Nakagising siyang masakit ang katawan at halos hindi siya makabangon sa tindi ng pagod kagabi. Madaling araw na nga pala iyon.
Kinapa niya ang katabi niya pero wala ito at tanging unan na lang ang yakap niya. Kahit masakit ang katawan pinilit niya tumayo at tumingin sa orasan, alas dos na nang hapon kaya pala ang hapdi na nang sikmura niya. Ibinalot ng manipis na kumot ang katawan niya at hinanap ang mga damit na kung saan lang itinapon iyon ng binata. Halos hindi niya maihakbang ang paa sa sakit nang nadarama niya.
Muli siyang naupo sa gilid ng kama. Nakapa niya diin ang maayos na nakatuping damit niya at may maliit na note.
Eat the food, I'll prepared your breakfast. I'm in the office now, Nanay Nida go there. See you soon and we need to talk about last night.
Hunter
Nailagay ito sa dibdib niya at napapikit. Kaya ba niyang harapin ito? A one wild night again pero bakit familiar ang nangyari kagabi. Naipilig niya ang ulo niya.
Sinuot na niya isa-isa ang damit niya at inyos ang higaan na halos hindi mo alam kung saan naka-pwesto ang cover at unan sa ibabaw. Nang makita niya na ayos niya sa ipinusod ang buhok at lumabas ng kwarto.
Naamoy niya ang mabangong niluluto sa kusina, sinundan niya iyon.
"Magandang hapon po ma'am, ipaghain ko na kayo. Kanina pa tumatawag si Sir Hunter, nagtatanong kung gising ka na." nakangiting wika ng matanda.
"Nanay Nida po?" nahihiyang wika niya.
"Opo, galing po ako sa condo niya at pinahatid ako dito sa driver niya."
"Salamat po sa pagkain,"
"Ininit ko lang itong niluto ni Sir Hunter kanina pero may dinagdag akong isang ulam." ngumiti muli ito. " Salamat naman at mukhang may seryosong relasyon na ang alaga ko."
Nagulat siya sa tinuran nito.
"Bisita niya lang po ako at ako na lang po bahala mag-asikaso sa pagkain ko." nahihiya niyang wika.
"Imposibleng bisita ka lang, kilala ko ng alaga ko. Umupo ka na at ipaghain kita. May gusto ka pa ba idagdag sa kakainin mo?"
"Okey na po ito, samahan ninyo na po ako." wika niya at natakam siya sa pagkain.
"Naku, tapos na ako kanina pa. Sige lang at ayusin ko mga kalat sa lababo."
Tumango na lang siya at nagsimulang kumain.
Habang kumakain naisip niya nag nangyari kagabi. Bakit ba nadala siya at umabot sila sa sitwasyong iyon? Dala lang ba ng kanyang pagbubuntis o dahil unti-unti na siyang napapamahal sa lalaki.
Pero wala man lang itong reaksyon sa nalaman na hindi na siya virgin kagabi ng may mangyari sa kanila.
Nalilito siya o dahil sadyang walang pakialam ang lalaki kung sino ang gustuhin nitong angkinin. Pumutak na lang ang luha niya.
Dami niyang iniisip, sa isang iglap ay bigla na lang gumulo nag sitwasyon niya. Kapag pinaalam niya ang kalagayan at umuwi sa bahay nila siguradong itatakwil siya ng ama at ina niya dahil sa dinadala niya na walang ipapakilalang ama.
"Ma'am. Okey lang po ba kayo? Hindi ba masarap ang pagkain?" mula sa harapan niya.
Pinalis ng palad ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi.
"Nanay Nida, kapag nalaman po ba ninyo na buntis ang anak ninyo, itatakwil ninyo po ba?" malungkot na wika nito. "Huwag ninyo na po ako tawaging ma'am, Emerald po pangalan ko at Era ang tawag nila sa akin."
"Napakagandnag pangalan parang ikaw lang. Kung ang tanong mo sagutin ko, hingiin ko muna paliwanag saka ako mag-desisyon." wika nito na tumingin sa kanya. "Buntis ka na ba? Matutuwa ang alaga ko niyan." nanglalaki ang mga mata nito.
Mukhang mabait at maoagkatiwalaan naman ang matanda sa tingin niya.
"Opo, pero sana atin na lang muna ito." naiiyak na wika niya.
Prang wala siyang mapagsabihan kahit si Lindsey hindi niya nasabi baka husgahan siya nito. Yumakap siya sa matanda at doon umiyak hanggang gumaan ang loob niya.
"Masaya kung malaman ng alaga ang dinadala mo, malamang papanagutan ka niya. Saka masama ang umiiyak kapag buntis." hinamas nito ang likod niya.
Umalis siya sa pagkayap sa matanda.
"Nay, pasensiya na po pati nadamay sa kalungkutan ko." ngumiti siya.
"Ganoon talaga mga buntis, masyadong emosyonal kaunting hindi lang magustuhan, tampo agad. Ay, siya sige magpahinga ka na. Gisingin na lang kita mamaya. Ikaw ba ay may gusto pa kainin, Era? Tama ba banggit ko sa pangalan mo?" magiliw na ngiti nito.
"Opo, nay pwede po ba atin na lang muna ang sinabi ko?" nahihiyang wika niya.
"Naku, matutuwa pa nga si Sir Hunter niyan. Akalain mo sa dami ng kanyang mga naging girlfriend, ikaw lang ang nabuntis niya." natutop nito ang bibig. "Paumanhin sa nasabi ko, iyon naman ay nakalipas na. Sige, kung iyon ang gusto mo."
Muli siyang yumakap sa matanda at nagpaalam na.
Nang nakapasok na sa kwarto naalala niya sinabi ng matanda. Sa gandang lalaki nito marami talagang maghahabol dito at magkandarapa at malamang wala talaga itong balak anakan ang naging ka-relasyon nito. Sumakit ang ulo niya dahil naisip nag nagyari kagabi.
Naalala niya kahalikan ng lalaki sa opisina nito. Ito yata ang girlfriend ng amo niya.
Biglang lumiit ang mundo niya at ng kanyang boss. Ano na lang mukhang haharap niya dito? Sa isang iglap na darang siya sa isang sitwasyong lalong nagpaliit ng pagkatao niya.
Inabala ang sarili sa pagligo at saka muling natulog dahil ramdam pa rin niya ang pagod. Hinanap niya ang uniform na sinuot sa kahapon pero wal na ito sa paper bag, maging ang mga basura wala ma din, mukhang nakapaglinis na sa kwarto. Bagong palit ang cover ng kama at mga punda ng unan. Feel fresh at parang hinihila sa higaan.
Mabilis na pinatuyo ang buhok saka pumili ng isnag manipis na over sized t-shirt at saka kumuha ng maninipis na shorts.
Infairness, kasya lahat ng damit dito sa cabinet at mukhang sukat na sukat lahat. Nakita niya doon ang nakasabit na uniform niya na mukhang plantsado ng lahat.
Humiga sa kama at kinuha ang cellphone niya saka d-dial si Lindsey.
" Oy! Bakla! Asan ka na? Akala ko ba naka-leave ka. Bakit kagabi ka pa wala dito?" palatak nito.
Nagkwento siya ng pahapyaw sa kaaibigan.
"Oh my! Talaga? Ingat ka diyan," tili nito.
Hindi na siya siya nagsalita hanggang nagpaalam na siya dito at hilahin na siya ng tuluyan ng antok.
Isang haplos sa mukha at halik sa labi ang naramdaman niya pero dahil sa antok hindi na niya ito pinansin. Malamang panaginip lang iyon dahil wala naman mangangahas doon at mag-isa lang siya sa loob ng kwarto.
BINABASA MO ANG
ONE WILD NIGHT
RomanceEmerald Manalo. Mas kilala siya sa pangalang Era. Isang babaeng ang puso ay laging bigo sa pag-ibig. Maganda naman siya. Iyon nga lang, mas gusto niya ang laging nasusunod. Because her boyfriends always wanted to take advantage of her. Iyon ang isa...