Kinabukasan araw ng sahod lahat nang mga kasama niya ay nagplano na kumain sa labas at mag-unwind pero siya busy pa rin sa ginagawang report hindi naman importante pero gusto niyang tapusin ito.
"Kumusta Era? Wala ka bang balak sumama sa amin ngayon? Aba'y tuwing sahod lagi ka tumatanggi ah!" wika ng isang kasama.
"Okey lang ako dito at alam ninyo naman na may pinag-iipunan ako kapag tapos na iyon saka ako sasama sa inyo." sagot niya.
"Sige pero bukas huwag kang mawawala at susugod tayo sa giyera!" kindat nito.
Oo nga pala sabado na bukas, sa isip niya.
Binuksan niya ang messenger niya at tiningnan ang invitation na gagamitin nila para makapasok ng birthday party.
"Wear your wildest dress" mula sa qoutes na nabasa sa piraso ng papel.
Napatapik siya sa noo.
Bakit hindi niya nabasa agad ito?
Para makatangi siya. Problema hindi siya nagsusuot ng mga ganoong damit.Bakit may dress code pa? inis na ipinasok sa drawer ang invitation card.
Mamaya pagdating ni Lindsey sa boarding house aatras na siya at kakausapin na lang niya nag Daniel na iyon kapag nagkita sila.
Biglang tumunog ang cellphone niya.
"Fix your things. I"ll be there at ten minutes," mula sa unknown number.
Naisip niya na wrong send lang ito marami nang nangyayaring ganoon, madalas sa mga kaibigan niya. Binura ang message at pinatong ang cellphone sa mesa at pinagpatuloy ng ginagawa. Muling tumunog ito at same number lang ang nagtext.
"Five minutes left. Why you don't fix your things?" mula sa text messages.
Naalarma siya at tumingin sa ibang table. Napansin niya na siya lang pala ang naiwan sa department nila.
Kinabahan siya dahil iba pakiramdam niya.
May multo ba?
Mabilis na inayos ng mga gamit at nag-save nang-file sa computer.Nang makita niyang malinis na lahat kinuha ng hand bag at lumabas.
Napaurong siya ng makita sa pinto ang boss niya. Hindi niya alam kung paano ito i-approach naisip niyang batiin at magpaalam.
"Magandang gabi po, mauna na po ako," tumungo sabay mabilis na humakbang palabas.
Baka mapansin ang panginginig ng kanyang kamay at labi.
Ewan ba niya wala nman aircon pero parang ang amig.
Mukhang fresh pa rin ito sa maghapong trabaho at parang mag-uumpisa pa lang ang araw sa hitsura nito. Sinipat niya ang muscle na parang sagana sa gym pero hindi naman kalakihan,sakto lang pero hindi papahuli sa mga model na nakikita niya. Napakalinis nitong tingnan pero ang awra nito isang suplado at mailap kung tumingin feeling niya kapag nagkmali siya ng kilos may paglalagyan siya. Dapat ang Secretary nito si Miss Minchin parehong strikto at masungit.
"One minute late, I told you ten minutes left but you ignored it!" hila nito sa braso niya.
Nainis na naman siya. Bakit hindi pa umuwi ito at magpahinga na pati ba naman kilos noya titingnan nito. Naalala niya may mga CCTV nga pala bawat department.
"Sir, Akala ko wrong send lang maybipag-uutos pa kayo?," iniwasan niya ang tingin nito parang mas lalong lumalakas ang appeal nito sa paningin niya.
"Ikaw na lang naiwan dito sa opisina lahat sila nakaalis na wala ka bang boyfriend na susundo sayo or hindi ka sumama sa unwind nila?" wika nito na seryoso ang tingin.
Susundo ba kamo? Bulong niya.
Umiling siya.
"May tinapos pa po ako at hindi ako sanay sa night life," wika niya.
"Then, let's dinner before you go home," sagot nito nakasandal ito sa hamba ng pinto at nakapamulsa.
"Thank you pero pauwi na rin ako Sir at sa bahay na lang ako kakain.," wika niya.
"Hindi ako tumatanggap ng thank you unless you do what I want," sagot sa kanya.
Saka siya hinawakan sa kamay at hinila papasok ng elevator.
" Isipin mo na lang na bayad ka na sa akin dahil hindi ka na guguluhin ng boyfriend mo," wika nito na hunarap sa kanya habnag nasa elevator sila.
Humalukipkip siya at tumingin dito.
So, samahan niya itong kumain at siya ang magbayad para makabawi siya dito pwede naman kung sa kwek-kwekan lang niya dalhin ito yun lang budget niya pero mukhang hindi ito kumakain sa ganung lugar.
"Meron akong alam kung saan magandang kumain," wika nito.
"Payag na ako kumain tayo sa labas pero baka buong sahod maubos sa restaurant na yan sir," wika niya.
Tumawa ito at pinapasok siya sa tabi ng driver. Nang makaupo na hinanap niya ang driver hanggang bumukas ang pinto at mukha ng boss niya ang nakita niya.
"Asan po si Kuya Bert?" tanong niya.
"On leave for one week," nilagay seatbelt saka bumaling sa kanya isinuot ang seatlbelt sa kanya.
Nabigla siya sa ginawa nito. Pero bakit may kilig at hinyaan niya ito.
"Ready Babe?" wika nito na ngumiti sa kanya nasa mood yata ang taong ito. Hindi niya makita kung nagbibiro o seryoso ito.
Sa lakas ng tibok ng puso niya parang gusto niyang malusaw sa kaba. Ano ba itong boss niya masyado namang mabilis ang mga galaw, ganito ba talaga sa mga babae ito?
Napalunok siya ng dumapo ang kamay nito sa braso niya.
Ano ba sasagot niya? Naghahabulan na ang kaba sa dibdib niya at nanatiling nakatikom ang labi niya.Alam niya na nang-aasar lang ito. Gusto niyang buksan ang pinto ng sasakyan at huwag na lang sumama dito. Pero dahil sa kagustuhan niya na makabayad sa atraso niya dito hindi na lang tinuloy ang binabalak. Narinig niya na bumukas nag mkaina ng sasakyan.
Isang malalim na buntong hininga pinakawalan niya ngayon lang siya naka-encounter ng ganito. Teka lang naisip niya na na attract ba siya dito? Isang peligrosong nararamdaman ito kailangan niyang lagyan ng space ang pagiging boss at empleyado nila.
"What's your thinking?" baling sa kanya nito.
"W-wala ka ba ibang driver sir? Bakit nag-drive kang mag-isa?" nataranta niyang sagot.
Napakunot noo ito.
"Ilang driver ba ang kailangan sa kotse?" seryosong sambit nito.
Napanganga siya.
"I-isa lang po," baliwang sagot niya.
"Siguro naman na sagot ko na tanong ang mo," at seryosong tumutok ang mata sa daan.
"I-i mean, Bakit ikaw ang nagdrive?Wala bang magdrive sayo kung mag-leave ang isang driver mo sir?" wika niya.
"Si Bert lang ang gusto kung driver, So, I decided to drive alone," tipid na sagot.
Tunahimik na lang siya.
BINABASA MO ANG
ONE WILD NIGHT
RomanceEmerald Manalo. Mas kilala siya sa pangalang Era. Isang babaeng ang puso ay laging bigo sa pag-ibig. Maganda naman siya. Iyon nga lang, mas gusto niya ang laging nasusunod. Because her boyfriends always wanted to take advantage of her. Iyon ang isa...