Chapter 2

956 30 2
                                    

Mahinang kumatok bago siya pumasok sa loob ng opisina  ng bago nilang Boss. Wala ito sa table at nanatili siyang nakatayo sa may pintuan ayaw niyang pumsok dahil wala namang tao sa loob.Naisip niyang ibigay na lang  kay Mrs. Jiminez ang folder. Muli niyang isinara ang pintong hindi naman naka-lock.

"Come in!" malakas na boses na galing sa comfort room at tila isang hari ang lumabas. Ang gwapong mukha nito na parang walang bahid ng kabaitan sa katawan dahil sa titig nito na para siyang kakainin ng buhay. Napaatras siya at kinabahan siya sa uri ng pagsigaw nitong boses at mabilis na pumasok sa loob saka nakayukong inabot ang folder na dala.

"Sir, ito po ang report na pinabigay ni Mrs. Jimenez," wika niya na nakayuko pa din ayaw niyang tingnan ang mukha  dahil sa takot na makita ang galit sa mga mata nito dahil sa late na pagpasa ng report at yun ang kahinaan niya ang mapagalitan ng mga Superior.

Narinig niya ang pagbuklat ng mga pahina nito at muling nagsalita.

"I don't want to check this! It's to late and I have meeting right now!" malakas na boses nito saka binagsak ang folder sa sahig.

Nagkalat ang mga papel napaatras siya at nagmamadaling pinulot ito.

"Get out! Call the janitor and clean this mess!" wika nito na kinuha ang blazer at tinawag ang driver saka umalis.

Napanganga siya habang ng dumaan sa harapan niya. Napaka-gwapo  nito pero masama naman ugali.. Biglang kumabog ang dibdib niya ng titigan siya nito.

"What did you do? Get lost! I don't need the  employee like you!" malakas na sigaw ng lalaki.

Malamang narinig iyon ng mga katrabaho niya sa labas dahil bukas ang pinto.

Bigla siyang nanliit sa sinabi nito at dahil hindi niya mapigilan ang luha biglang pumatak ito ng hindi niya inaasahan.

"Sorry po naging busy ako sa pagsagot sa emails but this report finished already," wika niya na yumuko na lang.

"I don't care! Do what I want!"

"Sorry po," wika niya.

Wala siyang nakuhang sagot mula sa lalaki. Tumalikod lang ito at ibinigay ang susi sa driver.

Nanatili siyang nakatayo sa loob ng opisina nito hawak-hawak ang pinulot na mga nagkalat report.

Pinaghirapan niya itong tapusin tapos itatapon lang nang ganun.

Naramdaman niya ang paglapit ni Mrs. Jimenez. Tila bumait ang mukha  sa kanya.

"Anong nangyari Era?" mahinahong tanong nito.

Umiling siya at inabot ang report sa Supervisor niya at saka umalis.

Napaawang ang bibig nito at muli siyang sinundan.

"Miss Manalo tinatanong kita," tawag ni Mrs. Jiminez

"Last day ko na po ngayon," wika niya na inayos ang gamit.

"Ano? Teka lang Era baka na tyempuhan mo lang na galit siya at nagmamadali," wika nito.

Tumingin siya dito. Kung aalis siya at mag-resign  saan siya kukuha ng pera pangsimula ulit.

"Huminahon ka Era, mawawala din ang galit ng batang yun, kilala ko siya mainit lang ulo kapag ganon, kalma mo lang sarili mo diyan at ako na magcheck ng report," wika ni Mrs Jiminez.

Umiling siya at inayos ang mga gamit niya. Saka tumayo at lumabas ng building.

Nang nasa elevator na siya tumunog cellphone niya.

Mrs. Jiminez ang tumatawag. Sinagot niya iyon ayaw naman niyang bastos dahil ang nagpaalis naman sa kanya ay ang boss nila.

"Yes po?" wika niya.

ONE WILD NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon