Lumipas ng isang linggo tahimik ng mundo niya dahil hindi pa rin dumating boss nila. Tuluyan na din naging normal ang sistema ng katawan niya at pinilit na kalimutan ang pangyayari sa bar.
Bandang alas sais naghanda na siyang umuwi, naunang mag-out si Lindsey dahil may pupuntahan ito. Malayo pa lang sa sakayan ng jeep natanaw n aniya nag pamilyar na mukha ng isang lalaki at may dalang bulaklak.
"Hi Era! For you," wika nito ng makalapit siya.
Medyo nag-init ang ulo niya sa dalang nitong bulaklak.
"Greg, ilang beses ko na sinabi sayo na tapos na tayo diba? Tigilan mo na ang lahat ng ito!" mariing sambit niya.
"Era, ilang beses na akong nag-sorry di ba, ano bang gusto mong gawin ko para maayos natin relasyon natin?" madilim ang mukha nito mas madilim pa sa kalangitan.
Minalas nga naman wala pa naman siyang payong dahil mukhang uulan pa.
"Greg, wala ka nang aayusin pa, dahil ayoko na! Mahirap bang intindihin iyon?" inis na wika niya.
May ilang mga tao na nakatingin sa kanila.
"Bakit! Dahil ba sa lalaking naghatid sayo?" wika nito na nag-iba ang awra ng mukha. Ngayon lang niya nakita ang anyo nito parang handang manakit.
Hinawakan nito ang braso niya at pumara ng taxi saka pilit siyang sinakay.
"Ano ba! Hindi ako sasama sayo!" tinulak niya ito.
"Tignan natin kung saan pupunta nag pagmamatigas mo, Era!" wika nito.
Nakakatakot ang itsura na parang wala na sa katinuan.
"Mamang driver umalis
na kayo baka madamay ka pa!" wika niya sa diver kahit takot na takot na siya.Nakita niyang umalis ito palayo saka
siya lakad takbong lumayo kay Greg, ang bulaklak na dala nito ay iniwan na lang sa tabi at hinabol siya. Sa sobrang taranta niya kahit sino na lang pinara niyang sasakyan.Isang rumaragasang sasakyan ng huminto sa harapan niya.
"Get in!" boses mula sa loob.
Nilingon niya ang lalaking humabol sa kanya eksaktong sarado ng pinto nang narating ito ng lalaki. Napapikit siya at napasiksik sa loob ng sasakyan.
Isang malakas na pagsara ang narinig niya, sa isang iglap nakita niyang bumagsak si Greg sa semento. Napaawang ang labi niya ng makita kung sino ang may-ari ng sasakyan.
"Sir Hunter!" wika niya at lumabas siya mula sa sasakyan.
Isang malakas na kabog sa dibdib ang naramdaman niya.
"Stay inside! I'll just teach him a lesson!" mariing wika nito.
Hindi siya nakakilos sa sinabi nito at nakita niyang dinampot ito ng mga security guard.
"Call the police and turn over this b"stard guy!" narinig niya mula dito at muling pumasok sa sasakyan.
Napapikit siya at nanginginig sa takot.
"Are you okey?" mukhang nag-alala ito sa kanya.
"I'm okey, sir." medyo nanginginig ang boses na sinagot ito.
"Calm down," saka siya niyakap ng lalaki
Doon niya naramdaman ang panghihina niya at bigat ng naramdaman kaya hindi niya namalayan ang mahinang pag-iyak niya.
Bakit hindi na lang tanggapin ng lalaking iyon na wala na sila. Sana naman ay patahimikin na siya, doon na lang siya sa babae niya. At hindi na niya ito mahal.
"Hush! Let's go home." haplos ng kanyang boss.
Napaangat ang mukha niya.
"Sorry po, nadumihan ko yata ang damit ninyo." wika niya at mabilis na pinalis ang luha sa mga mata niya.
"Here!" inabot ang panyo sa kanya.
Atubili niyang kinuha iyon.
"Salamat po," saka inabot.
Naramdaman niya ang pag-andar ng sasakyan. Hindi niya alam kung saan sila pupunta basta ang alam lang niya, makalayo sa lugar na iyon.
Mula sa madaming sasakyan na nakikita niya sa daan hanggang sa unti-unti nawala iyon. Mga puno at umakyat pataas ng bundok ang sasakyan nila.
Lumingon siya sa boss niya.
"Relax, ma-enjoy ka view dito." seryoso pero ngumiti ito ng bahagya.
Isang lugar na tahimik at halos mga puno lang makikita. Dahan-dahan lang ang takbo ng sasakyan hanggang matanaw niya ang isang bahay na classic ang design sa gitna ng luntiang palagid na iyon. Bumaba ang boss niya at pinagbuksan siya ng pinto.
Inabot nito ang kamay niya at iginiya papasok ng bahay. Tila kuryenteng gumapang ang init ng mga palad nito sa katawan niya ng bahagyang pisilin nito ang kamay niya.
Pero binaliwala niya iyon.
"Thank you po pala kanina. . ."
"Anong kailangan pa saiyo ng lalaking iyon?" walang emosyon na wika nito.
Umiling siya.
"Wala ho akong ideya." sagot niya.
Kumuha ito ng tubig at inabot kanya.
"Pwede kang magpahinga sa silid iyon. May mga gamit doon, ikaw na ang bahalang pumili." wika nito na inalis ang necktie. " Tapusin ko lang mga reports ko bago tayo umuwi. Are you okey?"
Tumango siya.
Lumapit ito at hinaplos ang mukha niya at tumitig sa kanya. Parang may gustong sabihin pero mas pinili na tumalikod sa kanya. Napaawang mga labi habang nakatitig sa likod nito na palayo sa kanya at nilabas nito ang laptop saka walang kibo na nagsimulang magtrabaho.
Napakasungit talaga! Bulong sa sarili.
Nilingon niya ito pero seryoso nakatutok sa ginagawa. Dalawang beses na siyang niligtas ng binata at nagpapasalamat siya doon kahit sobrang perpekto at sungit nito ay may kabaitan din naitago sa loob.
Biglang umangat ang mukha nito.
"Anything else?"
Napahawak lang siya ng mahigpit sa baso na hawak niya.
"Are you hungry?"
Halos walang salita siyang nasagot sa mga tanong nito dahil sa pagkabigla. Nakita niya pag-iling ng ulo nito.
"Fix yourself and in a minute our food arrive." seyosong wika nito.
"Ah, sige po. Excuse me."
Natarantang pumasok sa kwartong tinuro ng binata, tumingin siya sa labas mukhang madilim na.
Naka-uniform pa siya.
Pagpasok niya sa kwarto inikot niya paningin sa bawat sulok at inamoy ang preskong amoy ng kwarto na tila bang sinadyang linisan iyon, nakita niya ang kama na kay sarap higaan parang ngayon niya naramdaman ang pagod. Ibinaba niya sa gilid ang bag at kinuha ang towelnsa ibabaw ng kama. Nahihiya pa siya pero nakita niya ang mga damit pangbabae sa kwartong iyon.
May mga babaeng dinadala dito ang binata?
Hanggang pumasok siya sa bnyo halos bagong kagamitang pambabae ang makikita doon. Pinilig noya ang ulo, pinagamit lang siya ng kwartong iyon kaya ano pang-arte niya. Mabilis na nag-hot bath at nagpalit ng damit na nakalagay na sa kama. Lahat sakto sa kanya pati underwear, mukhang hindi pa nagagamit ang mga ito.
Nagkataon lang siguro ang lahat.
Inayos ang uniform niya at nilagay sa isang paper bag na nakita sa closet saka itinabi sa bag niya.
Pagkatapos humakbang siya palapit sa pinto at tonanaw ang binata. Mukhang busy pa ito at hindi pa umangat sa pagkakaupo simula kanina. Muli niyang sinara ang pinto, mamaya na siya lalabas kapag tinawag na lang at hindi siya komportableng kaharap ito ng matagal.
Hinawakan ang cellphone at humiga sa kama.
Maya-maya pa ay nakaramdaman siya ng antok. Pinipilit niyang huwag pumikit pero parang pinapaypayan ang mata niya hangggang makatulog na siya.
BINABASA MO ANG
ONE WILD NIGHT
RomanceEmerald Manalo. Mas kilala siya sa pangalang Era. Isang babaeng ang puso ay laging bigo sa pag-ibig. Maganda naman siya. Iyon nga lang, mas gusto niya ang laging nasusunod. Because her boyfriends always wanted to take advantage of her. Iyon ang isa...