Chapter 7

820 24 8
                                    

Mabilis lumipas ang tatlong linggo hindi niya nakita ang binata. Kwento ni Mrs. Jimenez out of country ito. Nakaramdam siya ng lungkot dapat matuwa siya dahil wala ito. Bakit parang nawalan siya ng gana sa bawat araw na wala ang binata.

Maaga siyang umuwi at hindi na nag-over time.

"Era, binili ko para sayo," wika ng kaibigan.

Kasalukuyang nasa bahay sila at katatapos lang kumain.

"Ano ito?" wika niya na tiningnan ang paper bag.

"Buksan mo!" sabay-sabay ng mga kasama niya.

Natawa siya sa reaksyon ng mga ito.

Inilabas niya ang laman ng paper bag at tumambad sa kanya ang black body fit na dress tantiya niya abot ito sa hita niya, backless ang likod at halos walang itago ang kanyang hinaharap.

Ibinalik niya ang damit sa paper bag.

"Hoy! Lindsey, ano ito?"

Sa buong buhay niya hindi siya nag susuot ng damit na halos lumabas na katawan sa liit ng tela na iyon.

"Baka nakalimutan mo bukas na ang party na pupuntahan natin!" nakapameywang na sabi nito.

Napaisip siya, oo nga pala!

Party na hindi naman sila invite susugod lang sila para hulihin nag boyfriend n kaibigan.

"Kapag hindi ka sumama, ikaw ang magbabayad ng boarding house natin buong taon!"

Nakapameywang pa rin si Lindsey at seryoso ng mukha.

Umandar na naman ang kakuriputan ng kaibigan niya.

Kilala niya ito kapag sinabi niyang ganon wala magawa or else aalis ka ng boarding house na iyon.

"Oo na! Pero hindi ako magsusuot nito."

"Ano susuotin mo sa party? Uniform?" Taas ng kilay ng kaibigan..

"M-Meron na akong Jeans at Crop Top diyan pwede na iyon," nautal na sagot.

"Ikaw lang naiiba sa party baka patalsikin ka ng mga guard doon o hindi ka papasukin," wika ng isang kasama nila.

"Ewan ko sa inyo! Panalo na kayo!" taas ng kamay niya.

Kung hindi lang kay Lindsey hindi niya gagawin bagay na iyon. Gusto niyang mamulat nag kaibigan sa pagiging martir nito.

Highland Resto Bar, binasa niya ang signage na iyon. Isang maliwanag na ilaw ang sumalubong sa kanila nang bumaba sila ng sasakyan.

Mukhang  mayayaman ang customer at  maraming parokyano siyang nakikita. Napatingin siya sa mga kasama napakagaganda ng mga ito sa suot. Samantalang siya gusto niyang takpan ang naghuhumagalpos niyang dibdib, hundi naman malaswang tingnan pero dahil hindi siya sanay sa ganitong kasuotan parang gusto ng mg back out.

Pagkapasok nila sa loob, humanap sila ng isang pwesto na kita ang lahat ng  pumapasok medyo maaga sila nakarating kaya nakapili sila ng upuan banda sa harapan.

Wala silang kakilalang mga bisita kaya sila na lang ang nagkwentuhan habang wala pa ang karamihan.

Hanggang umingay ang paligid at samahan pa ng malakas na tugtog, dumami na rin ang mga tao. Nakita nila ang birthday celebrant pero syempre dito lang sila kabilang sulok kase hindi naman nila kilala. Marami pa rin ibang customer dahil hindi lahat occupied ng party at nagmistulang isang malaking bulwagan ang makikita gitna.

Tumingin siya sa itaas may ilang mga tao doon at mukhang pang-VIP. Muli siya nagmasid sa paligid feeling niya may nakatingin sa kanya  hinanap niya pero wala ni isa siyang nakita halos abala sa pag-inom. Nag-umpisa na ang kasayahan pero wala pa ang iniintay nila hanggang may lumapit sa kanilang waiter at binigyan sila ng inumin.

ONE WILD NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon