na simula ng ihatid siya ng binata sa boarding house ng lumabas siya ng hospital. 

Puno lagi ng pagkain at prutas ang mesa nila at tuwang-tuwa ang mga kasama niya dahil doon.

"Pwede ka na ba magkwento sa akin?" wika ni Lindsey na naiwan sa harapan niya.

Maagang umalis ang mga kasama nila para pumasok.

Tumingin siya dito sa tagal na nila naging magkaibigan, alam naman niya namapagkakatiwalaan ito.

"I'm pregnant," iyon lang ang namutawi sa labi niya.

Saka siya nagkwento ng buo dito.

Nakita niya nag pag-awang ng mga labi ng kaibigan.

"Ibig sabihin, may nangyari sa inyo ni Sir Hunter noong gabing kinuha ka niya sa bar?" bulalas nito.

At biglang dumagundong ang mundo niya.

"Lindsey, ulitin mo nga sinabi mo?" halos hindi lumabas sa bibig niya."Lasing ako noon at wala akong matandaan na nagkita kami pwera na lang sa lalaking kasama ko sa condo na iyon ng magising ako pero umalis na ako habang naliligo siya at hindi ko nakita ang mukha niya."

Natigilan ang kaibigan niya.

"You mean. . .? Hindi mo kilala naka-one night stand mo?" nagulat pa ito. "Pero si Sir Hunter lang ang humila saiyo ng gabing iyon."

Umiling siya at bumilis ang tahip ng dibdib niya.

"Ma-late ka na Lindsey. Sige na at babalik na ako sa kwarto." nanghihinang wika niya.

"Sige na, kumain ka ng madami ah. Nagluto ako ng pagkain at may mga pinadala si sir na mga prutas at pagkain diyan." nakangiti ito at yumakap sa kanya.

Natutulalang nakatingin siya sa kaibigan at tuluyang lumabas.

Alam ng lalaki sa simula pa lang. Bakit wala itong nabanggit sa kanya.

Hindi niya maintindihan?

May isang katok sa pinto narinig niya,  nanatiling nakatingin siya doon. Naalala niya ang eksena noong isang linggo nang sumugod ang girlfriend ng boss niya. Nakaramdam siya ng kaba pero binaliwala niya iyon baka si Lindsey ang bumalik at may nakalimutan ito.

Binuksan niya iyon at muli siyang napaurong pabalik at napahawak sa maluwang na damit niyang suot.

"Hi, kamusta na pakiramdam mo at ang baby~"

His boss wearing office attire with a basket of fruits. Napaka-gwapo nito at masarap yakapin, sumabay pa ang natural na scent ng lalaki. Pero naalala niya ang sinabi ni Lindsey kanina.

Biglang bumalik ang galit niya.

"Sir, anong ginagawa ninyo dito? Simula ng ihatid ninyo ako dito tapos na obligasyon ninyo. Hindi mo na kailangan magdala at magbigay ng kung ano-ano pa. Salamat sa pag-extend sa leave at salamat sa lahat." kahit galit siya pinili niyang maging kalmado." Pwede na po kayong umalis. Salamat sa mga pinadala ninyo, sana po last na ito."

Tumalikod na siya pero tuluyan na itong pumasok sa loob at narinig niya ang pagsara ng pinto at bago pa siya makapasok sa kwarto niya naramdaman niya paghila nito sa kanya.

"Can we talk?"

"Sir, maayos na ako at wala na tayong kailangan pag-usapan pa."sagot niya.

"That night~"

"Sir, umuwi na kayo." Umiwas siya at pinutol niya sinasabi nito.

"Era, I know you are pregnant and it happened that night, remember?"

Tuluyan nang bumagsak ang luha niya.

"Hindi ko alam sinasabi ninyo,"

Lumapit ito sa kanya At niyakap siya.

"I know you can't remember me because of that drug."

Natandaan niya ang nangyari noong gabing iyon pero hindi niya namukhaan na boss niya ang kasama niya ng gabing iyon at alam niya na siya rin nag-umpis ng gabing iyon.

"Pasensiya na kung nakaabala ako. Pwede na kayong umalis at wala kayong pananagutan sa akin." tinulak niya ito.

At tuluyang pumasok sa kwarto.

Kaya pala pamilyar ang katawan ng lalaki noong gabing may nangyari sa kanila sa rest house nito.

Paano niya muling haharapin ang lalaki?

Baka nga na konsensya lang ito dahil sa pagsugod ng girlfriend nito sa kanya. Lalo na ngayon nalaman nito na buntis siya.

Isang bagay lang ang gusto niyang gawin, ang mag-resign at iwasan ito dahil ayaw na niyang maulit ang pagsugod ng babae sa kanya. Harapin na lang niya nag galit ng magulang niya.

Ilang araw ang lumipas at hindi nagparamdam ang boss niya. Pero mas mabuti na iyon para hindi na siya guluhin pa.

"Good morning, Era. Hanggang next week pa ang leave mo, baki nandito ka? Kumusta ka na?" Wika ng Hr nila.

"Good morning ma'am, mabuti naman po at medyo nakabawi na ng lakas." ngumiti siya at inabot ang puting sobre.

Nagtataka ito.

"What is this?"

"Regsignation ma'am, effective after my leave. I think hindi na magiging productive ang trabaho ko dito dahil sa kalagayan ko." malungkot niyang wika.

"Pero binigyan ka na ng company ng extended leave. Kung hindi pa maayos pakiramdam mo kakausapin ko sila to extend again."

Tumayo ito at hinawakan kamay niya. Napangiti siya, ito ang ma-miss niya ang mababait na mga katrabaho. Pero buo na loob niya, lalayo na muna siya.

Kinausap niya si Lindsey sa planong iyon at hindi na siya napigilan nito.

"Thank you, ma'am. Pero buo na po ang desisyon ko. Maybe, soon kapag maayos na ako at kailangan ninyo pa ng employee ay babalik ako."

Iyon na lang nag tanging paraan niya para makumbinse ito. Nakita niya ang lungkot sa mata nito at yumakap sa kanya.

Pagdating sa boarding house inayos ang gamit niya at saka inikot nag paningin sa paligid. Bukas niya balak umalis patungong probinsya at medyo madami ang gamit niyang dala, malungkot siyang iwan ang kwartong iyon na walong taon niyang tinuluyan.

Bagong buhay na hindi niya alam kung paano mag-umpisa lalo pa at buntis siya. After na lang manganak siya muling magtrabaho. Sapat ang pera sa bangko niya para sa panganganak at iyon ang mahalaga.

Napagod siya at muling humiga sa kama, inatayin na lang niya na dumating si Lindsey para sumabay sa hapunan nila.

Hindi pa naman siya nagugutom at mukhang pagod din nag baby niya at gusto rin matulog.

Hinimas niya ng impis ng puson niya. Hindi pa halata iyon.

Wala siyang pinagsisihan na nabuo iyon lalo na alam niya na ang ama nito ay galing sa isang matinong pamilya at  ayos na siya doon. Hindi na siya humihiling na panagutan siya nito at ayaw niyang habulin pa ito.

Mataas na tao ito at isang iglap lang kung ipipilit niya nag gusto niya ay kayang-kaya siyang patahimikin nito.

Mukhang wala sa bukabularyo nito ang seryosing relasyon lalo pa at naririnig niya ang pagiging palikero nito. Nakita niya kung paano magningning ang mga mata ng katrabaho niya sa tuwing dadaan ito ss department nila. Pero impokrita naman siya kung hindi niya aaminin na-attract din siya dito, ayaw naman niyang humantong sa pagpapakita ng motibo dito.

Napabuntong-hininga siya.

Hindi nga ba? Nakabuo na nga kayo?

Tila kinausap siya ng konsensya niya.

Naputol iyon ng bigla may bunagsak na kung anong bagay sa salas. Mabilis siyang lumabas at nakita ang dalawang lalaki na naka-bonet na may hawak ng baril. Sisigaw sana siya ng may biglang tumakip sa ilong niya at may pinaamoy na kung ano. Hanggang mawalan siya ng malay.

ONE WILD NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon