Chapter 21

681 20 7
                                    

Nakagising siya sa isang malawak na kama at maayos siyang nakahiga doon. Napabalikwas siya ng bangon at mabilis na tumanaw sa bintana. Mula doon makikita mo ang isang malawak at asul na dagat.

Hinawakan niya ang katawan kung may nagbago pero mukhang wala naman.

Binuksan niya ang pinto, bukas iyon at sumalubong sa kanya ang malakas na hihip ng hangin. Tumingin ulit siya sa kabuuan ng kwarto, nandoon lahat ng gamit niya bumalik siya sa loob at hinanap ang cellphone pero wala ito doon. Kahit na kinakabahan lumabas siya ng kwarto, two storey iyon at ilang baitang pa para mqrating ang malawak na salas.

Napakalawak ng bahay na iyon at eleganteng tingnan mukhang buhay hari at reyna ang nakatira dito.

Bakit ba siya napunta dito? Asan ang mga tao at dumukot sa kanya? Si Roxanne ba?

Ganito ba kayaman ang babaeng iyon. Nasa gitna na siya ng hagdan pero mukhang mahaba pa ang lalakarin niya. Mula sa gitna napatingin siya sa isang malaking chandelier na kumikinang sa ganda. Para siyang nasa exclusive hotel na mas maganda pa yata sa isang casino hotel sa Manila.

Tumingin siya sa baba, mas maganda ito at halos mamahalin ang kagamitan doon. Muli niyang pinagpatuloy ang paglalakad.

Nagulat siya ng may nakasalubong siyang naka-unipormeng matandang babae.

"Ma'am Emerald, gising na pala kayo. Ipaghain ko na kayo. Sumunod po kayo sa akin." nakangiting wika nito."Ako nga pala si Lydia, katiwala ng bahay na ito."

Yumukod sa kanya saka tumalikod na ito. Mukhang mabait naman at maasikaso.

"Teka lang ho, nasaan lugar tayo at sino ang nagdala sa akin dito?" naguguluhan niyang wika.

Tumigil ito sa paglakad at humarap sa kanya.

"Siya na lang po siguro tanungin ninyo kapag bumalik. Sa ngayon ma'am kailangan ninyong kumain muna at magpahinga." may pag-alinlangang wika nito at pinagpatuloy ang paglakad.

Sumunod siya sa kusina at nakita niya ang kahabaan ng dinning table parang isang malaking pamilya nakatira dito pero iisa pa lang ang taong nakikita niya. Naisip niyang tumakas mula dito pero hindi niya alam kung anong lugar ito.

Imbis na pumasok siya ng dinning area, lumabas siya patungo sa may mini garden ng bahay na iyon at dumiritso siya ng gate.

Bahala na, yung gamit niya nasa kwarto at wala siyang dala kahit ano. Medyo malapit na siya sa gate nakita niya ang isang gwardya doon. Patay malisya siyang nilampasan ito pero hunarangbito sa daraanan niya.

"Ma'am, magandang araw po." Nakangiti ito. "Bumalik na po kayo sa loob medyo mainit na po kung gusto ninyong mag-ikot sa loob ng resort sa likod po mas maganda."

Mukhang walang balak na siyang palabasin nito . Tumingin siya sa taas kung nasaan ang kwarto niya at sa likod na bahagi kung saan tinuturo ng gwardiya, meron din gwardya doon.

Paano siya makaalis ng lugar na iyon. Hindi niya alam kung nasaang lupalop na siya ng Pilipinas.

"Ma'am Emerald, andito lang pala kayo. Naku, pinakaba mo ako akala ko kung nasaan ka na. Nakahain na po, halina na po kayo." magalang na wika nito.

Medyo kumalam na sikmura niya.

"Nasaang lugar ho ba talaga tayo?"

Ngumiti ito

"Subic, Zambales ma'am. Kagabi pa ho kayo nandito sakay ng helicopter. Wala nga ho kayo malay pero na check na po kayo ng doctor. May masakit pa po ba sa inyo?" nag-aalalang wika nito.

Umiling siya.

Kailangan ba niyang kabahan? Bulong sa sarili.

"Siguro napagod lang kayo sa biyahe."

Inalalayan siya nito papasok sa loob. Doon niya nakita ang ibang nag-t-trabaho sa loob ng resort na iyon. Sa tantiya niya mga lima iyon, umupo siya at nagsimulang kumain.

Halos dalawang araw na siya sa resort na iyon pero walang magkapagsabi kung sino nagdala sa kanya doon. Madalang na siyang lumabas dahil wala naman siyang ibang maikutan, malawak nga ito pero mga security guard naman ang makikita na nakabantay sa mga gate ng resort na iyon.

Gabi na naman at parang mabubuang na siya kapag tunagal pa siya dito. Muli niyang hinanap ang cellphone niya sa mga gamit niya pero wala iyon doon. Hanggang mapagod na siya.

Humiga siya sa kama at matamang nakatitig lang sa puting kisame. Bumaling sa orasan nakita niya alas nuebe na iyon ng gabi. Tumayo siya at pinatay ang ilaw saka nagsimulang sanayan ang sarili na matulog ng ganoon kaaga.

Wala siyang makuhang sagot sa mga tauhan ng bahay na ito hindi niya magawang tumakas dahil sa higpit ng bantay ng mga gwardiya sa labas.

Hanggang may narinig siyang isang tunog ng sasakyan mula sa roof top. I think, helicopter iyon. Mabilis na inayos ang sarili hanggang marinig niya ang mga boses sa labas.

"Clear the area and come back next week." wika ng malagong na boses.

Hindi niya alam kung sino iyon at kung sino ang sinasabihan nito.

"Bye, boss. Enjoy your vacation here." mula pa rin sa malagong na boses.

Narinig niya ang paglabas at pag-alis ng isang sasakyan. Kinabahan siya halos mga lalaki ang nakikita niya at hindi lang lima, sa tantiya niya nasa sampu lahat iyon.

Mas lalo siyang kinabahan ng may bumaba mula sa roof top. Naririnig niya ang mga paa ng mga ito.

Inayos niya nag sarili at nag-double lang ng pinto. Hanggang matinig niya ang yabag papalapit doon. Napaurong siya unti-unti at lumayo sa pintuan. s
Nakita niya na gumalaw ang door knob. Napapikit siya at niyakap ang sarili.

Hanggang tumigil iyon at ang mga ay yabag nawala. Saka doon lang siya nakahinga ng maluwag.

"Nana Lydia, How is she?" narinig niya pero hindi klaro ang boses na iyon.

Hanggang wala na siyang naritinig na nag-uusap.

Tumingin siya sa nakasaradong pinto. Safe na ito at hindi basta mabubuksan. Kaya nagpasiya na siyang humiga sa kama at ipinikit ang mga mata hanggang makatulog siya.

Isang haplos ang naramdaman niya habang may malambot na labi ang naramdaman niya. Just like a dream again. Ibinuka ang kanyang mga labi at gumanti ng halik dito. Napakasarap sa pakiramdam ang ginagawa ng kung sino man iyon sa panaginip niya hanggang unti-unting mawala iyon.

Isang katok ang narinig niya at napabalikwas siya ng bangon. Muling tumingin sa bintana saka nakitang umaga na pala.

"Ma'm Emerald," mula sa labas.

Naasiwa siyang tawagin ng ganoon hindi siya sanay. Boses ito ni Nanay Lydia, bumangon siya saka pinagbuksan iyon. Mukhang tahimik na rin ang paligid.

"Magandang umaga po."

"Ma'am Emerald, bumaba na ho kayo at nakahain na ang pagkain. Iniintay ka na din po sa hapag kainan." nakangiti ito.

"Era na lang ho, saka sino po ba tinutukoy ninyo ang nagdala sa akin dito?" ayaw niyang ipakita ang inis niya dito dahil wala naman kasalanan ito.

"Ma'am, baka po magalit siya. Sumunod na lamg po kayo sa akin."

Tumalikod na ito at sumunod siya.

Habang pababa siya malakas ang kabog ng dibdib niya. Sino ba ang taong ito at pati siya dinadamay sa kalukuhan nito. Nasa salas na sila ng natanaw niya sa labas ang isang lalaking naka-shorts lang at white sando, nakatalikod ito at may kausap sa phone. Mukhang nasa thirties lang ito at nag katawan namumutok ang kakisigan.

Nilingon niya si Nanay Lydia pero wala na sa likuran niya hanggang humarap ang lalaking ito at lumalapit sa kanya. Seryoso ang mukha niyon.

Hunter Avella! Hindi niya alam kung magagalit siya o yayakapin niya ito. Malakas ang tibok ng puso niya pero nanaig pa rin ang galit sa lalaki dahil kinulong siya sa lugar na ito.

ONE WILD NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon